Czarina's POV
***KINABUKASAN***
"Goodmorning saturday!!!!" masayang sabi ko sa hangin pagkagising ko. Ang sarap ng tulog ko. Ang ganda rin ng gising ko.
Sabado ngayon at walang pasok kaya siguro masaya ako dahil walang stress. Chill lang. Dumiretso na ako sa bathroom pagkatapos kung mag-unat-unat. Pagkatapos kong magawa ang daily routines ko ay bumaba na rin ako para kumain.
"Goodmorning mommy! Goodmorning manang!" masayang bati ko sakanila ng maabutan ko sila sa sala. Lumapit naman ako kay mommy at hinalikan siya sa pisngi.
"Goodmorning baby" masaya rin na sagot ni mommy at yinakap ako. Umupo rin ako sa sofa na katabi niya at nananatiling pa-side na nakayakap sakanya. Miss ko na yung ganitong moments namin ni mommy at daddy pati na rin si kuya. Sayang nga eh wala sila dito.
"Mukhang maganda ang gising mo hija ah" sabi naman ni manang.
"Wala kasing pasok manang kaya masaya ako"
"Baka naman dahil sa gwapong binatilyo na naghatid sayo kahapon" pang-aasar pa ni manang. Napatigil naman ako saglit. Oo nga pakshettt!! Wait ngayon ko lang naalala na natulogan ko pala siya kahapon. Paano ako nakapunta sa kwarto ko kung natutulog ako? Bakit hindi ako nagising? Wahhhhh ang pangit siguro ng itsura ko!!!!!.
"Baby may hindi ka pala sinasabi saamin"
"Mom paano ako nakarating sa kwarto ko?"
"Binuhat ka ni zavier anak" kinikilig na sagot niya at napatakip naman ako sa mukha ko sa kahihiyan.
"Baby boyfriend mo pala yun. Infairness gwapo siya at maalaga"
"What?! Mom bakit kasi hindi niyo nalang ako ginising tsaka paano niyo naman nalamang maalaga siya?" gulat na gulat na sabi ko.
"Syempre anak pinanood namin siya kahapon kung anong ginagawa niya sayo at yieeeeee baby nakakakilig!!!!" tumitiling sabi ni mommy.
"Mom naman!!! Ehhh kakain na nga ako!! Ayokong pag-usapan ang bwisit na lalaking yun tsaka hindi ko pa namang boyfriend yun. Kapal!!" sabi ko.
"Bwisit pero mahal mo naman. Hindi pa? So meaning hija sasagotin mo palang? Yieeee" tinalikuran ko nalang sila at tumakbo na ako papunta sa kitchen para kumain.
Pagkatapos kong kumain umakyat na ulit ako sa hagdan at bumalik sa kwarto ko. Pilit kong inaalala ang nangyari kahapon nong natulogan ko siya pero hindi ko talaga maalala. May pumapasok rin na malabong salita sa isipan ko pero hindi ko alam kong anong eksaktong words yun. Parang may nangyari na wala ay meron pala ay hindi ko alam. Panaginip lang ba yun? Bahala na nga.
Kinuha ko ang cellphone ko at sakto namang nag-ring iyon. May tumatawag. Tinignan ko king sino yung caller.
~~~julian calling~~~
Sinagot ko naman agad iyon pero hindi ako nagsalita. Hinihintay ko lang siyang magsalita muna.
"Hello" parang nahihiya 'pang bati niya.
"Mmm" tanging sagot ko. Hindi ko alam kong anong sasabihin ko. Nahihiya ako sakanya. Naalala ko lahat ng mga kagagahan ko nung mga nakaraang araw. I miss her. I miss my bestfriend.
"Uhm k-kamusta" pumiyok 'pang tanong niya.
"Okay lang naman. Ganito parin. Bakit?" shit this. I miss our bonding. I miss her so much. Tanga lang kasi ako.
"Pwede 'bang magkita tayo? Please. I miss you" nabuhayan naman ako sa sinabi niya. Hindi agad ako nakapagsalita dahil nahihiya ako sakanya. Gusto ko rin siyang makita at makasama. I miss the old times with my bestfriend. Sweet talaga kami dati pa pero nagbago lang nung mga nakaraang araw ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Actually ako lang naman ang nagbago. Tanga ko kasi. May parents na ako't kaibigan nagrebelde parin ako. Hindi ko napansin na nandyan lang pala sila para saakin.
BINABASA MO ANG
Love Struck (COMPLETED)
Teen FictionCompleted☑️ "Ano ba ian pakinggan mo nga ko!" inis na sabi ko ulit sakanya. "Czayi wag ngayon pagod ako" "Kung hindi ngayon kailan?! Huh!? Kailan?! Bukas?!sa makalawa?! sa isang lingo ganun?! Hanggang kailan ka ba magiging ganyan sakin huh?! Until...