Chapter 23

65 3 0
                                    

Sharmaine POV:

Brrrrtttt!!

Brrrrrttt!!

Brrrrrttt!!

Nagising ako sa vibrate ng cellphone ko sa may side table ko. Kinapa ko ito ng nakapikit at ng maabot ko, bahagya kong binuksan ang kaliwang mata ko para tingnan ang oras.

"Argh! 11 na ng gabi, sino ba to at may pagtext  pa."

Hindi ko binuksan ang lock ng cellphone ko, balak ko sanang bukas na lang basahin ang message pero nag vibrate ulit ito ng tangka Kong ibabalik na sa side table ang cellphone.

Napabalikwas ako ng bangon at nayayamot na binuksan ang lock ng cellphone ko.

Napasinghap ako at halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko sa lakas ng kabog nito.

Nanginginip kong pinidot ang message.

"Babe!" Bulong ko, kasabay ng pag agos ng luha ko.

From: My Babe

Help.

From: My Babe

Pls Help me.

Agad kong pinahid ang mga luha na naglalandas sa pisngi ko at agad dinaial ang number ni Clark. Dahan dahan kong inilagay sa tapat ng tenga ko ang cellphone at nanginginig ang labing nag iintay mag ring ang kabilang linya.

Napahugot ako ng hininga ng marinig ko itong mag ring.

"Babe!" Garalgal ang boses kong bulong, pinipigilan ko ang pag hikbi habang hinihintay may sumagot sa kabilang Linya. "Babe pls! Answer the phone." Bulong ko habang tuloy tuloy ang agos ng aking luha.

Halo halo ang emosyong nararamdaman ko, may pananabik, takot, saya at kaba.

At ng sumagot ang kabilang linya, napakagat labi ako. Halos dumugo ang labi ko sa diin ng pagkakakagat ko, tiningnan ko pa kung totoo ngang may sumagot sa kabilang linya.

Naghalo halo na ang luha, sipon at pawis ko. Mahinang hikbi ko lang ang naririnig sa buong kwarto. Hindi ako makapag salita nakatapat lang sa tenga ko ang cellphone habang lumuluha.

"Babe?" At ng magawa ko ng sumambit ng salita, kumawala din ang pinipigilan kong pag iyak, kumawala ang mga halo halong nadarama ko. Kumawa ang sakit, pagkamiss sa taong nag mamay ari ng numerong ito.

"C--clark?" Bulong kong muli, pinahid ko ang luha. Agad na tumayo sa kama at tumapat sa may sliding door sa tapat ng veranda ng kwarto ko. Pinipilit ko ikalma ang aking sarili.

Malalim na buntong hininga ang narinig ko sa kabilang linya. Para kong naestatwa sa kinatatayuan ko ng mapagtanto na may nakikinig talaga sa akin. Walang pasabi nanamang lumandas ang luha ko.

"Babe, what happened to you?" Umiiyak kong tanong.

"Nasaan ka?" Dagdag ko pa.

"I miss you Clark" lalong lumakas ang hikbi ko habang patagal ako ng patagal nag sasalita.

"I'm.....

I'm not him!" Nangunot ang noo ko sa narinig. Parang biglang may pumihit sa gripo ng aking luha para tumigil ito bigla.

"Who are you?"

"But I know where he is." Yun lang ang sinabi nya at naputol na ang tawag.

Matinding kabog sa dibdib ko ang naiwan ng mga salita nya.

"My Clark!" Bulong ko habang nasa tenga ko pa din ang cellphone.

+++++++

Tulala.

Ganyan ang itsura ko ng kumatok si mommy sa kwarto, Hindi ko alam kung anong oras na, kung late na ba ako sa school o ano. Basta ang nasa isip ko lang ay ang nangyaring pag uusap namin ng lalaki kagabi sa cellphone.

"Baby?" Kumatok ulit si mommy pero para lang akong robot na nilingon ang pinto at bumalik sa pagkakatulala. "Bubuksan ko na ang pinto ha baby?" Masiglang paalam pa ni mommy.

Nakaupo lang ako sa kama, nakasandal sa head board, yakap ang isang unan at nakatingin sa kawalan.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero di na ko lumingon.

"Sharmaine, what happened to you baby?" Dali daling lumapit si mommy sakin at niyakap ako. Hinalik halikan ang ulo ko. Hinawakan ang magkabila Kong pisngi para magkatapat ang mukha namin, nalaman ko na lang na umiiyak ako dahil sa pagpahid nya sa luha ko gamit ang hintataba nya. "What's wrong?" Puno ng pakikisimpatya ang mata ni mommy.

Napasinghot ako at ang pagsinghot ay nasundan ng mahinang hikbi na nasundan na ng sunod sunod na pagpatak ng luha ko sa unan.

"M-mom!..... He..... called.... me." Bawat salita ko ay may hikbi, Hindi ko alam kung naintindihan ba ni mommy ito. Pero niyakap nya ko, yakap na nag papatahan, yakap na nag sasabing nandyan lang sya palagi.

"Ma'am may package po." Sigaw ni manang sa baba.

Ako na ang humiwalay sa yakap ni mommy. Ngumiti ng pilit at nagpahid ng luha. "Puntahan nyo na po."

"I'll be back baby, alright?" Tumango na lang ako Kay mommy at tumayo na sya, nakailang Lingon pa sya sakin bago tuluyang makalabas.

"Clark what should I do?" Bulong ko sa hangin.

"Baby, this is for you." Bungad ni Mommy pagkapasok nya ulit sa kwarto.

"Palagay na lang po Jan mom." Sagot ko, Sabay buntong hininga.

"Who's Mr S baby?" Tanong ni mommy, agad nangunot ang noo ko at lumingon sa kanya.

"The one who sent this package."

"Baka si Stephan lang yan mom. Akin na po."

Napangiti si mommy ng ilahad ko sakanya ang kamay ko, tanda ng pag papaabot ng package.

"That Stephan! Tell me something about him." Nakangiting sabi ni mom habang lumalapit sakin at iniabot ang maliit na package.

"Well,... He's sweet, gentleman,... Maalaga din sya." Lalong lumawak ang ngiti ni mommy sa pag lingon ko sakanya.

"He's good for you." Tinap ni mommy ang balikat ko. "And maybe he can help you."

"Help with what mom?"

"Oh, I need to go." Dali daling tumayo si mom sa kama at humalik sakin matapos sumilip sa relo nya.

"Always wear that smile baby." Nakangiting bilin ni mom at tuluyan na syang lumabas.

"Smile?" Bulong ko kasabay ng pagkapa ko sa labi ko. Di ko napansin Nakangiti na pala ko.

"Maybe he can help you." Parang umulit sa tenga ko ang sinabi ni mommy.

"I hope mom!" Bumuntong hininga ako.

Pagsandal ko sa head board ng kama nakapa ko ang maliit na package na mukang galing Kay Stephan.

Nangunot ang noo ko ng makita ko ang maliit na papel na nakadikit sa kwadradong kahon ng matanggal ko ang balot ng package.

Were this
For you to block him.

PS. Don't tell to Stephan. ☺

Mr S

Binuksan ko ang kahon matapos ko mabasa ang nakasulat. Isang silver anklet, just a plane anklet na may bilog sa gitna na parang pulang buwan.

Should I wear this?

I'm His MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon