Angela's POV
"Hey! I found it first!" Hinarap ko yung kung sino mang hinayupak ang gustong kumuha sa libro.
O//////O
Nabigla ako dahil sobrang liit ng distansya sa pagitan namin. We were so close that I can actually feel his breath.
Napatulala ako nang makilala ko kung sino ito. Si Seven. Ang campus hearthrob at isa sa mga lalaking kinaiinisan ko. Nahimasmasan ako nung bigla siyang ngumiti. Kainis! Pinagtatawanan niya ako kasi natulala ako.
"No. I finally found you." he said sabay ipinatong ang isang kamay sa shelf. Shit! I was trapped.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Ano bang sininghot nito at kung anu-anung pinagsasabi.
"Huh? Hoy anung sininghot mo? Lumayo layo ka nga sa akin at kinikilabutan ako!" Tinulak ko siya ng marahan para magkalayo kami.
Lumayo siya ng bahagya sa akin. "Ako na magbibitbit nito para sayo." At basta-basta niya lang kinuha ang mga hawak kong libro.
Sinundan ko lang ito hanggang sa maupo kami sa bakanteng table. Wala akong nagawa.. teka bakit nga ba wala akong nagawa?
"Which one will you read first?" tanong niya kaya tinuro ko yung nahanap kong libro kanina. Eh sa yun naman talaga ang kailangan kong basahin eh.
"Should I flip the page for you?"
Okaaaayyyyy! This is getting weirder and weirder.
Tinaasan ko siya ng kilay."Ano bang kailangan mo?" Pagtataray ko. Halata na kasing may goal siya kung bakit siya lumapit sa akin eh.
Nakuuuuu! Kung wala lang kami sa library eh kanina ko pa ito sinigawan.
"Ikaw." Nilapit niya ang mukha niya sa akin. "Ikaw ang kailangan ko" he said while smiling sabay kindat.
Ano daw? Eh kung isubsob ko kaya yang mukha niya sa table. Pakindat kindat pa akala mo naman gwapo! che!
Tinulak ko yung mukha niya kaya napabalik siya sa pagkakaupo niya at seryosong tinignan siya.
"You see, Mr. Seven Santillan, I have no time para makipaglokohan sayo. At alam kong alam mo na ginawa ang library para makapag-aral ng mapayapa ang mga estudyante dito. Kaya pwede bang tigil tigilan mo ang pagpepeste sa akin kung ayaw mo ingudngod ko yang mukha mo dito sa table."
Naging classmate ko siya last year. but we've never been friends kaya naman nagtataka ako kung bakit siya nandito at kinakausap ako. Ni hindi ko nga siya nakakausap dati eh.
Well, sa mga quiz bees oo pero puro kayabangan lang mga pinagsasabi niya.
"Talagang alam mo buong pangalan ko ha? Okay, I'll get straight to the point. I like your bestfriend and I need you help, Angela." Nakangiti pa siya ng parang aso.
"You know me?" Napakunot ang noo ko.
Hindi naman kasi niya ako pinapansin kaya malay ko bang kilala niya ako. =__=
"Sa mukha oo. Actually nakalimutan ko nga yung name mo kaya pinagtanong ko pa. I need to know your name. You're a wallflower back then." nakahawak siya sa baba niya na parang nag iisip. Bwisit siya!
"At ang kapal talaga ng kidney mo para aminin na nakalimutan mo yun pangalan ko noh? Hindi ka parin nagbabago." Naiinis na ako. Imbyerna! Lakas ng loob niya ha!
"Atleast nag-effort pa akong nagtanong, Unappreciative girl." pagmamayabang pa niya.
"Wow! THANK YOU HA!?" diniinan ko pa yung pagkakasabi ng thank you para malaman niyang sarcastic yon. "At sa tingin mo ba hindi ko nakakalimutang dahil sayo muntik nang bumaba ang grades ko at mawalan ng scholarship?"
BINABASA MO ANG
The Supporting Actress
Teen FictionNo one believe that she's beautiful, until a guy came and make her feel that she really is. What if kung ang isang extra sa kwento ay magkaroon ng sariling istorya at maging bida? Happy ending din ba ito tulad ng iba? O hanggang extra na lang talaga...