Sharmaine POV:
"Huy!" Bigla akong tinapik ni Dave. Napalingon naman ako sa kanya. Iiling iling lang sya na parang alam na kung bakit tulala nanaman ako at malalim ang iniisip. "Have a break, Maine! Divert your attention sa ibang bagay para di mo sya naiisip. Babalik din yun, humahanap lang ng tyempo"
Napayuko ako at napangiti ng mapakla. "I'm ok, I'm just not used him without in my side." Ginulo nya lang ang buhok ko.
"Have fun Maine, just this time. For Tristan and Terie." Nag angat ako ng tingin sa kanya, nakangiti lang sya sakin parang walang problema sa buhay.
"Yeah! You're right! For Terie and Tris!" Inangat ko ang baso na may lamang ladies drink senyales na nakikipagtoss ako sakanya.
"For the crazy twin!" Tatawa tawa nyang sagot matapos pag dikitin ang mga baso namin.
"Hey! Bakit nag sosolo kayo jan. Ikaw Dave ha. Wala lang si Clark pinupormahan mo na si Maine! Hahahaha" lasing na si Benj kaya lalong lumakas ang sayad. Napapailing iling na lang ako. Sumilip ako sa wristwatch ko. 10:25pm na.
"Guys! Una na ko." Tinapik ko si Dave sa balikat na mukang di nya napansin dahil sa pangungulit ni Benj. Lumapit ako kay Terie na nakikipagkwentuhan sa mga pinsan nya. "Terie una na ko, happy birthday uli. Nasa loob na yung gift ko." Nakipag beso sya sakin.
"Thank you Maine!...... Wait, are you going alone? Let Benj drive you!" Akmang hahanapin nya na si benj pero agad ko syang pinigilan.
"I doubt that, lasing na masyado si Benj. Mukang makakapag overnight sya dito."
"How about Tris! I'll call him."
"Wag na Terie, this is your day. Mag enjoy kayo! Kaya ko naman sarili ko, mag tataxi na lang ako..... Sige na! Bye! Tell Tristan my greetings!" Tumalikod na agad ako sakanila. Huling narinig ko ang keep safe kay Terie.
Nakalabas na ko ng bakuran nila, house party ang naging celebration ng kambal. Ng makalabas ako ng subdivision nila naramdaman ko ang pagvibrate ng bag ko. Kasunod ng pag tunog ng phone ko na senyales ng may tumatawag.
(Phone ringing)
(Tristan Calling)
"Hello Tris!" Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya siguro nasa gitna sya ngayon ng barkada naririnig ko ang boses ni Benj na kung ano anong sinasabi. "Hindi kita maintindihan Tris!" Unti unti ng humihina ang ingay.
"Umuwi ka na daw sabi ni Terie." Tuluyan ng tumahimik sa paligid nya.
"Yeah! Ayaw kong magpakalate ng uwi. Mahirap na!" Napatawa lang sya sa sinabi ko.
"Ano ka ba Maine, di naman namin sasabihin sakanya pag balik nya."
"Kahit na, ayaw kong mag sinungaling."
"Alright! Alright! Ingat ha."
"Yeah! Thank you, happy birthday Tris! Have fun." Pinatay ko na din ang tawag.
Naglakad lakad muna ako, gusto ko munang magpahangin.
"Babe, I miss you!" Bulong ko habang nakatingin sa kalangitan.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa parang may naramdaman akong nakatingin sa likuran ko. Lumingon ako, yung mga lalaking nadaanan ko kanina sa kabilang kalsada nasa di kalayuan sa likod ko, may kumaway pa.
"Hi miss!" Sigaw ng isa sabay tawanan. Agad umakyat ang takot sa kalooban ko.
"Shit!" Bulong ako, mabilis akong tumalikod sakanila at naglakad ng mabilis. Help me! Please! Bulong ko sa isip ko.
"Miss, hintay!" Narinig ko ang pagtakbuhan nila. Napatakbo na din ako.
"Help!!" Sigaw ko.
"Englisera pa mga pare hahahaha" kantyawan pa nila sa likod ko.
"Ahhh!" Nagpatimbuwang ako ng matapilok ako, nagasgas din ang tuhod ko. "Shit!" Napapaiyak na ko, naghalo halo na ang takot, kaba, sakit at pagpapanic sa sistema ko.
"Tsk! Tsk! Bakit ka kasi tumakbo miss, nadapa ka tuloy." Naupo ang isang lalaki sa tapat ko, nakatukod ang isa nyang tuhod at akmang hahawakan ang tuhod ko ng hampasin ko to ng bag. "Aba't! Ikaw pa ang matapang." Tumulo na ang luha ko ng hawakan nya ko ng madiin sa panga.
"Please! Wag nyo ko sasaktan, kunin nyo na lahat ng pera ko. Pls paalisin nyo lang ako di ako mag susumbong sa pulis." Umiling iling sya sakin habang nakanguso.
"Ano pare? Pag bibigyan ba natin to?" Tanong nya sa apat nyang kasama. Mga muka silang sanggano. Nakaupo na din sila sa paligid ko.
"Wag muna pare, paligayahin muna natin sya." Sabi ng isang lalaki ng hinahawakan ang hita ko. Pilit kong inaalis ang kamay nya.
"No! Please! I'm begging!...." Sobrang kaba at takot na nararamdaman ko. Sunod sunod lang ang pagtulo ng luha ko.
"Ang kinis pa naman at ang bango pare." Sabi ng nasa likod ko habang hinahawak hawakan ang buhok ko. Nag pupumiglas na ko.
"Pls!!!.... Spa-----" naputol ang pagsasalita ko dahil sa boses ng isang lalaki na halata mong galit dahil sa diin ng kanyang pag sasalita.
"Back off assholes!" Naalis ang pagkakahawak ng lalaki sa panga ko. Agad silang napatayo at hinarap ang lalaki.
"Sino ka ba? Pakielamero ka maayado." Sigaw ng isa sa mga manyak. Napaatras sila.
"Ahhh!" Naapakan ng isa ang kamay ko dahil sa pag atras ng nya.
"T*ng*n*!" Bulong ng isa na agad tumakbo palayo. Tumakbo na din ang iba na mukhang takot na takot.
"I'm sorry I'm late!" Naramdaman ko na lang na naikulong na nya ako sa kanyang braso. Doon ako lalong napaiyak. "Hushhh! Stop crying now!" Hinagod hagod nya ang likod ko. Napayakap na din ako sa kanya.
"I'm scared!" Putol putol kong bulong.
Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at iniharap sa kanya. "Don't be! I'm here now!" Pinahid nya ang mga luha ko, at hinalikan ang noo ko. Kinabig nyang muli ako upang yakapin, nasubsob ang mukha ko sa dibdib nya. "Let's go! I'll drive you home." Tumayo sya, agad nyang hinawakan ang kamay ko at marahang hinila papunta sa itim na kotseng nakaparada sa harap namin. Walang ampat pa rin ang aking pag iyak.
Wala ako sa sariling nagpatianod sa kanya. Iginaya nya ako papuntang passenger seat, kinabitan ng seat belt at umikot sya para makasakay sa driver's seat. Ng mastart at mag umpisang tumakbo ang sasakyan, hinawakan nyang muli ang aking kamay, dinala nya ito sa kanyang labi at ginawaran ng munting halik.
"Babe!" Hindi ko alam kung nag hahallucinate lang ako pero mukha ni Clark ang nakikita ko. Nabitawan nya ang kamay ko, mariin syang napakapit sa manibela.
Dahil siguro sa pagod, stress at dala na rin ng alak kaya nakatulog ako. Hindi ko na naabala ang sarili kong tanungin kung bakit ngayon lang sya.
Naalimpungatan ako ng naramdaman kong marahan akong ibinababa sa malambot na kama. Madilim ang paligid pero pamilyar ako sa Amoy ng lugar. Kwarto ko ito, ng maihiga at makumutan ako ng maayos naramdamang may dumampi sa noo ko.
"I'm not him Katrina." Bulong nito habang hinahaplos ang pisngi ko. "I'm not him my love!" Hindi ko na narinig ng maayos ang huli nyang sinabi dahil nilamon nanaman ako ng antok at kadiliman.
BINABASA MO ANG
I'm His Mate
VampiroThis is my life, this is how I live. I suck blood to fill my thirsts. I used to live alone. But everything change, when she wake me. My love story starts to begin AGAIN. I am STEPHAN COMETES SALVATOUR her VAMPIRE MATE.