Czarina's POV"Hon!!" tawag ko sakanya habang lumalapit ako sa pwesto niya. Ewan ko kung matutuwa ako dahil nandito parin siya o malulungkot dahil hindi manlang nagbago ang expression ng mukha niya nung tawagin ko siya. Napatingin naman ako sa tabi niya at nakita ko doon ang cellphone niya. Kanina ko pa siya tinatawagan for pete's sake tapos nasa tabi lang pala niya ang phone niya hindi pa niya sinagot!? Wtf.
"Why are you here?" walang emosyong tanong niya kaya tinitigan ko naman siya ng masama. Nasa harap na niya ko ngayon at patuloy parin siya sa pagpapaikot ng bola sa daliri niya.
"Hah!! Wow ian ah ako pa talaga ang tinanong mo ng ganyan!" inis at may pagkasarcastikong sabi ko sakanya. Hindi niya ko sinagot at tinignan niya lang ako ng blanko.
"Ano ba ian bitawan mo nga yan" inis na sabi ko sakanya at kinuha ang bolang hawak niya at ibinato sa kung saan. Tumayo naman siya at kinuha na niya yung bag niya at akmang maglalakad na paalis.
"Uwi na ko" walang ganang sabi niya na mas ikinainis ko. Nagsisimula na rin lumabo ang paningin ko dahil nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko pero pilit kung pinipigilan.
"Hon sandali lang may problema ba tayo?" pagpipigil ko sakanya habang hawak-hawak parin ang braso niya.
"Ano ba sa tingin mo?"
"Wala naman tayong problema eh" sagot ko ulit.
"Edi wala" pamimilosopo niya pa at pinagpatuloy ang paglalakad niya.
"Ano ba ian pakinggan mo nga ko!" inis na sabi ko ulit sakanya.
"Czayi wag ngayon pagod ako"
"Kung hindi ngayon kailan?! Huh!? Kailan?! Bukas?!sa makalawa?! sa isang lingo ganun?! Hanggang kailan ka ba magiging ganyan sakin huh?! Until when?!" tumulo na ang kanina ko pang pinipigilan kung mga luha ko. Pilit ko itong pinupunasan pero tuloy-tuloy lang ang agos ng mga ito. Humarap siya sakin pero hindi manlang nagbago ang reaksyon niya.
"Alam mo czayi mas mabuti pang maghiwalay nalang tayo"
"No!.! Hindi ian please ayoko!! Pagkatapos ng lahat hihiwalayan mo ko?! Please Ian no!" umiiyak na pakiusap ko sakanya.
"Pagod na ko czayi. Sawang-sawa na ko. Hindi ganito ang gusto kung relasyon"
"Eh ano?! Huh?! May kulang ba sakin?! Hindi parin ba ako sapat?"
"Alam kong alam mo ang gusto ko czayi" walang ganang sabi niya na mas lalong ikinawasak ng puso ko. Akala ko hindi na mauulit ang naranasan ko noon pero mali pala ako. Mali nanaman ako. Maling-mali ako.
"Eh gago ka pala eh! For almost 2 fucking years na pagsasama natin ian bakit ngayon pa?! Alam mo ang babaw mo!! Nang dahil lang sa sex nakikipaghiwalay ka sakin? Bakit? Diba pinagbigyan naman kita!! Kahit na alam kung mali pumayag ako!! Alam mo kung bakit?! Dahil mahal kita!! Mahal na mahal kita!! Edi sana nung una sinabi mo nalang para hindi na sana kita nilapitan pa! Hindi na lang sana ako napalapit sayo!!" Dire-diretsong sabi ko.
"Sorry"
~~pak~~
Isang malutong na sampal ang ibinigay ko sakanya.
"Sorry?! Yun lang? Sorry?! Putang ina mo akala ko iba ka!!! Pare-pareho lang pala kayong mga lalaki!! YOU ONLY NEED IS THAT FUCKING SEX!! SEX HERE, SEX THERE SEX, EVERY WHERE!! PUTANG INANG SEX YAN!!" galit na sabi ko sakanya at iniwan na siya doon.
Pahid lang ako ng pahid ng mga tumutulo kung luha habang naglalakad ako paalis sa gym. Sorbrang kirot ang nararamdaman ko. Nagdidilim na rin ang paningin ko dahil sa galit. Na-ulit na naman ang pinakakatakutan ko. Kailan ba to matatapos?! Sawang-sawa na kong masaktan. Sapat ba yun na rason para hiwalayan niya ko?! Ng dahil lang sa sex na yan nawala nanaman siya sakin.
BINABASA MO ANG
Love Struck (COMPLETED)
Teen FictionCompleted☑️ "Ano ba ian pakinggan mo nga ko!" inis na sabi ko ulit sakanya. "Czayi wag ngayon pagod ako" "Kung hindi ngayon kailan?! Huh!? Kailan?! Bukas?!sa makalawa?! sa isang lingo ganun?! Hanggang kailan ka ba magiging ganyan sakin huh?! Until...