Chapter 28

389 13 0
                                    


Czarina's POV

*KINABUKASAN*

Nandito ako ngayon sa room namin. Ang ganda ng gising ko kaya siguro napaaga pa ako ng pasok nagyon. Haysss. Nakaupo lang ako sa pwesto ko habang nakikinig ng music sa cellphone ko. Naka-earphones rin ako. Napatingin naman ulit ako sa cellphone ko nung may nagtext.

From: Mah Babe
Goodmorning babe! Kumain ka na? Kumain ka ha.

Tinignan ko naman ang oras at 7:03 na. Gago talaga toh! Panigurado kakagising lang niya. Eh ano pa nga ba palagi naman siyang late pumapasok. I mean siya ang pinakahuling kaklase ko ang pumapasok dito sa room everyday. Tss.

To: Mah Babe
Huy Ian bumangon ka na dyan at maligo ka na, anong oras na oh! Kanina pa ako nakakain nasa school na nga ako eh.

Napatingin naman ako sa pinto nung biglang bumukas ito. Pumasok si carlo. Yung hinalikan ko nun. Pshh. Nung magtama ang paningin namin ay ang sama ng tingin niya saakin. Ano pa nga ba? Eh sinira ko lang naman ang relasyon nila ng girlfriend niya. Nagkunwari nalang akong hindi ko nakita. Ayoko na ng gulo. Ayokong masira itong magandang-araw ko. Napatingin ulit ako sa cellphone ko nung magreply siya.

From: Mah Babe
Babe naman:( Galit ka agad ang aga-aga eh. Napuyat lang ako kagabi kaya nalate ako ng gising:(

To: Mah Babe
Tawagan mo ko.

Hindi ko alam kung bakit iyon ang nireply ko. Wahhh nababaliw na ata ako. Tss. Shit shit shit.

Halos mapatalon naman ako nung biglang nagring na yung cellphone ko. Tumatawag na siya!!! Wtfff. Lumabas muna ako ng room habang bitbit ang cellphone ko. Pumunta muna ako sa locker para doon sagotin ang tawag niya. Wala kasing masyadong tao run kaya doon ko napili. Namatay na yung linya bago ko pa ito masagot. Umupo muna ako sa sahig habang nakasandal sa mga locker. Isinuot ko rin ng maayos yong earphones ko dahil natatanggal na ito sa tenga ko.
Maya-maya pa nagring ulit yung phone ko kaya huminga muna ako ng malalim tsaka inayos ang boses ko bago sagotin. Wait nga lang! Bakit ba ako kinakabahan eh si Ian lang naman toh. Nag-uusap naman kami dati pa. Cellphone lang to cellphone!!

"Finally babe sinagot mo rin" fucking hell wth. Bakit ganun yong boses niya?! Ang hot pakinggan! Medyo paos pa siya at halatang kakagising lang. Shet.

Oo matagal ko ng napapakinggan ang boses niya pero bakit ngayon ko lang napansin? Huhuhu

"Yeah" tanging naisagot ko. Nasan na yung tapang mo czarina? Asan na? Ang sarap pakinggan! Hindi na ako magtataka kung magaling siyang kumanta.

"Kumain ka na?"  Wahhhh!!! Yong boses niya talaga!! Nakakadistract!!

"Natanong mo na yan eh"

"Naninigurado lang"

"Oo nga. Bakit ba?"

"Kasi ayokong ginugutom mo yong sarili mo babe" pinigilan ko talagang ngumiti sa sinabi niya promise! Pero hindi ko mapigilan!! Kyahhh!! Shit ano ba czarina ang landi mo!

"Ikaw? Kumain ka na?"

"Not yet"

"Kumain ka na! 7:18 na oh 7:30 yung pasok natin"

"Dyan nalang ako kakain"

"Ano? Wala pa silang nalulutong kanin at ulam dito! Kumain ka na dyan! Tsaka sayang lang yung pera mo"

"Ayoko"

"Haysst Ian naman! Kumain ka na. Bakit ba ayaw mo?"

"Kasi gusto kong subuan mo ko" ayoko na! Talong-talo na talaga ako! Bakit ba kasi ang bilis? Ang bilis ng lahat. Bakit ang bilis niya akong pakiligin?

Love Struck (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon