Julius POV"Are you okay now?" tanong ko kay czarina. Nung medyo tumahan na siya. Agad naman siyang humiwalay sa pagkakayakap saakin.
"Yeah. Uhmm sorry"
"Nah its okay"
I miss you. I want to hug you more. But somebody owns you. Gusto kong makipagbalikan sayo pero huli na ata ako. Ang gago ko kasi nun eh. Saka ko lang narealize na mahal pala talaga kita nung wala ka na. Nung may iba ka na. Sana ako nalang ulit rina.
Inilabas ko ang panyo ko galing sa bulsa ko at iyon ang ipinunas ko sa mukha niya. Basa sa kakaiyak. Nag-iwas lang siya ng tingin.
"Ihahatid na kita sainyo?" tanong ko sakanya. Napatingin naman siya saakin. Gusto kong tanongin kong bakit siya umiiyak. Gusto kong sabihin niya saakin iyon pero alam ko sa sarili ko wala akong karapatan.
"May klase pa ko"
"Wala ng klase. May meeting yong mga teachers kaya pinapauwi na nila tayo. Hindi mo ba alam?" tanong ko. Saan naman siya nanggaling at bakit hindi niya alam na wala ng pasok?
"Ahh hindi ko alam eh"
"So ihahatid na kita sainyo?"
"Okay" napangiti nalang ako ng pumayag siya. Hayyy
Alam ko ang bahay nila . Naalala ko pa nga nun eh. Nung palagi ko siyang dinadalaw sakanila. Sana hindi nalang kita iniwan nun. Edi sana masaya parin tayo ngayon.
"Gusto mo kumain muna tayo sa mall? O manood ng sine? Maaga pa naman eh. Kung okay lang sayo" tanong ko sakanya habang naglalakad na kami papunta sa parking lot. Tinignan naman niya ako.
"Sige" tipid na sagot niya. Napangiti naman ako. Akala ko hindi na siya papayag.
Inakay ko na siya papunta sa kotse ko at pinagbuksan siya ng pinto ng kotse. Sumakay naman siya. Agad naman akong umikot papunta sa driver seat at sumakay na.
***
"Where do you want to go first?" tanong ko kay czarina. Nandito na kami ngayong sa Liñas Mall.
"Kakain muna?" patanong na sagot niya.
"Saan?"
"Mcdo" simpleng sagot niya.
Napangiti naman ako. Her favorite is chicken ala king. Palagi siyang nagpapabili nun. Ala king lang masaya na siya nun.
"Seriously czarina? Hanggang ngayon ala king parin?" natatawang sabi ko kay czarina habang naglalakad na kami ngayon papunta sa mcdonalds. Hinampas niya naman ako sa braso.
"Tss"
Pagkarating namin sa mcdo ay pinauna ko na siyang umupo at ako na ang umorder ng kakainin namin total alam ko naman kung anong gusto niya.
"Good afternoon sir, whats your order?"
"2 chicken ala king with fries please"
"Ah okay sir, drinks sir?"
"Uhm coke"
"Take out sir?"
"No no"
Mabilis ko rin namang nakuha ang order ko kaya pumunta na ako sa pwesto ni czarina habang bitbit ang inorder ko para saamin.
***
Pagkatapos naming kumain ay lumabas rin naman kami doon at pumunta na sa cinehan.
Nanood lang kami ng Diary ng Panget pagkatapos ay pumunta na kami sa toms world. Mabuti nalang at nag-eenjoy naman si czarina. Kita ko sa mga ngiti niya. Sana bumalik nalang kami sa dati pangako hindi na kita iiwan.
BINABASA MO ANG
Love Struck (COMPLETED)
Teen FictionCompleted☑️ "Ano ba ian pakinggan mo nga ko!" inis na sabi ko ulit sakanya. "Czayi wag ngayon pagod ako" "Kung hindi ngayon kailan?! Huh!? Kailan?! Bukas?!sa makalawa?! sa isang lingo ganun?! Hanggang kailan ka ba magiging ganyan sakin huh?! Until...