Chapter 11

172 6 0
                                    

Sharmaine POV:

"Hi guys!!!!" Sigaw ni Terie ng makapasok na kami sa canteen, may ilan tuloy na napapalingon sa direksyon namin. Napapailing lang ang kambal nya sa kanya.

"Hi Maine, hi Terie!" Masiglang bati din ni Benj, bagay talaga ang dalawang ito. Mga isip bata. Napabuntong hininga na lang ako at tuluyan ng lumapit sa kanila, umupo na ko sa pwesto ko lagi at napalingon sa upuan ni Clark sa tabi ko. Nakagat ko ang ibabang labi sa pag pipigil ng emosyon. Stop it Maine, he'll come back. Just believe him. Pagalit ko sa sarili ng di ko na naman mapigilang maging emosyonal, isang buwan at kalahati na ang lumipas, pero sariwa pa din sa puso at isip ko. Alam na din nila Dave ang nakita ko sa gubat ng gabing yun. Kahit nakikiayon sila sakin na babalik pa si Clark, alam ko namang ginagawa lang nila yun para magkaron ako ng sumusuporta sakin. Alam Kong pinapalakas lang nila ang loob ko kahit kitang kita ko sa muka nila na tanggap na nila na di naman babalik si Clark, they are just giving me sympathy.

Nawala ako sa pag iisip ko ng makita ko ang panyo na iniaabot sa tapat ko, nilingon ko ang nagmamay ari ng kamay na may hawak nito at nabungaran ko ang alanganing ngiti sa labi ni Charlie. "You remember him again." Hindi isang tanong yun, kundi siguradong pahayag ni Charlie. "Trust him, wherever he is, I know he want you to smile,....... Smile againe Maine! We miss it." Ngumiti ako ng pilit sa kanya, at nilingon ko din silang lahat, si Dave na biglang binalik ang kanyang paningin sa laptop, si Tristan na biglang binatukan si Benj ng tumingin ako sa kanya, kaya umangil ang isa na sinundan ng tawa ni Terie. Napangiti ako, I miss them, kahit kasama ko sila pakiramdam ko mag isa ako. Nawawala man saglit sa isip ko si Clark pag kasama sila pero hinihila pa din ako ng alaala namin.

"Guys! Did you know there's something fishie between Maine and sir Salvatour?" Bulong ni Terie sa kanila na nakapag pataas ng kilay ko, na sinundan ng pangungunot ng noo ko. Sinong Sir Salvatour?

Napasulyap si Dave na mukang na curious din sa balita ni Terie. "Is that your knew professor in Litterateur?" Tanong ni Benj. Hindi namin sila Classmate sa litt, kami lang ni Terie ang magkaklase sa litt, naubusan kasi sila ng slot sa section namin.

"Yeah! After our class to him, Maine almost bumped him outside the classroom, and there's this  tapping her head and tucking her hair. Like! Ow my G!!" Naghihisterical pang kwento nya.

"Wag mo nga bigyan ng malisya yun! Instructor natin yun." Maagap kong kontra Kay Terie, nilingon ako ni Benj ng may panunudyo. Para bang kung ano na tumatakbo sa isip nya. Naitirik ko lang ang mata ko sa pag irap sakanila. Lumipat bigla si Benj sa upuan sa tabi ko.

"Kelan mo pa nakilala yun ha?" Bigla syang umakbay sakin at tinutusok tusok ang tagiliran ko, todo ilag naman ako sakanya at pilit kong inaalis ang braso nya sa balikat ko.

"Ayieeeh!!" Ginatungan pa ni Tristan.

"I can't blame Maine, sir Stephan is really a hunk!" Kinikilig pang komento ni Terie na mukang pinagpapatnasyahan na naman ang bagong instructor.

"I'm jealous!"

"Bakit ka naman magseselos, adik ka talaga Benj!" Sabi ko sabay palo sa braso ni Benj. Napalingon ako sakanya ng bigla nyang alisin ang braso nya na nakaakbay sakin.

"Di ako nagseselos ah! Loko to!" Nakangusong sabi ni Benj na mukang nagtataka sa sinabi ko.

"What? You're jealous Benjie?" Nakataas kilay na tanong pa ni Terie.

"What? No! Hindi no!––––——"

"Sabi mo nag seselos ka!" Putol ko sa sinasabi nya.

"Hoy! Wag kang mambintang Maine ha. Wala kong sinasabi." Tanggol nya sa sarili.

"But you whispered, 'I'm jealous'" sabi ko pa na ginagaya ang tono nya ng bumulong sakin.

"Wala kong binubulong Maine!———"

"Ow my!!! Don't tell me!!! Ow my.. Ow my!" Putol ni Terie sa sinasabi ni Benj.

"Anong inoow my mo na naman?" Naiiritang tanong ni Tristan.

"Maybe, it's Clark! Clark whispered to you!!" Pahina ng pahinang bumolong ni Terie sabay kuha sa bag nya at niyakap nya. Napabaling ako sa kanya ng magkasalubong ang mga kilay. "Maine, maybe! Clark don't like Benj touching you so his ghost whispered to you!" Naghihisterical pa nyang sabi.

"STOP!!!" sigaw ko sabay hampas sa table ng dalawa kong kamay, tumayo agad ako. "Don't ever— d-don't ever say that again!!" Putol putol Kong sabi sa matigas na tono. Marahas Kong pinahiran ang mga luhang biglang naglandas sa aking pisngi. Parang natauhan naman bigla si Terie, nawala ang takot sa kanyang mata pero napalitan ito ng pag aalala at pangamba. Akmang tatayo na sya ng lumakad ako paalis sa table namin.

"Maine!" Narinig kong sigaw siguro si Dave iyon or si Tristan pero di na ko lumingon pa nagdirediretso lang ako sa paglabas. Tahimik ang buong canteen 2 ng lumabas ako mukang nakaagaw kami ng pansin.

Pumunta ko sa may bleachers, naupo ako sa upuan na lagi naming inuupuan ni Clark, tinaas ko ang dalawa kong paa sa upuan, sinubsob ko ang aking muka sa mga braso kong nakapulupot sa aking tuhod at doon ako humikbi ng humikbi.

"Please! Stop crying!" Nag angat ako ng paningin sa taong nag salita sa harapan ko. Nag abot sya sakin ng panyo. Hindi ko alam kung Anong nangyari sakin. Pero napagtanto ko na lang na imbis na kunin ang panyo, bigla ko nalang sya niyakap. Sobrang gaan ng pakiramdam ko sakanya. Pakiramdam ko nawawala ang sakit na nararamdaman ko dahil sakanya. Naramdaman ko na lang na hinahagod hagod nya ang likod ko. "Ssshhhhhh!" Pag aalo pa nya. Hindi ko alam kung anong meron sya pero bigla na lang ako kumalma at tumigil sa pag iyak.

Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at tiningnan nya ko sa muka. Pinahid nya ang luha sa aking pisngi, maging ang sipon na mukang tumulo sa aking pag iyak, napayuko tuloy ako sa kahihiyan. Hinawakan nya ang aking baba at inaangat ang aking muka para magharap uli kami. "I'm sorry!..... Can you smile now?" Sabi nya sa mahinang boses na tanging kami lang ang nakakarinig. Hindi ko alam pero parang may humaplos sa puso ko ng makita ko ang sinserong mata nya na naging dahilan para sundin ang gusto nya. Napangiti ako, a genuine smile na parang nakalimutan ko na Simula mangyari ang gabing yun.

I'm His MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon