Chapter 8

547 19 0
                                    


Julian's POV

"Hello?"

"Hello tita?"

"Iha kasama mo ba ang baby ko? Hindi niya kasi sinasagot ang tawag ko eh" nagtaka naman ako sa biglaang pagtawag ni tita grace (mommy ni czayi) sa akin.

"Ah hindi po tita bakit po? Hindi parin ba siya umuuwi?" nag-aalalang tanong ko. Tinignan ko ang relo ko at nakitang 6:34pm na. Eh ang alam ko 2:30 matatapos ang klase ngayon ni czarina.

"Hindi pa iha eh" nag-aalala rin na sagot niya.

"Ah sige po tita tatanongin ko nalang sa mga classmate niya"

"Sige iha. Salamat"

"No problem tita. Ite-text ko nalang kayo pag alam nila"

"Okay iha. Salamat talaga iha. Bye"

"Bye tita"

Sinubokan ko rin na tawagan  si czarina pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.

Nakauwi na ako saamin at nakahiga na rin ako sa kama ko dahil kanina pang 5 natapos ang klase ko. Kilala ko naman ang mga kaklase niya atsaka friends ko rin sila sa facebook kaya dali-dali kong isinerch ang mga pangalan nila at agad rin chinat para magtanong.

Pero halos machat ko na silang lahat pero walang nakakaalam kong nasan siya. Yung iba naman hindi manlang nag-abalang iseen ako. Yong iba seen lang. Mabuti nalang at may mga sumagot rin pero hindi nila alam!!!. Czayi asan ka ba?!

Tinext ko nalang si tita na hindi rin alam ng mga classmate niya kong nasan siya at agad rin naman niya iyong rineplyan.

Czarina's POV

"Goodluck sainyo!!" sigaw ko nalang sa mga kaibigan ni zavier habang nagre-ready na silang magsimula. Hindi ko tinignan si zavier at talagang yong mga kaibigan niya lang talaga ang tinignan ko. Magdusa ka!!! Ang dami mo kasing alam!!

Habang naglalaro sila hindi ko maiwasang mapa-isip. Diba mayaman sina zavier bakit hindi nalang sila magpatayo ng sarili nilang court sa mansyon nila, eh ang lawak lawak nga ng bakuran nila. Dito pa sila sa baranggay hall nagba-basketball hindi nalang kasi magpatayo sa bahay nila. Haysss

"Yun oh shoot"

"Huy zav ayusin mo nga 'yang laro mo!! Wala ka pang shoot! Anong problema mo?!" narinig ko pang kantyaw ng mga kalaro niya pero sinamaan lang sila ng tingin ni zav.

"For 3points pasok!!"

"Huy zav ano na?! Nalusotan ka na naman ni jeth ayan naka 3points pa pshhh"

"Ang ingay niyo!!" sigaw nalang niya pabalik. Ano 'bang problema nitong lalaking to at bakit galit na galit? May dalaw ata. Tss

"Czarina icheer mo naman tong mapapangasawa mo, ang init ng ulo eh" natatawang sigaw ni jethro saakin. Napa-smirk nalang ako sa naisip ko. Pag-pinakasalan pala ah? Hahaha

"Water break na nga muna" sabi naman ni zav at binalewala ang sinasabi ni jethro. Lumapit na siya sa pwesto ko para kuhanin siguro ang tubig niya sa bag niyang hawak ko. Inunahan ko na siya sa pagkuha ng tubig nung medyo malayo pa siya saakin. Agad kong binuksan ang bag niya at hinanap doon ang tubig niya. Mabilis ko rin naman agad iyon nakita dahil nakaayos lahat ng gamit niya sa loob. Ang astig nga eh dahil may paglagyan lahat. May kanya-kanyang mga bulsang paglagyan. Hindi ko alam kong anong tawag sa bag niya basta astig siya. Parang normal lang na bag pagtinignan mo pero ang loob nito ay maeenganyo ka. May paglagyan ng tumblr, towel, ipod, tsaka tshirt at short. Oo na ikaw na ang mayaman. Tsss. Kinuha ko nalang yong tumbler at towel niya. Tumayo na rin ako at sinalubong siya.

"Babe tubig oh" malambing na bungad ko sakanya sabay lahad ng tumblr sa harapan niya. Nagulat pa siya pero agad rin naman niyang tinanggap. Umupo rin siya sa bench kaya umupo rin naman ako sa tabi niya. Uminom na rin siya.

"Babe wala manlang 'bang thank you?" nagtatampo kunyaring tanong ko tsaka kinuha yong towel at pinunasan ang pawisan niyang mukha. Nagulat na naman ang loko hahaha. Cute. Pagkatapos kong punasan ang pawis niyang mukha sa leeg naman niya ang pinunasan ko. At mas nagulat siya dun!!! Ano 'bang nakakagulat sa ginagawa ko?? Psshhh affected masyado!! Hindi siya makatingin saakin at pilit niyang inilalayo ang katawan niya sa akin.

"Ang bango mo" bigla nalang nasabi ko tsaka lumapit pa sakanya ng bahagya para mas maamoy ko siya. Shit ang bango talaga niya kahit na pawisan siya. Bakit ngayon ko rin lang napansin to?? Mas lalo naman siyang lumayo saakin sa ginawa kong pag-amoy sa kanya kaya inilayo ko nalang ang sarili ko sakanya. Problema nito? Inaamoy lang kita!! Masama ba?! Psh hindi porket ang bango mo!!

"Likod" sabi ko nalang sakanya dahilan para mapatingin siya saakin ng may nagtatanong na mga mata. Shit ang ganda talaga ng mata niya. Chinito!!!

"Ang sabi ko tumalikod ka ilalagay ko itong towel sa likod mo at baka magkasakit ka pa" wtf...did I just say that?!!really?!?! Wahhhh!!! Whats happening to the world?!?! Hindi ko na talaga alam ang mga pinag-gagawa at pinagsasabi ko. Bigla-bigla nalang silang lumalabas sa mga labi ko.

"What?? Seriuosly?" hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi niya ako sinunod at worst mas lalo siyang sumandal sa bench. Ah ganun tinatanggihan mo na ang dyosang tulad ko?

"Babe likod ka sabi eh!! Tatalikod ka o huhubaran kita mismo dito?!" nagbabanta kong sabi sakanya tsaka siya nginisihan. Hindi ako nagbibiro huhubaran talaga kita!!

"Pshh ang daming alam" tanging sagot niya at padabog na tumalikod saakin.

"Papayag rin naman, kunwari pa ayaw. Likod mo lang ang makikita ko at hindi 'yang tiyan mo!! Wala ka namang abs, anong mapapala ko. Tss payatot" pang-iinsulto ko pa sakanya.

"Baka nga wala" sarcastic na sabi niya habang nilalagay ko ang towel sa likod niya. Grabe ang puti niya ah. Huy!!! Maputi rin naman ako pero mas maputi lang talaga siya ng KAUNTI sa akin. Oo KAUNTI lang talaga!!

Pagkatapos kong ilagay ang towel sa likod niya ay tatanggalin ko na sana ang kamay ko sa likod niya ng bigla niya nalang hawakan ang dalawa kong kamay. Yong right hand niya hawak ang right hand ko ganun din sa isa hawak ng left hand niya ang left hand ko. Hindi ko alam kong anong gagawin niya sa kamay ko pero hinila niya ito paharap dahilan para mapayakap ako sa kanya. Parang yakap-yakap ko siya habang nakatalikod siya sa akin. Aba't loko to ah. Hindi nalang niya sabihin na gusto niya ng yakap pagbibigyan ko naman.

Nagulat nalang ako ng bigla niyang ipasok ang kamay kong hawak niya sa loob ng tshirt niya. Wtf...wtf....wtf.... hindi ko alam kong paano niya nagawa iyon basta naramdaman ko nalang na nasa loob na ng tshirt niya ang kamay ko!!! Hindi agad ako naka-galaw.

Shit...shit...shit....yong tiyan niya pinahawak niya saakin!!!! Wtf!!!! Hindi!! matigas siya na parang pandesal!!!! Nararamdaman ko!!! Shit hindi ako pwedeng magkamali abs to!!! Shit...pakshet talaga!!! May abs talaga siya!!!

"Baka gusto mo 'ring makita" nagmamalaking tanong niya at doon lang ako natauhan kaya agad kong binawi ang kamay ko at pinaghahampas siya sa braso niya!!

"You!! Pervert!!" inis na sabi ko sakanya tsaka ko tinignan ang mga kaibigan niya. Hindi naman sila nakatingin sa amin pero bakit parang nakita nila yong scene na yun?!!!!! Bwisit ka talagang lalaki ka!!!!

"Pervert!!"

"Babe ikaw yung pervert kasi hinawakan mo. Dinama mo pa"

"Pinahawak mo gago ka!!"

"Nah. Pinadampi ko lang babe pero ikaw yong humawak. Its okay babe magiging asawa naman kita"

"Bwisit ka talaga!!" namumulang sabi ko sakanya. Gusto ko siyang sigawan pero baka tumingin yong mga kaibigan niya. Pasimple ko ulit sila tinignan.

"Hey dont worry babe, walang nakakita" nakaharap na siya saakin ngayon habang tawa ng tawa. Inirapan ko nalang siya sa inis. Gagantihan rin kitang bwisit na lalaki ka!! Maghintay ka lang!!!

"Ituloy na natin ang laro para makauwi na tayo" mabuti naman!!!! Ngayon niyo pa naisipan?! May pa water break water break pa kayong nalalaman eh dinaig niyo pa ang recess sa tagal ng water break na yan!!!!

At ayon nga pumunta na lahat sila sa court at itong bwisit na lalaking to kinindatan pa ako bago tuloyang tumalikod. Bwisit ka talaga!!!! Kaasar!!!!




Love Struck (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon