Actress 15: Careful

34 1 0
                                    

Angela's POV

"Anung trabaho mo dito?" Tanong ko dun sa waiter.

"Uhh waiter po ma'am" sabi nung waiter.

"Oh? Waiter ka pala? Akala ko watcher ka, wagas ka kasi makatitig sa bestfriend ko. Hiyang hiya naman yung papel at ballpen na hawak mo sa sobrang dami ng nasulat mo." pagtataray ko.

"Sorry po ma'am. Nagagandahan lang po ako sa kanya." sagot nung waiter.

"So? Kapag nagagandahan kailangan tumitig at kalimutan ang trabaho? At saka kuya, hindi lang naman ikaw ang nagagandahan sa kanya, marami. Pero hindi sila kagaya mo na sobra kung makatitig. Hay nako!" sabi ko. Nakakainis kasi. Parang minamanyak niya si Bii. Tanggalin ko mata niya eh!

"Sorry po talaga ma'am." sabi nung waiter habang naka yuko.

"Uhh. Kuya you can go now. We'll call you kapag may order na kami." sabat ni Bii.

"Sige po. Thank you po ma'am. Ang bait niyo po. Di kagaya ng kasama niyo ang sungit." Pabulong lang yung pagkasabi niya sa last sentence pero rinig ko pa din. Sasagutin ko sana yung waiter kaso pinigilan ako ni Bii at umalis na yung waiter.

"Hayaan mo na bii. Ikaw talaga. Pati pagtitig pinapansin." sabi niya.

"Nakuuuu! Irereklamo ko yun sa manager nila eh! Syempre papansinin ko yun! He's creepy. Parang minamanyak ka kung maka titig eh." sabi ko.

Ngumiti lang siya at napailing. Ako na ang tumawag ng waiter at umorder. Yung waiter dati na nag serve sa amin ni Seven. Ito kasi yung restaurant na napag tripan ko siya. I smile dahil sa naalala ko.

"Huy! Bakit ngumingiti ka jan mag-isa? Kanina galit na galit ka tapos ngayon nakangiti. Ano kaya yun? Baliw lang?" biglang sabi ni Bii sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Hehe. Eh kasi naalala ko si Seven. Dinala niya rin ako dito dati para magpa impress. Alam mo ba pinagtripan ko sya, tinago ko yung wallet sa ilalim ng backseat ng kotse niya kaya di siya nakabayad. Hahaha! Grabe bii kung makikita mo lang yung mukha niya noon habang nagpapaliwanag sa waiter. Priceless!!" Naalala ko na naman. Hahaha.

"Napakahirap naman pala ng pinagdadaanan sayo ni Seven. You're so bad!" sabi niya.

"I know right? Hayaan mo yun. So ayun nga, after noon iniwan ko na siya. Naiwan siya dito at pinag-hugas siya habang hinhintay niya si Six. Kaya galit na galit siya sa akin nun. Pasalamat nga hindi niya ako ginantihan eh." kwento ko.

Totoo naman. Hindi niya ako sinaktan man or what. Huh! Subukan niya lang.

"Oh? Edi mabait." sabi niya.

Mabait? Hmm. Siguro.. Oo, mabait nga siya.

"Oo mabait naman siya. Nagtataka nga ako kasi hindi pa siya naggi give-up. Oo nagrereklamo siya pero wala lang, sumusunod pa din siya. Ginagawa niya parin. Tapos minsan hindi mo alam kung nag-aalala ba siya sa'yo o hindi kasi lagi siyang nandiyan para sa'yo. Minsan nga magugulat ka nalang sa mga ginagawa at pinapakita niya. Masarap siyang kasama kahit madalas niya akong binubwisit. Ganun lang talaga siya. May kayabangan nga lang kapag pinupuri mo, o kaya kapag may babati o lalapit sa kanyang mga babae pero hanggang dun lang siya. Sa huli, sa'yo pa rin ang bagsak niya." habang sinasabi ko iyon ay naalala ko yung moments na magkasama kami ni Seven. Feeling ko ang saya saya ko. Pero bakit ganun? Parang nasaktan ako sa huling sinabi ko. Weird.

"Eto naman. Sinabi ko lang na mabait, nag speech ka na jan. Ikaw ha, bukambibig mo na siya ngayon ah." sabi niya sabay tuloy sa pagkain.

Feeling ko nagbublush ako. Ewan ko kung bakit. Masyado na nga siguro akong attached kay Seven. Hayst.

"Approve na ba sayo?" biglang tanong ni Bii.

"S-syempre hindi pa! Malapit na mag christmas vacation. Doon ko talaa malalaman kung faithful siya sa'yo. After nun, i will decide kung ano ang hatol ko." Nag-aalangan kong sagot.

Para kasing ayoko pang rapusin ang test niya. Hayssst! Ano ka ba naman angela! Imposible naman yang sinasabi mo!

"Oh, i see. Ingat lang bii. Baka matuluyan ka." sabi niya at saka ngumiti ng nakakaloko.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Actually alam ko naman talaga kung anu ang gutong ipahiwatig ni bii. Gusto ko lang makasiguro kung yun talaga yun.

Tch! Ako? Matutuluyan kay Seven? Hah! Malabo!

"You know what i mean Bii." sabi niya lang.

Hindi ako naka sagot. Buti nalang at dumating yung waiter para ibigay yung bill. Pagkatapos noon ay nagyaya na umuwi.

Bakit di ko masagot si bii? Hindi lang naman ang sasabihin ko diba?

Habang naglalakad kami papunta sa sakayan ay napansin ko yung mood ring ko...

It turned red.

Itutuloy..

---

Vote and comment if you want.

The Supporting ActressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon