Czarina's POV*Kinabukasan*
"Mom papasok na ko" paalam ko kay mommy at hinalikan ko na siya sa pisngi at dumeretso sa garahe. Sinabi ko na rin kay manong Nestor na magpapahatid ako ngayon dahil wala yong kotse ko. 20 minutes lang siguro ang byahe mula dito sa bahay hanggang sa school. Maaga pa naman kaya hindi masyadong traffic yong daan.
Mabilis lang nanan ang oras kaya agad rin naman kaming nakarating sa school.
"Manong dyan nalang sa harap ng gate"
"Sige po maam"
Pagkarating namin sa harap ng gate bumaba na agad ako at dumiretso papasok. Nag-thank you na rin ako sakanya. As usual pinagtitinginan na naman ako ng mga palakang pakalat-kalat sa paligid. Ano ba yan, bakit hinahayaan nila na makapasok ang mga palaka sa school namin. Psh.
"Nakita niyo na yong ipinost ni Ayn sa facebook niya?"
"Oo nga eh"
"Diba siya yong Czarina Agsao?"
"Oo siya nga"
Sige lang pagtsismisan niyo lang ako. Pag-ako hindi makapagpigil pag-uuntugin ko kayo lahat dyan.
"Hindi ba aware si Ayn na bitch yan?"
"Bakit nagustohan niya yan?"
"Kawawa naman si zavier baka nagayuma siya ng babaeng yan"
"Kaya nga eh. Impossible naman kasi na magustohan ng isang zavier ang isang bitch na tulad niya"
Napatigil ako sa mismong harap ng mga tsismosang palaka. Tinaasan ko sila ng kilay at sila naman ay nag crossed arms lang.
"Alam niyo kung hindi lang ako makapag-pigil pinag-uuntog ko na kayo kanina pa. Pwede ba kung naiinggit kayo sabihin niyo saakin. Hindi yong tsismis kayo ng tsismis dyan, sinasayang niyo lang ang mga expired niyong laway. Diba kayo rin yong mga tsismosang palaka kahapon? Ano kayo ngayon? Eh Boyfriend ko na siya. Sabi ko naman sainyo makukuha ko siya" mahabang sabi ko sakanila.
"Boyfriend mo na siya kasi ginayuma mo. Siguro mangkukulam ang nanay mo kaya nagayuma mo si zavier" biglang nagdilim ang paningin ko sa sinabi niya. Mang-damay ka pa ng iba mapapatay na kita!!
"Wag na wag mong idadamay ang nanay ko dito! Mas lalong hindi ko siya ginayuma. Gusto mo si zavier diba? Kayo? Gusto niyo siya diba? Edi sainyo siya!! Kuhanin niyo kung kaya niyo!! Kung talagang mangkukulam ang nanay ko matagal na sana kayong patay ngayon dahil unang tingin ko palang sainyo pinakulam ko na sana kayo. Sa palakang pagmumukha niyo malamang hindi kayo mapapansin ng mga gusto niyo! Makapal na nga ang mga mukha niyo, nagmake up pa kayo ng makapal, alam niyo kong anong kinalabas ng mga pagmumukha niyo? Nagmukha kayong palaka na naghahanap ng prince charming na hahalik sainyo pero ano? Wala kayong prince charming kasi itinadhana talaga kayong maging tsismosang palaka na pagala-gala sa school habang naghihintay ng masasagap na tsismis!!" sabi ko sakanila at tinalikuran na sila. Hindi pa man ako masyadong nakakalayo ng bigla nila akong hawakan sa braso.
"Bawiin mo ang sinabi mo!!" sabi nung isang palaka.
"Bakit ko babawiin eh totoo naman"
"Atleast kami hindi kami malanding tulad mo!!" sabi pa nung isang palaka. Hinead to foot ko naman sila.
"Wow ah!! Hiyang-hiya naman ang suot ko sa suot niyo. Tignan niyo nga ang suot niyo!, kulang nalang lumabas na yang boobs niyo sa suot niyo. Yan ba ang hindi malandi? Nagsusuot kayo ng ganyan para maakit ang mga lalaki sainyo pero sorry nalang kayo dahil pang-one night stand lang kayo. In short pampalipas lang kayo ng mga lalaki. Ano ba yan kadiri naman ng mga lalaking pumapatol sainyo" nakangising sabi ko at tinanggal ang kamay nung palaka sa braso ko at umalis na sa harapan nila. What a morning!!! Nakakainis!! Umagang-umaga nasira na agad ang araw ko!!
BINABASA MO ANG
Love Struck (COMPLETED)
Teen FictionCompleted☑️ "Ano ba ian pakinggan mo nga ko!" inis na sabi ko ulit sakanya. "Czayi wag ngayon pagod ako" "Kung hindi ngayon kailan?! Huh!? Kailan?! Bukas?!sa makalawa?! sa isang lingo ganun?! Hanggang kailan ka ba magiging ganyan sakin huh?! Until...