Chapter 7

207 5 0
                                    

Sharmaine POV:

Wake up babe,

wake up babe,

wake up babe.....

Wake up babe,

Wake up babe,

Wake up babe....

Ugh!

Kukusot kusot ako ng mata habang bumabangon sa kama, pinatay ko din ang alarm ko bago masundan nanaman.

Nakangiti akong dumiretso sa banyo at ginawa na ang morning ritual ko.

Today is Monday at 7am ang pasok ko Kay Ma'am Catacutan.

Monday......

Napasinghap ako, "oh my! Monday nga pala ngayon, shit shit shit! Nakalimutan ko Sabay nga pala kami mag breakfast ni Clark.

gush!!! 

Tumingin ako sa wall clock dito sa kwarto, 6:20 na at 30 minutes ang byahe papuntang school. Oh my! Bakit kasi di ko na bago kagabi ang alarm ko.

Kinaltok ko ng dalawang beses ang ulo ko. "Maine! Sa daming malilimutan breakfast date nyo pa ni Clark?" Pagalit ko sa sarili ko.

6:20 dapat kami mag kikita ni Clark sa bebe's cafe, mejo malapit lang gun dito magtatricycle lang papunta dun.

Para akong si flash sa bilis ko magbihis, di na ko nagblower ng buhok. Matutuyo din naman to.

"Asan na ba yun?" Kakamot kamot ako sa ulong nagpapaikot ikot sa kwarto. "Gush! Asan na ba yung I.D ko" pasulyap sulyap pa ko sa orasan, 6:33 na. Nagmadali akong lumabas. "MOM!!! MOM!!" Sigaw ako ng sigaw mula dito sa second floor.

"Yes baby? Paalis ka na ba? Bakit basa pa yang buhok mo?"

"Mom, did you see my I.D?" Nakadungaw ako mula sa second floor at nakikipagsigawan Kay mommy na mukang nasa kusina. Di ko na pinansin ang sinabi nya.

"Try to look sa lagayan mo ng maduming uniform baby, minsan kasi nakukuha ni yaya pasing ang ID mo dun pagma------" di ko na tinapos pakinggan yung sinasabi ni mommy, nagtatatakbo ako pabalik sa kwarto at hinanap ang basket na lagayan ng maruming damit.

"There you are!" Sinuot ko agad ang ID ko at sumulyap pa ng isang beses sa orasan, it's 6:42 already. Gush! Bakit kasi sa lahat na mamimisplace,  ID pa nakaylangan sa gate.

"Mom! I'm going!" Sigaw ko habang nababa ng hagdaan.

"Di ka ba muna mag bibreakfast Sharmaine?"

"I'm sorry mom, may breakfast date kami ni Clark, and I'm going to be late to my first class"

"Where's my good bye kiss baby?" Napahinto ako sa paglabas ng front door ng marinig ang nagmamaktol na boses ni mommy.

"I'm sorry mom!" Nagkiss agad ako sa kanya at dumiretso na palabas.

Riiingggg!....

Riiingggg!!....

Riiingggg!....

The number you have dialed is either unattended or out of coverage are-----

"Ow, come on babe! Answer your phone"

"Neng San ka?" May humintong tricycle sa tapat ko. Binulsa ko na ang phone ko.

"Sa Bebe's cafe po kuya" sumakay agad ako. "Alis na po tayo."  Agad namang umadar ang tricycle at tumungo na sa cafe. "Kuya ito po bayad"

Pagkalabas ko ng tricycle dumiretso agad ako sa cafe, hinanap ko si Clark sa loob pero wala sya. "Ahm, excuse me?" Kuha ko sa pansin ng babaeng nasa counter. "May costumer po ba kayo kaninang lalaki dito na matangkad, black ang buhok Maputi tapos nakauniform po ng Clinton University?"

I'm His MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon