Czarina's POVKinabukasan
Nandito kami ngayon sa simbahan dahil linggo ngayon. Kasama ko si mommy at julian. Kasama rin ni julian ang pamilya niya.
"Peace be with you"
"Peace"
"Peace"
"Peace" pagkatapos kung mahalikan sa pisngi sina mommy at ang pamilya ni julian ay bumaling naman ako sa likuran namin para makipag-peace. Ngiting-ngiti pa akong bumati sakanila.
Hanggang sa napako ang paningin ko sa isang pamilyang di-kalayuan saakin. Ang saya nila. Ang pamilya ni Ian zavier.
Hindi ko alam kong nakita ba niya ko dahil dumaan dito ang paningin niya pero linagpasan niya lang ako ng tingin at bumaling sa katabi niyang babae. Nakangiti siya at may sinabi siya sa babae at hinalikan niya ito sa noo niya. Those blonde hair and her height. Alam kong siya rin ang kasama ni Ian kahapon sa mall ng makita ko siya.
Nginitian naman siya ng babae at may sinabi rin. Pagkatapos ay bumaling yung babae sa mommy at kambal ni Ian. Nagyakapan sila nung kambal ni Ian habang kiniss naman niya sa pisngi yung mommy ni Ian. Hindi ba ako dapat ang nasa pwestong iyan? Shit ang sakit.
Wow! Aba't playboy rin naman pala itong lalaking to ah. Akala ko ba iba ka? Akala ko ba ako lang? Bakit ngayon may iba ka na? At ang matindi pa close siya sa pamilya mo. Fuck you.
Ano 'bang nangyari saakin bigla? Bakit ganun? Bakit nasasaktan ako habang ikaw nakangiti dyan? Ang unfair mo. Ibinalik ko nalang ang paningin ko sa harapan at pilit na hindi inalala ang nakita ko.
Pagkatapos ng misa ay agad rin naman kaming umuwi sa bahay. Magpi-picnic pa sana kami kaso sinabi kong hindi maganda ang pakiramdam ko kaya next time nalang daw.
Dalawang araw Ian. Dalawang araw na binalewala mo ako. Ang tanga ko lang dahil kahit na anong gawin ko ikaw parin ang naaalala at naiisip ko.
Kinabukasan
"Girls alam niyo na ba?"
"Ang alin?"
"Yung bali-balita na may girlfriend na daw si Zavier"
"Girlfriend? Eh diba si czarina?"
"Nah uhh. Fling niya lang si czarina duhhh"
"What? Seryoso? Eh sino daw yong babae?"
"Hindi ko pa alam yung balita eh. Bali-balita kasi na may nakakita raw sakanila nung sabado sa mall. Sila lang dalawa. Nagde-date daw atsaka kahapon sa simbahan kasama raw ang pamilya ni zavier"
"Kawawa naman si czarina"
"Oppss girls huwag kayong maingay dahil may nasasaktan dyan"
"Hahahahaha"
Alam kung ako yung pinaririnigan nila. Fuck them all. Nandito ako ngayon sa room namin at nag-titimpi sa mga tsismisan nila. Nakakasira ng araw. Nag-isip ako ng pwede kong gawin. Pinapangako ko hindi ako ang magiging talunan sa larong ito. Manood lang kayo.
"Alam niyo ang iingay niyo! Nakakasira kayo ng eardrums ko. Tsaka ano 'bang fake news nanaman ang nasagap niyo? Bagong girlfriend? Hah! Asa" nakangising sabi ko sakanila at umupo ulit ako. Napatingin ako sa upuan ni Ian. Wala pa siya. Saan naman kaya nagpunat ang gagong yun? Pshh.
"Eh gaga ka pala eh. May nakakita na nga sakanila eh. Alam mo girl sinasabi ko sayo layuan mo na si Zavier dahil may iba na siya. Niloloko ka na nga nagpapakatanga ka parin"
"Alam mo manghuhula ka na nga lang yong mali pa. Para sabihin ko sayo, hindi ako nagpapakatanga dahil hindi ko naman siya mahal. In short pinaglalaruan ko lang siya. Pangalawa, alam niyo ba kung sino yung tanga? Ikaw yun. Kayo yun kasi naniwala naman kayo. At oo nga pala tanga rin si zavier dahil alam na nga niyang hindi ko siya gusto naghahabol parin saakin. So sinong tanga ngayon saatin?" ngising-ngising sabi ko sakanila. Kahit na ayaw kong sabihin ang mag katagang iyon ay alam kung pride ko parin ang inuuna ko. Talo na nga ako kaya ayoko ng matalo pa sa paningin nila. Oo tama sila ako nga ang tanga.
BINABASA MO ANG
Love Struck (COMPLETED)
Teen FictionCompleted☑️ "Ano ba ian pakinggan mo nga ko!" inis na sabi ko ulit sakanya. "Czayi wag ngayon pagod ako" "Kung hindi ngayon kailan?! Huh!? Kailan?! Bukas?!sa makalawa?! sa isang lingo ganun?! Hanggang kailan ka ba magiging ganyan sakin huh?! Until...