Here we go :) part 1 ng Actress 20. Ngayon lang nakapag UD.. Medyo stress lang sa buhay xD Lol.
Vote and comment if you like it.
Enjoy reading :)
------
Angela's POV
Maaga palang sinesermunan na ako ni Papa. Imagine? College na ako, pero kung sermunan ako akala mo elementary. Lahat kasi ng nakikita niyang mali sa bahay sa akin niya isinisisi. Like puro alikabok yung figurines, gulo-gulo yung sofa set, hindi nakatago yung pagkain ng maayos, at sobrang dame pa. Kasalanan ko ba yun? Eh halos buong araw akong wala dito sa bahay nung pasukan tapos ngayon unang araw ng bakasyon sa akin isisisi lahat ng kalat nila? Tapos this lunch ako ang pinaghugas ng mga plato at dahil sa likas na madulas ang sabon ay nabitawan ko ang pinggan, kaya ayon. Nabasag.
Result? Sinermunan na naman ako. Hanggang sa umabot sa nakaraan na naman na konektado sa nanay ko. At lahat na ng masasakit na salita natanggap ko.
Nakakainis lang. Oo, alam ko namang kasalanan ko, pero kelangan pa bang palakihin ito dahil lang sa isang pinggan? Bakit kailangan niya pang lait-laitin, husgahan at ipamuka sa akin yung galit niya? Hindi ba siya nahihiya sa kakasigaw niya? Na naririnig siya ng mga kapitbahay?
Naikuyom ko nalang ang kamay ko sa sobrang inis habang nakayuko. Ganto naman lagi eh. Ako nalang lagi. Simula ng maghiwalay sila ni mama, naging cold at bugnutin si papa. Lalo na sa akin, siguro dahil sa nag-iisa lang akong babae at mataas ang expectations niya at siguro nakikita niya si mama sa akin.
Hayyy. Partida first day palang may problema agad. Kaya mas gusto kong may pasok eh. Kasi mas madming problema dito kaysa sa school.
"Pa, pwede po bang tama na? Nang dahil lang sa pinggan nagsisisigaw na kayo ng ganyan? Ayun lang po ba talaga ang dahilan o dahil na naman yan sa galit niyo kay mama na ibinubuntong niyo sa akin? Pa please naman po, kalimutan niyo na yun! Hindi niyo na po maibabalik. Kasi po ako ang nahihirapan. Ako po ang nagtitiis simula highschool hanggang ngayon." and I walked out.
Hindi ko naman gawain na sumagot sa magulang. lagi lang akong tahimik at nakayuko. Sabihin nalang nating 1/4 lang yan sa gusto kong sabihin kay papa. Alam niyo yun? Yung kusa nalang lumabas sa bibig ko kahit ayaw ko? Hayy..
**
Naisipan kong mag gala muna sa Sm. Pampawala ng badtrip. Buti hindi ako nakita ni papa na lumabas.
Pumasok ako sa isang botique para bumili ng mga bagong damit. Wala lang, naisipan ko lang. Mga luma na kasi yung damit ko. Yung binili lang ni Bii nung birthday ko ang pinaka bago. Hindi ko naman ugali na bumili bg damit hangga't may maiisusuot pa. Ngayon lang.
"Good morning ma'am. May I help you?" bungad ng sales lady. Mukha ba akong disable? Tsk.
Hindi ko nalang pinansin. Pag gantong badtrip ako wag nila ako kakausapin. Kasi baka mabara ko lang sila.
Tumingin-tingin ako ng bagong jeans. Tsk. Wala ako mapili. Shirts na nga lang.
"Ma'am bibili po ba kayo?" Tanong ng sales lady habang nag hahalungkat ako ng magandang shirt.
Nakakainis na. Kanina pa yan sunod ng sunod sakin simula nang pumasok ako dito. Ano ba akala nila sa'kin? Magnanakaw!?
Tinignan ko siya "Hindi tatambay lang."
"Po? Eh bakit po kayo nag hahalungkat ng shirt kung tatambay kayo? At saka hindi po ito tambayan Ma'am." Kunot-noong tanong niya.
Nakaka inis ang katangahan ha.
BINABASA MO ANG
The Supporting Actress
Fiksi RemajaNo one believe that she's beautiful, until a guy came and make her feel that she really is. What if kung ang isang extra sa kwento ay magkaroon ng sariling istorya at maging bida? Happy ending din ba ito tulad ng iba? O hanggang extra na lang talaga...