Chapter 24

118 3 0
                                    

Sharmaine POV

"Cool,... So this is not from sir?" Tanong ni Terrie habang nakadapa sa kama ko at pinapaikot ikot sa kamay nya ang anklet.

"May isa pa." Nag angat sya ng tingin sakin. At alam ko na nakita nya ang pag lamlam ng mga mata ko ng maalala ko nanaman ang tawag na iyon.

"What?..." Nilagay nya sa kahon ang anklet at lumapit sakin na nakaupo sa gilid ng kama.

"Tumawag sakin si Clark kagabi." Nakayuko kong bulong.

"What?" Nagigilalas nyang tanong. Nanlalaki pa ang mga mata nya.

"I mean, hindi literally na si Clark. But.... He know where Clark is." Sa pagkasabi ko nun ay agad tumulo ang luha ko. Kaylan ba titigil ang mata Kong to sa pag iyak. "Terrie. I feel it. Buhay si Clark... And that man na nakausap ko. I know na Alam nya talaga kung nasan si Clark."

"Maine!... Maybe it was just frank call." Agad nag angat ang tingin ko sakanya at marahas Kong pinahid ang Luha ko, halata sa muka nya ang pagkagulat.

"Frank call?... Gamit nya ang number ni Clark, how can you explain that?" Nakatayo Kong tanong sakanya.

"Hey! Stop shouting at me!" Nakakunot noo nyang sita sakin.

"Maybe we can talk tomorrow Terrie, I need a rest." Huminga ako ng malalim at tumalikod sakanya.

"You're unbelievable Maine!" Nagdadabog syang lumabas ng kwarto ko.

Hindi na ako nakapasok sa school, dumalaw lang si Terrie para kamustahin nya daw ako. Pero pinainit lang nya ang ulo ko.

"Bakit ba di nila ko maintindihan." Napufrustrate akong umupo sa study table ko. At dun pinagpatuloy ang pag iyak.

*******

"Hi!" Astang bulong pero pasigaw na sabi ng isang lalaki na umakbay sakin.

Hinawi ko lang ang kamay nya na nakapatong sa balikat ko.

"Did we met before?" Napasiring lang ang mata ko sa linyahan nya. Mga Linya ng malalanding lalaki.

Di pa nakuntento at naupo pa sa katabing stool ko dito sa tapat ng bar counter.

"Hey! I'm human here! In case you didn't know." Napabuga ako ng hangin sa kakulitan nya.

"I don't care! Just leave me alone!" Entrada ko sakanya sabay tayo at lumipat ako ng ibang stool sa may bandang dulo ng counter.

"You look alone, I just want you to have fun with someone." Sumandal sya sa counter at nangalumbaba sa harap ko sabay kindat.

"Didn't you hear me? I said I want to be alone!" Pagtataray ko pa sakanya.

"Then why here?" Nakangiti pa nyang tanong napatirik na ang mata ko sa pagkaasar sakanya.

"Argh!!! Bwisit!" Tumayo na ako at naglalakad paalis ng marinig ko ang sigaw nya.

"It's so nice to meet you Sharmaine!" Nilingon ko sya at nakikita sa mga labi nya ang mapaglarong ngiti.

Nangunot ang noo ko at kinilabutan sa tingin nya at maging sa ngisi na meron sya. Umastang yuko sya na  parang prinsipe na nagpapakilala sa isang prinsesa. "By the way! I'm Sebastian!" Malawak na ngiti ang pinakawalan nya matapos banggitin ang pangalan nya. Napahakbang ako paatras, parang may kakaiba sakanya.

At, pano nya nalaman ang pangalan ko? Parang nanginig ang tuhod ko ng mapagtantong di naman ako nagpakilala sakanya. Dali dali akong tumalikod at naglakad palabas ng bar.

Huminga ako ng malalim pagkalabas na pagkalabas ko.

"AHHHHH!!" Halos mag hysterical ako sa pagkagulat ng may kumapit sa balikat ko. Naiangat ko ang bag ko at napapikit sa takot.

"It's me!" Agad napadilat ang mata ko ng makilala ko ang Boses na iyon. Nang sumalubong sakin ang mga berde nyang mata ay parang biglang humupa ang takot ko, napayakap ako sakanya at parang hingal na hingal na sinandal ko ang ulo ko sa dibdib nya.

"Stephan!" Bulong ko

"Why? What happened?" Tanong nya, kinulong nya ang magkabila Kong pisngi sa mga palad nya at tumitig sa mata ko.

Those eyes!

Those speaking green eyes.

"Sharmaine!" Untag nya sakin, napakurap kurap ako sa harap nya. "Are you ok?" Tanong nyang muli.

"I'm ok!" Dahan dahan Kong binaba ang mga kamay nyang nasa pisngi ko. "How did you know that I'm here?"

"Instinct." Simpleng sagot nya.

"There's something different." Maya maya'y narinig Kong bulong nya habang naglalakad kami palapit sa sasakyan nya.

"Ha?"

"Nothing" nilingon nya ko at nakita ko sa mata nya ang pagkalito. Inalalayan nya ko sa pagpasok sa passenger seat. At ng makaupo na ko at maisara nya ang pinto ay lumigoy naman sya papuntang driver seat.

Nangalumbaba ako sa bintana ng sasakyan at tumingin sa mga nadadaanan namin.

Napa straight ako ng upo ng may mapansin ako. Hinawak ko ang kaliwang kamay ko sa dibdib ko at pinakiramdaman ito.

Bakit wala?

"What's wrong?" Tanong nya habang palipat lipat ang tingin sakin at sa daan.

Humarap din ako sakanya.

Bakit wala akong nararamdaman?

Asan na yung biglang pag tibok ng puso ko sa di normal na paraan.

Bakit si ko napansin sya kanina.

Anong nangyayari?

"Why are you giving me that face?" Nabalik ako sa realidad ng marinig Kong muli ang Boses nya.

Hinawakan nya ang kamay ko at dinala sa kanyang mga labi. Nakaramdam ako ng kakaibang kuryente ng magdikit ang aming balat at mas kakaibang pakiramdam ng halikan nya ang kamay ko

"Is there something bothering you?" Tanong nyang muli.

"Wala! I  thought you can read my mind?" Nakakunot ang noong lumingon sya sakin.

"I don't know."

"Ha?"

"I can't read your mind now."

Naguguluhan ako sa mga sinasabi nya.

"Anong ibig sabihin nun? Mabuti ba o masama?"

"Are you still pure?" Alanganin nyang tanong.

"What?" Mas naguluhan ako sa tanong nya. Mukang tense pa sya habang palipat lipat ang tingin nya sa daan at sakin.

"Nevermind." Napapabuntong hininga nyang bulong at binitawan ang kamay ko.

Sumiryeso sya sa pagmamaneho, at parang nabalot ng yelo ang buong sasakyan dahil sa biglaang paglamig ng aura nya. Ewan ko pero ramdam ko ang panlalamig nya.

Nilingon ko pa sya at nakakunot noong nakatingin lang sya sa daan. Parang wala syang kasama kung umasta.

Ako lang ba o may nagbago talaga?

What's really going on?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm His MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon