Coline's POVNaglakad na ko papunta sa shower, malapit sa swimming pool. Nakita ko na rin sina cza at zav sa pool. Buti pa sila. Nakita ko rin yung mga ibang kasama namin na nagswi-swimming na. Kahit na anong pilit ko sa sarili ko na huwag hanapin ng mga mata ko si josh god!! Hindi ko mapigilang hindi siya hanapin. Pasimple kong inilibot ang paningin ko and fuck! Nasa malapit lang pala siya ng shower! Gusto kong mag-backout pero hindi ko makontrol ang sarili ko imbes ay nagdire-diretso lang ako sa shower. Which is malapit sakanya.
He stared at me but I glared then looked away. Hindi ko siya pinansin. Ganun din siya. Okay calm down coline. Act normal.
"Coline..." tawag niya. Hindi ko siya pinansin. Wala akong balak pansinin siya. Ayoko. Natatakot ako.
Instead I removed my robe then brushed my hair using my hand. Hindi ko siya tinignan. Lumapit na ko sa shower at agad na binuksan yun. I didn't mind him. Were like strangers. I mean Im the only one acting that I dont know him.
"Coline dont be like that. Lets be just friends okay" sabi niya. Ang sakit. Fuck him. Gago ka ba? Gusto kita tapos gusto mong maging friends lang tayo? Seriously josh? Are you insane? Just friend?
"Coline pansinin mo naman ako oh" mas lumapit siya sakin. Hinawakan niya yong braso ko. Agad ko naman iyong tinanggal.
"Dont touch me jerk"
"Coline please. Stop acting like you dont know me"
"Wala kang pakealam" tinalikuran ko na siya at naglakad palayo. Gusto ko pa sanang magswimming pero nawalan na ko ng gana. Bwisit kasi na lalaki. Naglakad lang ako papunta sa lugar kong saan walang masyadong tao. Fuck! Yung robe ko! Ughhh. Di bale marami namang naka-bikini na palakad lakad sa paligid.
"Need something?" hindi ko nilingon yung nagsalita. Hindi rin naman familiar sakin yung boses niya.
"Wala" sagot ko at naglakad lang.
"By the way what is your name?" tumigil ako at hinarap siya. He's topless now and damn those abs. Iniwas ko naman agad yung tingin ko at tinignan siya sa mukha. Gwapo rin naman pero josh parin ako. Mas matangkad siya kay josh. Tumaas yung kilay niya tsaka naglahad ng kamay. Fuck oo nga tinatanong niya pala pangalan ko.
"Coli--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko kasi may pumagitna at likod palang niya kilala ko na siya.
"Back off dude" sabi niya then hinila niya ko palayo dun. Nagpupumiglas ako pero mahigpit yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin.
"Ano ba josh! Bitawan mo nga ko! Ano bang problema mo? Lumalayo na nga ko diba! Tanga ka ba?" hindi siya sumagot. Patuloy lang siya sa paghila sakin. Wala rin masyadong tao dito sa paligid kaya okay lang sumigaw.
Pwersahan kong binawi yung kamay ko sakanya dahilan para mabitawan niya ko.
"I hate you josh. I really really hate you. Please lang huwag mo na kong lapitan pa" mahinang sabi ko. Nawawalan na ko ng lakas. Gusto ko na ulit umiyak. Wala na ata akong ibang alam gawin kundi umiyak eh. Ang tanga ko kasi. Nahulog ako sa taong kahit kailan hindi ako magugustohan. Tinalikuran ko na siya pero hindi pa man ako tuloyang nakakalayo nung binuhat niya ko! Nasa tiyan ko yung kamay niya at doon ako binubuhat.
"Ughhh josh!!! Ibaba mo ko! Josh please. Ayoko na. Pagod na ko. Please" hindi niya ko pinakinggan hanggang sa pumasok kami sa hotel nitong resort. Napapatingin na rin samin yung ibang tao pero si josh mukhang wala lang pakialam. Sabagay sakanila naman itong resort na to. Napatakip nalang ako sa mukha ko sa hiya. Pumasok rin kami sa elevator pero napatigil yung elevator then may pinindot si josh na code tapos biglang bumukas yung elevator at parang bahay na ang bumungad samin.
Ibinaba na ako ni josh at lalabas na sana ulit ako pero wala na. Hinila niya ulit ako at pinaupo sa couch.
"Dont touch me" hindi niya ulit ako pinansin at pumasok lang siya sa isang kwarto at nung lumabas na ay may dala na siyang robe. Fuck basa pala ako!
"Suotin mo yan" seryosong sabi niya. Tumayo naman ako at kinuha yun. Nilalamig na rin kasi ako dahil sa aircon.
"Josh ano 'bang problema mo?" I asked. Tinignan niya ko. Hindi siya sumagot.
"Sumagot ka please" I pleaded. Mukhang tutulo nanaman yung mga luha ko.
"Ikaw. Ikaw yung problema ko" seryosong sagot niya.
"Bakit? Diba linalayuan na kita pero ikaw lang naman yung kusang lumalapit sakin. Ilang beses na kitang sinabihan na layuan ako pero hindi mo ko pinapakinggan!!"
"Youre my friend coline. Hindi ako sanay na tinataboy mo ko. Pwede naman na maging friends nalang tayo diba? Balik nalang natin yung dati coline"
"Tanga ka ba?! Gusto nga kita diba! Gusto kita kaya hindi tayo pwedeng maging friends lang! Dahil ako yung nasasaktan! Ako yung patuloy na nasasaktan!! Josh pagod na ko ang sakit sakit na eh. Tingin mo ba ginusto kong mahulog sayo? Tingin mo ba masaya ako ngayon? Fuck josh ang manhid mo!!" wala na umiyak na ko sa harapan niya. Sinubukan niyang lapitan ako pero umatras ako.
"Hindi lang ikaw yung nasasaktan coline! Naisip mo rin ba yung nararamdaman ko? Ang dami kong iniisip tapos sumabay ka pa. Coline hindi ako manhid para hindi ako makaramdam ng sakit. Kasi coline hindi lang ikaw yung nasasaktan! Nasasaktan ako sa tuwing tinataboy mo ko! Nasasaktan ako sa tuwing may kasama kang iba imbes ay ako! Nasasaktan ako kasi ang tanga ko! Nasasaktan ako dahil kahit kailan hindi magiging tayo!!" may tumulong luha galing sa mata niya pero agad niya rin naman iyong pinunasan. Wala ng patutungohan itong usapan namin.
"Alam mo tigilan na natin to. Kasi nakikita palang kita nasisira na ko. Lumalapit ka palang mas nahuhulog na ko dahil hindi ko na alam eh kung saan pa ko kakapit para hindi na ko tuloyang mahulog pa. Im hurt josh but I keep it all inside!!"
"Coline wag namang ganito"
"Matanong nga kita. Wala ba talaga akong lugar sa puso mo? Wala ba talaga akong pag-asa? Kahit kunti lang josh na pagmamahal wala ba talaga?" Para ng gripo yung mata ko dahil sa patuloy na pag-agos ng mga luha ko.
"Coline ang manhid mo. Hindi mo alam kong gaano kahirap na pigilan yung nararamdaman ko para sayo. Kahit ang sakit-sakit na pinipigilan ko coline dahil kung mas lalo pa kitang mamahalin mas masasaktan ako. Tayo. Mahal na mahal kita coline matagal na pero ayokong malaman mo. Coline bakit mo pa kasi ako minahal pabalik? Bakit ngayon pa? Bakit hindi noon? Dahil ngayon hindi na pwede" umiiyak na siya. Pareho lang kaming nasasaktan. Yinakap ko siya ng mahigpit tsaka ako humagolgol. Yinakap niya ko pabalik. Ang sakit makita siyang umiiyak.
"Mahal mo ko? Matagal na?" umiiyak na tanong ko.
"Mahal kita coline pero hindi na pwede"
"Josh bakit ba hindi na pwede? Please josh mahal na mahal rin kita. Tayo nalang please" inilayo niya ko sakanya tsaka hinawakan niya ko sa pisngi ko. Pinupunasan niya rin yung mga luha ko gamit ang mga daliri niya.
"Coline ayoko. Ayokong mas lalo lang tayong masasaktan sa huli. Tama na coline hanggang dito nalang nga siguro tayo"
"Josh sagutin mo ko please. Bakit hindi na pwede? May mahal ka na 'bang iba? Si steph ba?"
"No coline. No"
"Then why?!"
"Hindi na pwede coline dahil ikakasal na ako. Im sorry" agad akong nanghina. Mas lalo akong humagolgol. Para akong binomba sa katotohanan. Tumakbo ako papasok sa kwarto na pinasukan niya kanina at agad iyon nilock. Napaupo nalang ako dahil hindi ko na kaya.
"Coline buksan mo tong pinto!" hindi ko siya pinakinggan.
Ikakasal na siya? Kailan? Kanino? Bakit ang sakit? Bakit ang sakit sakit? Hindi ko na siya kayang harapin pa. Ayaw ko na siyang kausapin dahil natatakot ako. Natatakot ako na magpaliwanag siya. Natatakot ako sa pwede ko pang malaman dahil baka mabaliw na ko sa sobrang sakit.
Bakit pa kasi binigay niyo pa siya sakin kung hindi rin naman siya ang makakatuloyan ko? Ang unfair kasi eh. Ako yung nasasaktan pero iba rin naman pala ang bagsak niya.
BINABASA MO ANG
Love Struck (COMPLETED)
Teen FictionCompleted☑️ "Ano ba ian pakinggan mo nga ko!" inis na sabi ko ulit sakanya. "Czayi wag ngayon pagod ako" "Kung hindi ngayon kailan?! Huh!? Kailan?! Bukas?!sa makalawa?! sa isang lingo ganun?! Hanggang kailan ka ba magiging ganyan sakin huh?! Until...