Chapter 14

473 19 0
                                    


Czarina's POV

Saktong pagkahila saakin ni zavier palayo ay ang siyang paglabas ng mga studyante para sa sunod nilang klase. Yun siguro ang dahilan kong bakit hindi na kami nahabol pa ni julius dahil madami ng nakaharang sa corridor na nagsilabasan na mga studyante. Ano bang problema ng lalaking to at bakit ang hilig manghila. Hindi na mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko tulad kahapon pero ramdam ko ang galit niya. Alam kong pinipigilan niya lang ang sarili niya. Then who cares?

"Ano nanaman ba ang problema mo zavier?!" inis na sabi ko kay zavier habang hila-hila parin niya ako. Pinagtitinginan narin kami ng mga nakakakita saaming mga studyante. Another tsismis nanaman to panigurado!! Tsss.

Hindi niya ako pinansin. Patuloy lang siya sa paghila saakin. Nagulat nalang ako ng bigla niya nalang akong ipasok sa----- cr naming mga babae?!?! What the hell?!?!

"Zavier??" gulat na tanong ng mga babae na nasa loob. Bale tatlo lang sila at kasalukuyan silang nagre-retouch ng pumasok kami.

"What are you doing here? This is only for girls" hindi nila ako pinansin at panay sila sa pagpapacute kay zavier. Hindi rin naman sila pinansin ni zavier. Mabuti nga sakanila.

"Get out!!" ma-awtoridad na sabi ni zavier sakanila.

"Pero--"

"Just fucking get out!!" may diing sabi niya. Dali-dali naman silang nagsilabas dala-dala ang mga gamit nila na hindi pa nila na-aayos ng mabuti.

Pagkalabas ng mga babae sa cr binitawan niya ang braso ko. Naglakad siya isa-isa sa mga cubicle para icheck siguro na wala na talagang tao. Pagkatapos niyang icheck ang mga cubicle ay pumunta siya sa harap ko. Galit ang mga mata niya. Ano 'bang problema nito.

"Ouch!!" napadaing ako ng biglaan niya akong isandal sa pinto ng cr dahilan para maisara ng tuloyan. No let me correct that, hindi talaga niya ako isinandal sa pinto dahil kusa mismo akong napasandal sa gulat. Paano ba naman kasi eh nasa harap ako ng pinto ng cr tapos pumunta siya sa harapan ko tapos bigla niya nalang ilalagay sa kamay niya sa magkabilang gilid ko, akala ko kong ano na pero isasara niya lang pala ang pinto. But fuck!! Bakit sa harap ko pa mismo?! Diba dapat pinatabi niya nalang ako?! Sinong hindi magugulat sa ginawa niya?!!

Galit parin ang tingin niya saakin habang ang mga kamay niya ay nasa magka-bilang gilid ko parin dahilan para makulong ako sa mga bisig niya. Malapit rin ang mga mukha namin sa isa't-isa. Tinignan ko lang siya gamit ang inis kong mga mata.

"Now explain" madiing sabi niya. Hindi ko siya pinansin imbes ay tinulak ko siya ng bahagya. Akala mo nakakalimutan ko na yong ginawa mo saakin kagabi? Hell no!!

"Ano ba? Layuan mo nga ko!! Hindi kita kailangan sa buhay ko!!" inis na sigaw ko sakanya.

"What the hell!! Im your boyfriend for god's sake czarina!! Ano 'bang problema mo sa buhay mo huh?! Pwede ba tumigil ka na sa ginagawa mong yan!! Ano ba?! Why are you kissing someone when you have a boyfriend?!!" galit na sigaw niya saakin. Ngayon ko lang marinig na tawagin niya ako sa pangalan ko. Hindi ako sanay.

"I just want to remind you zavier that all of these is fake!! All are fake!! You're not serious!! Hell Im not serious too!!! So please stop acting like a real boyfriend here infact you're not!!!" sigaw ko rin sakanya.

"Pakinggan mo ko czarina please. Just please... Ayoko ng ganito. Hindi ito ang pinangarap kong relasyon!!Sayo na ako diba? Sayong-sayo na ako!! Hindi parin ba ako sapat?! Kulang pa ba ako?! Sabihin mo kong anong kulang at ibibigay ko sayo para lang tumigil ka na sa kahibangan mo" biglang pumungay ang mga mata niya. Gusto kong maiyak sa sinabi niya. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero hindi pwede. Hindi pwede dahil hindi siya si Ian. Hindi siya si Ian na minahal ko!! Mas lalong hindi siya si Ian na iniwan ako!! Siya si Zavier at hindi si Ian!! Gumising ka na czarina, hindi siya si Ian at kahit kailan hindi siya magiging si Ian. Oo tama kayo. Nakikita ko siya bilang Ian at hindi bilang zavier. Una palang kita ko sakanya akala ko na siya si Ian pero hindi siya si Ian. Ayokong tanggapin noong una kaya inalis ko agad sa isipan ko iyon.

"Hindi mo ako pagmamay-ari at mas lalong hindi kita pagmamay-ari dahil una palang wala ng tayo!! Alam mo mas mabuti pang humanap ka nalang ng iba dyan, hindi ako nararapat sayo. Iba ako sa mga babae dyan so tumigil ka na. Ayoko ng patagalin pa itong pesteng bagay na to. Aaminin ko to sayo zavier baka sakaling magising ka. Una palang kitang makita akala ko ikaw si Ian. Si Ian na MINAHAL KO. Si Ian na UMIWAN SAAKIN pero hindi pala ikaw siya. Nagkamali lang pala ako. Alam mo ba kung bakit pinakisamahan kita noong sinabi mo sakanila na may relasyon tayo? Dahil gusto kong maghiganti sainyo!! Sa INYONG MGA LALAKI!!! Sinasabi ko ito sayo dahil ayaw ko ng patagalin pa itong bagay na to. Ayokong saktan ka dahil sa kahit isang araw lang kitang nakilala alam kong iba ka. Iba ka sakanila.  So please zavier tumigil ka na" kita ko ang pag-iiba ng reaksyon niya. Kumikislap na rin ang mga mata niya pero ako blanko ko lang siyang tinitignan. Kumuyom ang mga kamao niya sa sinabi ko. Hindi ko masabi kong anong reaksyon niya ngayon. Malungkot siya oo pero parang kulang ang salitang lungkot.

"Please naman czarina oh. Wag namang ganito. Ayoko!! Tanga na kong tanga pero tatanggapin ko ang dahilan mo. Matatanggap ko yun. Nandito ako czarina oh!! Nandito ako" turo niya pa sa sarili niya "Pwede bang ako nalang?? Yung ako lang. Yung wala ng iba. Yung tayong dalawa lang. Pwede ba yun?" parang sinaksak ng libo-libong mga karayom ang puso ko sa sinabi niya. Parang pinagsisisihan ko pang idinamay ko siya kahit na siya naman talaga ang nagsimula. Hindi ko ipinakita sakanyang apektado ako sa mga nangyayari. Blanko lang ang paningin ko sakanya.

"Hindi pwede zavier!! Ayoko na nga sabi!! Tigilan na natin tong kalokohang ito. Masasaktan ka lang!!"

"Then kong yan ang rason mo, na masasaktan lang ako para itigil natin to fuck tatanggapin ko. Handa akong magpaka-martyr para lang sayo. Hindi kita papakealaman kong anong gagawin mo. Handa akong magtiis. Call me stupid but yeah its true stupidly inlove with you" napatawa ako ng sarcastiko sa huling sabi niya.

"Inlove? Big word!! We've just only met yesterday!! And now your saying that you're inlove with me? Seriously?!"

"Kung pwede lang sanang turuan ang puso ko pero hindi eh. Whether you like it or not girlfriend parin kita at boyfriend mo parin ako and that is final" napanganga nalang ako sa sinabi niya. Fine!! We'll see

"Bahala ka sa buhay mo. Simula ngayon wala na akong pakialam sayo lalong-lalo nang wala ka nang pakealam saakin. Okay!! May relasyon tayo pero walang pakialamanan"

"If thats what you want" kinilabutan nalang ako sa sinabi niya. Wow pagkatapos ng sigawan namin dito lang pala ang ending!! Just wow!!!

"Were late!!!" nagulantang nalang ako ng maalala kong may sunod pa pala kaming klase at classmate kami doon. Hinila nalang niya ako papunta sa classroom namin ng parang wala lang nangyari.

"This is all your fault zavier!!" inis na sigaw ko sakanya ng paakyat na kami sa hagdan.

"Im sorry" sagot naman niya habang hila-hila parin niya ako. Wala na rin nagkalat na mga studyante.

"Palagi ka nalang sorry!!! Sorry kahapon sorry ngayon!!! Sorry everywhere!!! Fucking sorry!!" inis na talaga ako. Pinakaayoko kasi sa lahat ay ang magcutting classes. For sure cutting class na kami ngayon.

"Then I love you" nanlaki nalang ang mga mata ko sa sinabi niya. Sakto namang nasa tapat na kami ng classroom namin kaya nakita ko pa ang pag-ngisi niya.

"Ano?!"

"Sabi mo ayaw mo ng sorry edi I love you nalang" pa-inosentemg sagot niya.



Love Struck (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon