Chapter 30

412 10 0
                                    


Czarina's POV

1 week na ang nakalipas simula nung nakakahiyang nangyari saakin. 1 week na rin ang nakakalipas nung huli kong nakita si Ian. Sabi niya umuwi daw sila sa Ilocos Norte dahil may family gathering sila. Hindi ko alam na taga Ilocos pala siya! Ang tanga ko kasi! Mag-iisang buwan na kaming dalawa pero wala manlang akong alam tungkol sa kanya.

Hindi ko alam ang favorite color niya. Ang mga gusto niya maski birthday niya hindi ko alam!! Haysss. Hindi ko rin kilala ang mga pamilya niya. Yung mommy niya naka-encounter ko na yun pero hindi ko alam pangalan niya.

Family gathering? Edi kasama yung pinsan niya? Shekss hindi pwede!! Hindi ko alam kong bakit pinagseselosan ko yung lachelle eh pinsan niya lang naman yun. Basta may iba sakanya eh. Parang may gusto siya kay Ian.

Asan na kasi yong sinabi ko noon na laro lag to? Ah nalunok ko na pala lahat ng sinabi ko. Kasi naman! Paanong hindi ako mahuhulog sa kanya eh ang bilis lang naman niyang matutonang mahalin. Mahal ko na nga ba siya? Oh nakikita ko lang si Ian sakanya kaya ganito ang nararamdaman ko? Nagugulohan ako!

Isang linngo na pero hindi ko pa siya nakakausap. Hindi kasi siya nag-oonline tsaka hindi ko rin siya macontact. Wala na rin pasok dahil sembreak na namin tsaka 1 week na lang yong natitirang sembreak namin, imbes na mag-enjoy ako dahil bakasyon pero nandito lang ako sa bahay at nakakulong. Nakakainis kasi si Ian sinabi ko sakanya na gusto kong sumama sakanya pero ayaw niya.

Myerkules na ngayon at malapit ng matapos ang sembreak namin! Nakakulong lang ako dito sa bahay at naghihintay ng grasya! Ang boring!! Wala rin si julian dahil kasama niya ang family niya na nagbakasyon tapos si julius ay iniiwasan ko na rin. Wala akong malapitan. Wala rin sina mommy dahil nasa trabaho. Mas gugustohin ko na atang may pasok nalang kaysa nandito lang ako at halos mamatay na sa sobrang boring.

Ano ba kasing ginagawa nila Ian doon at bakit ang tagal nilang bumalik dito.. Miss ko na siya. Yung amoy niya. Yung mukha niya. Yung yakap niya. Tsaka yung pagtawag niya saakin ng babe.

Nagpagulong-gulong na lang ako sa kama ko habang hinihintay na mag-online si Ian. Araw-araw ko nalang itong ginagawa. Halos nakagawian ko na! Kasi naman super duper miss na miss ko na siya!!

"Ian!! Nakakainis ka!!" sigaw ko sa kawalan. I wish you were here...

Inis nalang akong bumangon at isinara ang laptop ko. Tinignan ko rin ang alarm clock ko na nasa side ng bed ko. Its already 1:00 in the afternoon.

Inayos ko lang ang nagulo kong buhok since kakaligo ko lang naman kanina. Kinuha ko rin ang cellphone ko at wallet tsaka lumabas ng kwarto. Pagkababa ko sa hagdan hinanap ko agad si manang para magpaalam, baka kasi biglang umuwi sina mommy at hanapin ako. Nakita ko naman siya sa labas at nagdidilig ng halaman.

"Manang lalabas lang ako"

"Saan ba ang punta mo hija?"

"Dyan lang po, maglalakad lang"

"Oh sige hija mag-iingat ka"

"Sige po manang alis na ko"

Naglakad nalang ako kong saan ako dalhin ng mga paa ko. Hindi ko alam kong saan ako pupunta. Nakalabas na rin ako sa village namin. Hanggang sa makarating ako sa isang lumang park. Walang katao-tao. Pumunta ako sa isang swing at doon umupo. Hindi naman mukhang uulan bakit walang tao dito? Siguro dahil luma? Eh okay parin naman to eh medyo kinakalawang na nga lang.

Hindi ko alam kong ilang oras akong nagswing basta napatigil nalang ako ng may marinig akong kalaskas sa likuran ko. Agad na nagtayoan ang mga balahibo ko. Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko ang isang lalaking papalapit saakin. Malaki siya at mukhang lasing base sa itsura niya. Hindi agad ako nakagalaw. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Ang kinis mo naman"

"Miss papasiyahin lang kita"

Hindi ko alam kong anong gagawin ko. Tatakbo na sana ako pero huli na ang lahat dahil nahawakan na niya ako. Nagpupumiglas ako pero ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Bitawan mo ko!!"

"Please bitawan mo ko!!"

Sigaw lang ako ng sigaw kahit alam kong walang makakarinig saakin. Ang tanga ko. Bakit ba kasi nagpunta ako dito?

"Sandali lang to miss"

"Ayoko!! Bitawan mo ko!"

"Tulong!!!!" 

"Archh" napaupo ako sa sakit ng pagkakasuntok niya sa tiyan ko. Ang sakit. Nawawalan na ako ng pag-asa. Unti-unti siyang lumapit saakin at dinaganan niya ako. Hindi ako makalaban ang lakas niya. Lalaki siya babae ako. Anong laban ko?

Hinawakan niya yong kamay ko gamit ang isang kamay niya habang ang isa naman ay nakahawak sa dibdib ko. Hinahalikan niya ako sa leeg ko. Nandidiri ako sa sarili ko. Wala manlang akong magawa. Iyak lang ang tanging nagagawa ko. Hindi rin ako makasigaw dahil nanghihina ako.

Sinubukan ko ulit na sipain siya pero parang wala lang nangyari. Mas lalo akong naiyak ng may itu-tok siya saakin na kutsilyo.

"Mabilis lang to miss. Wag kang malikot kung hindi papatayin kita"

"Wag. Ayoko. Tama na. Tama na" umiiyak na pakiusap ko pero hindi niya ako pinakinggan.

Pinunit niya yong damit ko. Tsaka unti-unting bumababa yong halik niya. Yung isa naman niyang kamay ay tinatanggal yung butones ng short ko. Sana mamatay nalang ako. Ayoko na. Ayoko.

Nagulat nalang ako ng bigla nalang nawala yong lalaki na nakadagan saakin. Bumangon ako habang umiiyak. Yinakap ko ang sarili ko. Nanginginig ako. Sobrang nanginginig ako.

"Gago ka!"

Hindi ko sila matignan. Please sana panaginip lang to. Hindi to totoo. Ian nasaan ka na kasi? Kailangan kita.

"Dont you ever dare to show your face again!, Im gonna kill you!"

"Miss ar--, shit" hindi ako nag-angat ng tingin. Natatakot parin ako. Naramdaman ko nalang na may pinatong siya sa likod ko. Jacket.

"Miss suot mo muna yan. Tatalikod ako"

Dahan-dahan ko namang isinuot yong jacket tsaka ibinutones yong short ko. Nanginginig ako habang ganagawa iyon. Hindi ko alam kong anong gagawin ko kong tuloyan akong nagahasa.

"Okay na. Salamat" umiiyak parin na sabi ko. Humarap naman siya saakin.

"Czarina? Fuck" napatingin ako sakanya. Si jethro. Yong kaibigan ni Ian. Agad ko siyang yinakap at humagulgol. Sobrang natatakot ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko ng takasan ang araw na ito. Sana panaginip nalang lang lahat ng to.

"Shit tahan na" huling boses niya na narinig ko and all things went black.




Love Struck (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon