Chapter 40

426 10 2
                                    


Czarina's POV

6:00pm na at nandito na kami ngayon sa kwarto naming mga babae. Wala si coline kaninang umuwi kami dito. Wala rin si josh pero nagtext siya na mauuna nalang daw kami.

"Cza gaano na kayo katagal ni zav?" napatingin ako kay shasha sa tanong niya. Napatingin rin naman silang lahat sakin.

"Ah one month mahigit"

"Anong buwan na ba ngayon?" sabat ni abby.

"March 21"

"So february nung naging kayo...hmm"

"Bakit?" tanong ko. Parang ang lalim kasi ng iniisip niya.

"December 27 to february? Why so fast?" mahinang sabi ni abby pero dinig na dinig ko dahil nakaupo lang siya sa tabi ko.

"Anong meron sa december 27?" takang tanong ko. Heck wala talaga akong kaalam-alam. May kutob ako pero ayokong maniwala sa kutob ko. Kinabahan ako. Fuck this shit.

"Hindi mo alam?" tanong niya pa.

"Ang alin?"

"Abby tapos na yun. Past na niya yun, si czarina na yung present"

"Nakakapagtaka lang kasi. Bakit ang bilis?  Hindi na pala uso yong 3 month rule ngayon"

Ang tanga mo cza! Bakit ba kasi palagi kong nakakalimutan na magtanong sa kanya tungkol sa buhay niya? Oo mabilis nga lang yung mga pangyayari pero mahal naman ako ni zav diba? Hindi naman niya ko niloloko diba? Ramdam ko naman na mahal niya ko pero bakit ganun? Parang may mali. Bakit ba kasi nagbubulagbulagan ako?!

"Bakit may oras na ba ngayon kung kailan ka maa-out of loved sa isang tao at kung kailan ka mai-in love ulit?"

"No I didnt mean like that. Ang sakin lang kasi bakit parang ang bilis. I mean mahal na mahal niya yung babae noon, first love nga niya eh. Alam mo ba dating badboy yang si zav pero nung nakilala niya si rhea nagbago siya. Posible 'bang makapag-move on siya ng ganun kabilis sa first love niya? Dont get me wrong ah" wow! Just wow! So ako lang pala ang walang alam ngayon! My god czarina!

"Kilala niyo ba yung babae?" imbes ay tanong ko.

"Oo best friend namin siya noon pero bigla-bigla nalang nawala eh pati nga kay zav hindi nagpaalam. Alam mo yun? Yung nawala nalang na parang bula" bigla akong nahiya. So ako lang pala yung nakikisawsaw sa kanila. Sana hindi nalang ako sumama. Sana pinagtyagahan ko nalang sa bahay ng mag-isa. Tama nga sila. Hindi lahat ng oras puro saya. Natatakot na nga akong maging masaya eh kasi natatakot ako sa kapalit na lungkot.

"Cza dont overthink. Mahal ka ni zav kita namin kaya yun kaya wag kang mag-isip ng ikakasira ng relasyon niyo" tumango nalang ako.

"Guys punta daw tayo ulit sa resort mamayang 8 may party daw dun!!"

"Anong isusuot natin?"

"Kahit ano. I mean, every night daw may party doon. Yung parang bar lang ganun. Wag kayong OA"

"Kfine"

"Cza huwag mong sasabihin kay zav yung napag-usapan natin ha"

"Yeah. Dont worry"

Pagkatapos nun lumabas muna ako ng bahay para magpahangin. Pumunta ako sa gilid ng pool at isinawsaw yung paa ko sa tubig. Nakaupo lang ako dun at nakatingin sa langit. Madilim na. Ang ganda ng mga stars ang kalmado lang nila. Sana ganun rin yung buhay.

"Bakit nandito ka?" napatingin naman ako sa nagsalita at umupo sa tabi ko. Si jeth. Napatingin rin siya sa langit habang yung paa niya nasa pool katulad sakin.

"Ahh wala nagpapahangin lang"

"Bakit mainit ba sa loob?" natatawang tanong niya.

"Eh ikaw bakit nandito ka?" nakataas na kilay na tanong ko.

"Kasi wala ako doon" sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi joke lang. Ang seryoso mo kasi masyado eh"

"So whats bothering you?" tanong niya.

"Zav ex-girlfriend" siya yung pinaka-close ni zav kaya sigurado akong may alam siya. Hindi siya agad nakapagsalita. Biglang natahimik yung paligid.

"Hindi ko pa kasi natatanong si zav tungkol sa bagay na yun. Can you tell me about that girl?" dagdag ko pa.

"Ex-girlfriend?" gulat na tanong niya. Tumango ako kahit na nagtataka na ko.

"Her name is rhea salvador. 1 year and a half na sila. Sorry cza pero may mga bagay kasi na hindi mo na dapat malaman pa pero may mga bagay rin na hindi mo dapat malaman sa iba" sabi niya. Sino ba talaga si rhea? Bigla kong naalala yung babaeng nakabangga ko kanina. If Im not mistaken rhea rin ang pangalan nung babae. Imposible naman. Sa dami ng tao sa mundo posibleng siya lang ang rhea. Nagkataon lang siguro.

"Its okay. Tatanongin ko nalang kay zav" hindi siya sumagot.

"Hindi ka ba sasama sa resort?" tanong niya.

"Sasama bakit?"

"Ganyan ka na pupunta?"

"Yes?" patanong na sagot ko. Tumango naman siya.

"Ah jeth thank you ulit"

"Cza tapos na yun. Tsaka nakapagpasalamat ka na  kaya"

"Baka kasi kung ano pang nangyari kung hindi ka dumating"

"Isipin mo nalang na masamang panaginip lang yun"

"Babe bakit kasama mo yan? Tss" napatingin naman ako kay zav nung umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. Medyo hinila niya pa ko para mapalayo kay jeth. Here we go again.

"Tss ang OA mo talaga zav. Maka-alis na nga" sabi ni jeth at tatawa-tawang umalis.

"Babe anong pinag-usapan  niyo?"

"Something"

"What is that thing?"

"Wala. Ang tsismoso mo" he glared at me. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Sama ka sa resort?" tanong niya.

"Hmm. Ikaw?"

"Kung kasama ka"

"Ah okay" pagkatapos nun natahihimik kami. Ang dami kong gustong itanong tungkol kay rhea pero parang ayoko. Natatakot ako.

Sana hindi na maulit pa yung kinatatakotan ko. Ang maiwan ng mag-isa ulit. Hindi ko na talaga kakayanin pa.

"Zav mahal mo naman ako diba" sabi ko sa gitna ng katahimikan. Hindi agad siya naka sagot. Mas lalo akong kinabahan.

"Of course, I love you. Did something wrong?" nakahinga naman ako ng maluwag.

"Wala ano ka ba" hinarap niya ko tsaka niya hinawakan ang pisngi ko. Nakatingin kami sa isa't-isa. Zav please dont break my heart...again. I wish ganto nalang kami palagi.

"Babe I love you okay. Im serious right now trust me" seryosong sabi niya. Napaiyak ako. Thanks God he loves me.

Dahan-dahan niyang inilapit yung mukha niya papalapit sakin. Tumatama na rin yong hininga niya sa mukha ko. Amoy mint ang bango.

He kissed me. No! He's kissing me. Nakamulat lang ako habang hinahalikan niya ko pero nakapikit siya. Fuck hinahalikan niya ba talaga ako? This is the first time he kissed me on my lips.

"Babe I love you alright" bulong niya sa gitna ng halik niya tsaka hinalikan ulit ako pero this time sinuklian ko na siya ng halik. Pagkatapos nun ay niyakap na niya ko ng mahigpit.






Love Struck (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon