Chapter 2

434 13 0
                                    

Sharmaine POV:

Nagising ako dahil sa mabigat na nakadagaan sa tyan ko, pag mulat ko ng mata, nakita ko ang paa ni Terie sa tyan ko, take note! Dalawang paa nya ang nasa tyan ko, kaya ayaw ni Charlie katabi 'tong babaeng ito sobrang likot, nakakaikot ng 360° yata to pag natutulog.

Nasa gitna nila kong dalawa si Charlie nakatalikod samin, nakahiwalay ang kwarto ng boys sa girls kaya kaming tatlo lang dito. Feeling ko ang sakit ng katawan ko. Ang sakit ng buto buto ko, banig lang kasi ang hinihigaan namin may unan at kumot pero talagang di lang ako sanay ng ganito katigas ang higaan, feeling ko nagbuhat ako na ewan. Tinapik ko ang paa ni Terie para alisin nya, pero parang wala lang sa kanya. "Terie!" Tipaik ko ulit, pero wala pa din. Nakakainis na 'tong babaeng ito. Kinurot ko ng pino ang binti nya kaya ang nangyari.....

"Aaaahhhh!!---- what the hell!" Sigaw nya sabay bangon at himas sa part na kinurot ko. "Why did you pinch me?" Mangiyak ngiyak nyang reklamo, bumangon naman ako sa pagkakahiga at tinaasan sya ng kilay.

"Why did I?" Tanong ko sa kanya ng nakakaloko. "Ginawa mo lang naman akong sandayan, bruha ka!"

"I'm not a witch!! I hate you Maine!!" Nakapout nyang angil.

"My god!! Can you just two get out???!!!" Biglang bangon ni Charlie sabay sigaw nyan. Kunot na kunot ang noo nya at parang anytime kakagatin na nya kami.

"But it's all Maine's fault!" Pag susumbong ni Terie kay Charlie.

"GET. OUT!!!" Sigaw ni Charlie habang nakaturo sa may pinto.

"Yeah! Yeah!" Sabi ko sabay tayo at lakad papuntang pinto. Naramdaman ko namang sumunod si Terie. Pagkalabas ko binangga ako ni Terie at nagpatiuna sa pag lakad. Napailing na lang ako sa inasta ni Terie, childish as ever.

Nag iistretch stretch ako habang naglalakad papunta sa baba, grabe sobrang ngalay ng katawan ko. Parang gusto ko magpahinga pero hindi sa banig parang mas feel ko sa van na lang. Feeling ko di ko kaya dito ang hirap matulog, imbis pahinga yung pag tulog parang mas napapagod ako paggising.

Naglakad ako palabas ng bahay para pumunta dun sa van, 5am pa lang ng madaling araw, mamaya pa naman kaming 7am aalis may two hours pa ko para makaidlip. Nasa akin pa naman yung susi ng van kaya feel free akong buksan iyon.

Agad naman akong nakarating sa may pwesto ng van namin, pumasok ako at nilock ang pinto. Inayos ko yung hihigaan ko, kinuha ko yung neck pillow na nasa may driver seat, saka kinuha ko din yung blanket sa bag ni Clark. Inistart ko muna ang van saka binuksan ang aircon, humiga na ko at umidlip.....

*******

Yawwwnnn!!

Nag inat inat ako pag kagising ko, sarap ng tulog ko. Napatingin ako sa orasan sa may unahan, at SHIT!!! napaayos agad ako, 9am na 7am dapat alis namin, baka hinahanap na ko ng mga kasama ko. Lalo na si Clark, dali dali akong lumabas ng van, saktong pag bukas ko nakita ko si Clark kasama si Charlie, mukang stress na stress na sya. May kausap silang matandang babae may pinapakita sya sa cp nya dito. "BABE!!!" sigaw ko, agad syang napalingon sa sakin, parang nabuhayan ang mga mata nya ng makita ako. Agad agad syang tumakbo palapit sakin.

"You made me really worried!!" Hinihingal sya habang yakap ako, ramdam na ramdam ko ang kabog ng dibdib nya habang yakap ako. Sa higpit ng yakap nya sakin parang ayaw nya ko mawala at ayaw nya ko pakawalan. "Where have you been? Are you alright? Is there anything happen to you?" Sunod sunod ang tanong nya habang nakikipagtitigan sakin at nakakulong ang pisngi ko sa mga palad nya. "God knows how I became so worried about you!" Dagdag pa nya sabay yakap uli sakin. Napakagat naman ako sa labi ko dahil sa guilt na nararamdaman ko.

I'm His MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon