Angela's POV
Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.. siguro dahil sa kaba? Papalapit ng papalapit ang mukha ni Seven sa mukha ko. Konting tingkayad nalang ay talagang mahahalikan na niya ako. Yumuko ako para hindi magtama ang mga mata namin. Hindi pwede. Nakuha na niya yung first kiss ko. Kaya hindi pwedeng siya ulit ang second kiss ko. Masisira niya yung plano kong sa first boyfriend ko ibibigay ang halik na iyon. Delikado. Delikado ang puso ko. Sobrang bilis na kasi talaga ng tibok nito at ramdam ko iyon. Feeling ko din namumula na ako dahil sa kaba. Kung pwede ko lang sana itali para hindi kumawala ang puso ko papunta sa kanya ay gagawin ko.
Napahinga ako ng malalim ng naramdaman kong lumayo siya. "I think I teased too much." ginulo niya yung buhok ko. Bwisit siya!
"Ikaw kasi!" nakayuko pa rin ako. Kinalma ko ang sarili ko at umupo malapit sa table. Kumalma na din yung puso ko. Kumuha ako ng cream puffs at sinubo ito.
Biglang tumayo si Seven. Bigla kasing bumukas ng kaunti ang pinto. Mukhang may tao. Nakita kong nagmano si Seven sa isang babae, kaya sumunod ako sa likod niya. Hinalikan niya ito sa pisngi. Magalang naman pala.
"Ma, bakit ang aga niyo ngayon?" tanong niya sa mama niya. Hindi man lang ba niya ako ipapakilala? Talagang hinarangan niya pa ako para lang hindi ako makita. Binabawi ko na. Bastos ulit siya!
"Wala masyadong ginagawa doon sa office kaya umuwi muna ako. Sabi ni Una may bisita ka daw." Biglang tumingin ang mama niya sa akin ng sumilip ako mula sa likod ni Seven. Ang tangkad naman kasi. "Sino siya?"
Umusad ai Seven sa way ko at natakpan niya ulit ako. Ano bang problema niya? Sinubukan kong magpakita sa mama niya pero talagang tinatakpan niya ako ng likod niya. Tsk "S-sino po?" bwisit ka Seven!
Tinulak ko siya patagilid at nginitian ang mama niya "Hi po. Ako po si Angela. Nice to meet you po." Nag bow ako. Ang ganda ng mama niya. Tho hindi niya masyadong kahawig si Seven, malamang ang tatay niya ang kahawig nito.
"Welcome to our home hija. First time magdala ni Seven magdala ng babae dito. Are you his--" Biglang sumigit si Seven sa pagitan namin. "No, ma. Kaibigan ko lang siya. Nandito siya k-kasi... kasi tinuturuan niya akong mag gitara. Hindi po kasi ako marunong."
"I see. Sige, pagbutihan niyo ha? Hija, pagtyagaan mo na lang ang anak ko ha? He's hard headed at talagang makulit yan pero mabait naman." She smiled at me. Beautiful.
"Alam ko po Mrs. Santillan." I grinned when I looked at Seven. "Masarap po yung cream puffs." I smiled.
Mukhang natuwa si Mrs. Santillan sa sinabi ko. "Thank you. I used to make some for my husband when we were younger. Baking was my profession before I handled the family bussines. Pero ngayob hobby ko nalang ang pagbebake para sa mag-ama ko." she said na parang nag rereminisce.
"Nakwento nga po ni Seven."
Ako lang ba? O nakita kong nginitian niya ng nakakaloko si Seven? "By the way, just call me Tita okay?" I nod. "i better go. Mukhan nakaka abala na ako sa inyo. Just call me when you need something."
"Ay hindi naman po, t-tita." hindi ako sanay. "Sige po, kamsahamnida." Nag bow ako. Oops! Mukhang nagulat si Tita sa pag korean ko. "I mean thank you po. Hehe." alanganing ngumiti ako.
"Do know how to speak korean?" She smiled widely. I nod. "Basic lang po."
"You know what? I have this feeling that we will meet again soon. O siya. Let's talk some other time Angela. I want to know you more." I smiled at her. Nakakangalay pala ang ngumiti.
Umalis na si Tita at ramdam kong nakatitig lang sa akin si Seven. "What?"
"So, close na kayo ni mama niyan?" natawa ako sa reaction niya.
"Hindi naman. Ako kasi yung klase ng taong nagiging magalang sa magulang ng kaibigan ko."
"Bait mo ah. Pwede bang dito na lang si Mama hanggang mamaya para nakangiti ka at hindi ka nagsusungit diyan? Talagang kahawig mo si DomoKun ano? "
Napakunot naman ang noo ko sa sinabiniya. "At sino ang masungit!?"
"Haha. You know what? You make my mother interested with you. Damn that korean."
BINABASA MO ANG
The Supporting Actress
Novela JuvenilNo one believe that she's beautiful, until a guy came and make her feel that she really is. What if kung ang isang extra sa kwento ay magkaroon ng sariling istorya at maging bida? Happy ending din ba ito tulad ng iba? O hanggang extra na lang talaga...