Chapter 29

394 12 0
                                    

Czarina's POV

Nandito na ako ngayon sa inner quad at kasalukuyang nagsusulat ng letter. Tinext ko na rin si Ian kong nasaan ako. 10 am na rin kaya alam kong recess time na.

"Babe what happened?" napatingin naman ako kay Ian nung bigla-bigla nalang siyang sumulpot sa harapan ko.

"Ikaw kasi kasalanan mo. Tss"

"Bakit ako??"

"Kasi naman daig mo pa ang babae kung mag-inarte nun" sabi ko sabay irap sakanya. Umupo naman siya sa harap ko tsaka kinuha yong sinusulat ko.

"Sorry"

"Tapos na yun okay. Nangyari na. Ano 'pang magagawa mo?"

"Ilang words ba?"

"1000"

"Ilan na nasulat mo?"

"300+ Im not sure"

"Tulongan nalang kitang magsulat okay" tumango nalang ako. Umupo naman siya sa harapan ko at kinuha yong ballpen niya tsaka nagsimulang magsulat sa papel ko. Infairnes ang ganda ng sulat niya. Daig pa ang sulat ko. Masakit na ang kamay ko kaya pinanood ko muna siyang magsulat. Kanina pa kasi ako nagsusulat at hindi narin ako nag-attend ng first period ko kasi kailangan kong ihabol to hanggang tanghali as a punishment.

At sa mga documents naman na hindi namin naipasa nung friday ay naipasa ko na kanina. Nakakainas nga eh kasi ako lang mag-isa ang gumawa nun. Ang tagal kasi ni Ian dumating. Masakit na nga ang paa ko pati ba naman kamay. Pshh.

Nakatingin lang ako sakanya habang busy naman siya sa pagsusulat niya. Ang cute niya talaga. Ang seryoso niya ngayon. Ang haba talaga ng pilik mata niya nakaka-inggit. Tapos yong ilong niya ang tangos. Tapos yong panga niya shettt ang sarap titigan. Tapos yong mapupula niyang labi shet mas masarap titigan.  Wtf ang landi ko!! Honest lang. Ang unfair talaga diba naninigarilyo siya? Bakit mapupula parin ang labi niya? Daig pa ko. Tss

Pinakagusto ko talaga yung chinito eyes niya. Ang cuteeeee lalo na pag ngumi-ngiti siya nawawala yung mata niya nagiging half moon shape yung pagkakapikit niya. Hahaha. Hindi ko namalayan nakangiti na pala ako sa kakatitig sakanya. Ano kaya ang nagustohan saakin ng lalaking to? Eh isa lang naman akong malanding babae na nakilala niya sa school. Swerte na ba ako dahil nagustohan niya ako? O swerte niya saakin?

Nakatitig lang ako sakanya nung bigla niyang kagatin ang pang-ibabang labi niya. Wtf. Halos malaglag ang panga ko sa ginawa niya. Hindi ko alam kong bakit ang lakas ng naging epekto saakin nun eh parang normal lang naman ang ginawa niya. Nakakagat lang siya sa pang-ibabang labi niya habang seryosong nagsusulat.  Sa sobrang focus niya siguro sa pagsusulat niya hindi na niya napansin na kanina ko pa siya tinititigan.

Gwapo talaga siya na cute. Hindi na ako magtataka kong marami na ang nagkakagusto sakanya. Kung pwede ko lang siyang ibulsa nalang para wala ng makakita pa sakanya pero hindi eh. Makikita at makikita parin nila siya.

Inilabas ko naman yung cellphone ko tsaka pinicturan siya. Ang daya talaga. Kahit stolen lang ang gwapo gwapo niya. Nakakatemp rin yung labi niya na kagat-kagat niya. Ako kaya ang kumagat? Psh haha asa. Pero pwede rin. Chos.

Pumunta naman ako sa messenger tsaka nag my day. Why so serious babe? Yan yung caption ko sa stolen niya. Ang dami na agad ang nakakita. May mga nagtanong pa kong si zavier daw ba yan. Kung boyfriend ko ba talaga siya. Stay strong tsaka madami pang iba. Sinagotan ko naman lahat ng yun. Bakit naman hindi? Eh maipagmamalaki ko naman tong boyfriend ko.

Nakangiti lang ako habang rine-reply'an yung mga tanong nila sa my day ko. Nagulat nalang ako ng biglang agawin saakin ni Ian yung cellphone ko, mabuti nalang at medyo mahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko kaya nai-off ko muna yung cellphone ko bago niya nakuha.

Love Struck (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon