Chapter 8

172 4 0
                                    

Sharmaine POV:

Nagising ako sa isang madilim na kwarto, na tanging liwanag lang na nagmumula sa buwan ang meron para makakita ako. Bumangon ako at inilibot ang paningi sa kabuuan ng silid, bumungad sakin ang mommy na natutulog sa gilid ng aking kama. She's seating in a mono block with her head resting in her folded arms onto the bed.

I think I'm in a hospital room. Napansin ko din kasi ang swero na nakakabit sakin. Inalis ko ang pagkakakabit nito sa braso ko. "Ouch!" Mahinang daing ko ng mahugot, na mukang napansin ni mommy dahil nagising din sya.

"Baby!" Agad na tumayo si mommy, huminga sya ng malalim at napahawak sa kanyang ulo na para bang relieve na relieve ng makitang gising na ko, napaluha din sya. Agaran syang lumapit sakin at niyakap ako. "How's your feeling baby?" Tinitignan ako ni mommy ng may pag aalala sa mata. "Ow, wait! I'll call the doctor" bago pa ko makareact nakatakbo na palabas si mommy.

Di rin naman nagtagal dumating ang doctor at nurse kasama si mommy. Humiga lang uli ako at hinayaang gawin ng doctor ang mga dapat nyang gawin sakin. Meron pang tinapatan nya ko ng ilaw sa mata. Blood pressure at iba pa. "She's ok now, Mrs. Lascanio, well according to the test pwede na syang makalabas after two days para masiguro natin yung status nya" muka namang kumalma si mommy sa balita.

Lumabas na ang doctor at nurse na kasama nya, agad lumapit sakin si mommy. Umupo sya sa mono block at hinawakan ang kamay ko, hinalikan nya pa ang likod ng palad ko. Ang drama naman ni mommy. "What do you need baby?" Tanong nya sakin ng nakangiti.

"Tu-tubig mom" tinuro ko ang pitsel ng tubig sa side table. Agad namang tumalima si mommy, inabutan nya ako ng isang baso ng tubig inaalalayan nya pa ko sa pag inom na Hindi naman kaylangan kasi di naman ako baldado. "Mom, pahingi pa po" uhaw na uhaw ako ng di ko malaman kung bakit. Sinalinan naman uli ni mommy ang baso ko at ininom agad yun. "Bakit nasa hospital tayo mom, ang pagkakatanda ko nasa library ako ............" Napatigil ako sa pag sasalita ng suminghap si mommy.

"Wala ka bang naaalala baby?" Nag aalalang tanong ni mommy. Kumunot agad ang noo ko.

"Why mom? What's wrong?" Nag tataka Kong tanong.

"Nothing baby, just rest. You need that" alanganin ang ngiti ni mommy ng kumutan nya ako. Tumango na lang ako kay mommy, I think it's already past 12 na ng gabi at mukang kulang pa sa tulog si mommy. She looked really stressed.

Nakahiga lang ako, nakatingin sa kisame pero di ako dinadalaw na ng antok.

-----

Di ko napansin na nakatulog na pala ko, pag gising ko. Nakita ko na nag uusap si Tristan at Dave sa may tapat ng pinto, nakabukas ito nasa labas si Tristan at nakasandal naman sa pintong nakabukas si Dave habang nag uusap sila. "Malalaman din nya Dave. Sigurado ko na pag gising nya ngayon sya agad hahanapin nya."

"That's why we need to divert her attention, we need to wait a lead na makakapagturo Kay Clark" sagot ni Dave na mukang frustrated na.

"Ano ba Dave! 5 days na, pang 6th day na nga ngayon pero hanggang ngayon wala pa din. Nagising na lahat laha---" natigil sa pag sasalita si Tristan ng sumulyap sya sa direksyon ko at nakitang nakatingin ako sa kanila. Alam kong naka flaster sa muka ko ang pagkalito ngayon. "Maine!" Alanganing ngumiti si Tristan sakin. Umubo ubo pa sya. Dahan dahan naman ang paglingon sakin ni Dave na para bang may multo syang makikita sa likuran nya.

"Anong sinasabi nyo?" Nagtataka kong tanong. "At, anong meron Kay Clark? Bakit kaylangan ng lead? Anong nangyari sa kanya" ramdam ko na kunot na kunot na ang noo ko. Agaran ang paglapit nilang dalawa sakin, at nakaupo na ko sa kama ko ngayon.

"Maine look!----" naptutol ang sasabihin ni Dave ng magsalita si Tristan na nakapag patigil sakin at nakapag Kay Dave patungo Kay Tristan na seryoso ang muka.

"He's missing!" Nakatingin lang ako sa kanya, Parang di ko madigest ang sinabi nya. Natawa ko ng pilit inisip na nagloloko lang sya "Nawawala sya simula ng sya naman ang hinanap natin Maine sa lugar nila Benj." Nawala ang ngiting pilit sa muka ko.

"No!... You're joking right?" Tanong ko sakanila, nagpalipat lipat ang tingin ko sakanila ng dalawa. Hindi nagsalita ang dali, bugkos nag iwas lang sila ng tingin. Parang yun ang pumitik sa luha ko para mag unahan sa pag bagsak.

No, it can't be!

Hindi, magkasama lang kami sa kanil----- .

Naputol ang pag iisip ko, ng maalala ko ang mga ginawa namin. Lahat yun,.... Lahat yun tapos ng mangyari. It was happened last 2 yrs. The incident in cafeteria, sa bahay nila, sa park, sa room. At pati ang yung ginawa naming activity ni Eros.

"N-No!.... No, please! G-guys! Tell me Hindi totoo yan." Humagulhol ako ng humagulhol. And then it hit me, ang imahe ni Clark na pilit akong pinapatakbo para mailigtas ko ang sarili sa nilalang na nagpapahirap sa kanya. Ang imahe nya na puno ng putik na nakahiga sa lupa habang sinasagpang ng isang nilalang na may bultong tao. Yung muka nya na ngumiti matapos sabihin.... Sabihin sakin ang I love you.

Lalo akong humagulhol, di ko alam kung ano na tong nararamdaman ko, Parang pinupunit ako sa kaloob looban ko. Napahawak ako saking dibdib at hinapas hampas yun ng nakakuyom kong kamao. Nararamdaman ko ang pagpapakalma sakin nila Dave, pero di ko na sila magawang intindihin, ni ang marinig ang mga Boses nila, wala din. Parang namanhid ang lahat ng senses ko. Ang nararamdaman ko na lang ay ang sakit sakit ng loob ko, pati ulo ko Parang nararamdaman kong tumitibok sa sobrang bugso ng damdamin sa sabrang sakit na nararamdaman ko. Sigaw lang ako ng sigaw ng Clark, at no. Yun lang naiintindihan ko.

Nagwala ko sa ibabaw ng kama, Hindi ko na alam kung ano na mararamdaman ko. Basta ng wala na ko mahawakan namanhid ang buong pagkatao ko. Nahihirapan na din ako huminga. Naramdaman ko na lang na may mga braso na pilit akong inihihiga, at hinawakan ako sa isang braso. May itinurok sila doon. Maya Maya pay nanlambot ako. Naramdaman kong inayos nila ko, pupungay pungay ang mata kong inilibot ang paningin, may mga nakaputing nasa paligid ko. Nakita ko si mommy na umiiyak sa sulok. May nilagay sa bibig ko na sumakop maging sa ilong ko. At naramdaman ko ang pagpasok ng hangin sakin na naging dahilan para umayos ang pag hinga ko. Pero ramdam ko pa din ang pag tulo ng Luha ko hanggang sa magdilim nanaman ang buong paligid ko.





I'm His MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon