Sharmaine POV:
"What do you think about reincarnation?" Out of no where kong tanong. Napalingon silang lahat sakin. Kahit si Benj na busy sa kakulitan nya nakuha ko ang atensyon.
"You mean pagkabuhay muli?" Tanong ni Tristan. Tumango ako at nangalumbaba sa armchair ko. Nagkibit balikat lang sya.
"Why asked all of a sudden?"
Nilingon ko si Terie, nakatitig lang sya sakin.
"I'm just curious, you know! Kung totoong nabubuhay muli ang mga namatay."
"Bakit ka curious Maine?" Tanong pa ni Benj. Umiling lang ako, ayaw ko sabihin sakanila ang mga napapanaginipan ko baka isipin nilang nababaliw na ako.
"Good morning class! I'm sorry I'm late." Biglang pumasok si sir Stephan na parang hindi halatang nagmadali dahil fresh na fresh pa din. Nag sipag ayusan naman ng upo ang mga kaklase ko.
Nagulat ako ng lumingon si sir sakin at sumalubong sakin ang kulay berde nyang mata. Nag iwas ako ng tingin ng maalalang sya ang nagligtas at naghatid sakin noong isang gabi. Nahihiya ako kay sir pero andito pa din yung kakaibang pag tibok ng puso ko pag nasa malapit sya. Parang nagkakaroon na ako ng clue pag nasa paligid sya dahil sa epekto nya sa puso ko.
Nag umpisa na syang mag discuss about short story at wala ko maintindihan dahil nakatingin lang ako sa mukha nya, hindi ko alam pero yung pag ngiti ng labi nya sa mga kaklase ko na nakikipag biruan sakanya at parang pamilyar sakin parang Nakita ko na kung san. Nasa kalagitnaan sya ng pag sasalita ng bigla akong tumayo.
"Your eyes!" Turo ko sa kanya. Natigilan sya sa pag sasalita at tumingin ng seryoso sakin. Hindi ko alam pero parang may gustong sabihin ang mga mata nya. Ang mata nya, di ako pwedeng magkamali ang pag ngiti nya, pag sasalita at ang ekpresyon ng kanyang mga mata. Sya yun! Hindi man ako sigurado sa pagkakakilanlan ng mukha nya pero pamilyar na ako sa dating ng galaw ng labi nya ng mata nya. Parang nagkakamukha na unti unti ang muka ng misteryosong lalaki sa panaginip ko.
Naibaba ka bigla ang kamay ko ng marealize ko ang ginawa kong eksena sa klase. Naigala ko ang aking paningin at nahihiyang napayuko sabay upo sa aking upuan. Malakas ang pakiramdam ko na sya yun. Kung sya yun, anong ibig sabihin ng panaginip ko. Reincarnation din ba sya, may koneksyon ba ako sa kanya sa nakaraang panahon?
"Sir!" Nag taas ako ng kamay kasabay ng pagtayo. "Can I go? I--i'm not feeling well" kabado akong nagpaalam para makalabas. I'm still confused! Napapanaginipan nya din kaya ang napapanaginipan ko. Kilala na kaya nya ako nung una pa lang. God! Ano ba itong mga naiisip ko.
"Ok!" Sagot ni sir na nakapag pabalik sakin sa aking sarili. Nagulat pa ako sa sagot nya kaya taranta akong inayos ko ang mga gamit ko at dali daling lumabas.
Dumiretso akong gate ng school gusto ko na munang umuwi. Naguguluhan ako masyado sa mga tumatakbo sa isip ko, sumadagdag ng dumadagdag. Di pa nga natatapos ang kay Clark dumadagdag naman itong Katrina na to.
Pagkapara ko ng taxi agad akong sumakay at nagpahatid sa bahay, wala si mommy, nasa opisina na malamang. Dumiretso ako sa kwarto. Kinuha ko ang phone ko, kaylangan ko ng makakausap. Nagulat ako ng mag ring ang phone nya.
Natapos ang pag riring at isang voice message ang narinig ko.
Hi, This is Clark. I'm sorry I'm kind a busy right now, just leave your message.
His voice! I miss it. Tuloy tuloy tumulo ang luha ko matapos marinig ang voice message ni Clark. Kung ganoon open pa ang phone nya. Nagpahid ako ng luha at nag umpisa ng magsalita.
"Babe! I miss you, come back now please! I need you. I miss you so much! Pls! Pls babe! Come back, I'm waiting for you." Garalgal ang boses kong sabi habang sisinghot singhot din dahil sa pag iyak. "I-- I love you Clark."
Nakatulala lang ako habang nakaupo at nakasandal sa head board ng kama ko. Feeling ko nauubos na ko onti onti. Hindi ko na alam ang gagawin.
"Maine?" Tawag ni Tristan sa labas ng kwarto ko pero di ko sya inintindi. "Are you ok? Andito kami ng barkada. Labas ka Jan. Usap tayo." Katok nyang muli pero wala pa din akong ginawa kundi ang matulala lang sa harap ko.
"Maine!" Boses naman ni Terie ang narinig ko. Narinig kong pinipihit nila ang doorknob ng kwarto pero wala pa din akong ginagawa hanggang sa mabuksan nila dahil di ko naman nilock iyon.
"MAINE!!" Tumakbo payakap sakin si Terie. "Why did you cry? Is it Clark again?" Hindi ako sumagot pero ang pagpatak ng luha ko ang nag silbing sagot para maintindihan nya ko. Niyakap nya akong muli, mahigpit parang pinaparamdam nya sakin na di ako nag iisa.
Nakita kong nagpahid ng luha si Charlie na nasa likod ni Terie, nasa loob na silang lahat. Nakaiwas ng tingin sila Tristan, Benj at Dave pero kita sa mata nila na malungkot sila at di alam ang gagawin.
"Ok lang ako." Bulong ko habang humihiwalay sa yakap ni Terie. Bulong ko na para mga salita na gustong kumbinsihin ang sarili ko. Pinahid ko ang luha ko at ngumiti sa kanila ng matamis. "Anong ginagawa nyo dito?"
"We ditch our class." Sagot ni Dave na kinagulat ko ng sobra, si Dave ang tipo ng tao na grade conscious na kahit isang absent sobrang kinalulumo nya.
"Why? Bakit kaylangan nyong mag cut ng klase?"
"We cared about you Maine. Ng makita nami ang pag alis mo ng klase ramdam namin na may hindi tama." Sagot ni Charlie.
"What are you talking about? Masama lang talaga pakiramdam ko." Nag iwas ako ng tingin.
"Anong meron sa mata ni Sir Stephan?" Tanong ni Benj na nakapag palaki ng mata ko at kinainit ng pisngi ko di ko alam kung dahil ba sa hiya o sa kung ano na di ko maipaliwanag.
"W-wala!" Dipensa ko. Wala naman talaga, Hindi ko pa sigurado ang mga nasa isip ko kaya ayaw ko muna mag salita ng tapos.
Lahat sila nag dududa ang mga mukha na nakaharap sakin. Itinaas ko ang dalawa kong kamay tanda ng pangangako. "I swear! Wala talaga!" Naningkit pa ang mata ni Terie, ngumiti lang ako ng pilit.
"Gutom na ko guys!" Maktol ni Benj nawala tuloy sakin ang tingin nilang lahat, napapailing si Dave at Charlie habang si Terie naman napairap na lang.
"Hindi ka nag iisa pare! Hahaha" umakbay pa sya kay Benj at hinimas himas ang kanyang tyan. Tumayo na ako sa kama.
"Tara sa kitchen paluto na lang tayo kila manang." Sabi ko at nagpatiuna na palabas ng kwarto ko, naramdaman ko namang sumunod sila.
--------
"Ang sarap ng baked Mac Maine! Hahahaha." Kanina pa paulit ulit si Benj na masarap daw ang baked Mac na niluto ni manang Gloria. "Balik tayo uli kila Maine minsan."
"Stop it Benj, will you?" Irap ni Terie. Nag lalakad kami sa hallway, pagkatapos kumain nag yaya na si Dave pumasok ng afternoon class namin, wala namang nagawa ang dalawang tinatamad na na sila Tristan at Terie kundi pumayag dahil nag nobela nanaman si Dave.
Halos kasabay lang namin pumasok ang lab teacher namin sa laboratory. Kasama pa nya ang lalaking nakakapagpagulo sa isip at tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
I'm His Mate
VampiroThis is my life, this is how I live. I suck blood to fill my thirsts. I used to live alone. But everything change, when she wake me. My love story starts to begin AGAIN. I am STEPHAN COMETES SALVATOUR her VAMPIRE MATE.