Chapter 1

844 16 0
                                    

Sharmaine POV:

Dalawang oras na kami nag babyahe. Inaantok na ko, at halos naubos na din namin ang mga junk foods na baon namin. Maaga kasi kaming bumyahe para kumuha ng mga kakailanganin naming ingredients sa research namin.

"Babe, nangangalumata ka na. Take a nap. Gisingin na lang kita mamaya pag andun na tayo." Inihilig ni Clark ang ulo ko sa kaliwang braso nya habang nakaakbay sya sakin. Ginawa ko naman ang sinabi nya at unti unti ko ng isinara ang aking mga mata. Bago ako tuluyang makatulog naramdaman ko ang paghalik ni Clark sa aking ulo, payak akong napangiti ng dahil dun.

-----

Nagising ako dahil sa maalog na pag galaw ng aming van na sinasakyan. Medyo malabo ang paningin ko ng pagmulat ko kaya kinusot kusot ko ang mata ko bago ko inikot ang aking paningin sa paligid. Napansin kong di man lang natinag si Charlie at tulog na tulog pa rin. Naramdaman ko namang gumalaw si Clark sa tabi ko.

"Ano ba yan Benj! Di ba pwedeng magdahan dahan ka sa pag dadrive?!" Sabi ni Clark habang humuhikab.

"Fffft!----" Natawa ko kay Clark dahil hindi na maintindihan ang sinasabi nya.

"Sorry guys, we're passing in a rocky road! Not an ice cream huh! But literally a rocky path, so please bear a while. Hahahaha" 😒 Seriously? I really don't know where did Benj got his humor.

"Last mo na yan Benj, please lang!" Singit ni Charlie, kala ko tulog to. Pikit lang pala pero nakikiramdam sa paligid.

"Ffffttt!!--- hahahahaha." Problema nito ni Tristan? Makatawa wagas. "Basag ka pala kay Charing Benj eh! Hahahaha." Minulat ni Charlie ang isa nyang mata at tumingin sa direksyon ni Tristan na tawa pa din ng tawa.

"Hindi ako nagpapatawa Tristan!" Walang ganang sabi ni Charlie bago pinikit uli ang kanyang mata.

Si Clark naman, ito nakahilig sa balikat ko at natutulog. Hay! Ano ba naman to, bakit ba ko napasama sa grupong ito.

Binuksan ko na lang ang bintana dito sa tabi ko at dun nangalumbaba habang nakatingin sa labas. Dahil sa paggalaw ko napamulat si Clark at napaayos ng pwesto, feeling ko di naman 'to tulog gusto lang sumandal sakin.

"Babe anong tinitingnan mo jan?" Pinatong ni Clark ang baba nya sa balikat ko, ramdam ko din na inaamoy nya ko.

"Wala, gusto ko lang ng fresh air masyadong polluted ang mga kasama natin eh." Nilingon ko sya bago sagutin. Natawa sya sa sinabi ko bago kiniss naman nya ko sa pisngi. Binalik ko tingin ko sa labas at tinitingnan ang paligid. Nasa gubat na pala kami ang dami ng puno, parangang di na to dinadaanan eh. Ang creepy naman dito sa probinsya nila Benj.

"Benj! Malayo pa ba tayo?" Tanong ko kay benj ng nakatingin pa din sa labas, pero nakafocus ang pandinig ko sa loob ng van. Pero wala ko narinig na sagot sa kanya. "Ben-----" naputol ang sasabihin ko kasi ng akmang titingin ako sa unahan para sigawan sana si Benj, parang may nakita akong bulto ng tao dun sa may bandang taas kung san madaming puno. Di ko alam, pero pakiramdam ko nakatingin sya dito sa direksyon namin. Nangunot ang noo ko, naalis ko din ang kamay ko sa pagkakangalumbaba at pilit inaaninag yung bulto ng tao. Lumalayo na kami pero nakikita kong sumusunod ang ulo nya kung nasan ang sasakyan namin.

"Babe! Bakit?" Nawala ang concentration ko dahil sa pagtapik ni Clark sakin. Napalingon tuloy ako sa kanya at napangiti ng pilit sabay iling, saka binalik ko ang paningin ko sa labas, pero malayo na kami di ko na matanaw yung pwesto nung tao kanina.

Umayos na lang ako ng upo at sinarado ang bintana saka sumandal sa balikat ni Clark. Bakit parang kakaiba ang pakiramdam ko sa taong iyon?

"Guys! Andito na tayo!" Sigaw ni Benj habang dahan dahang tumitigil ang van. Napaangat naman ako ng ulo at tumingin sa labas. Hay! Buti naman andito na kami. Nagsimula na kaming mag ayos para bumaba. Bumukas na ang pinto ng van at nakita ko na bumaba na si Charlie na parang bored na bored sa buhay. Di ko na pinansin yung pag baba ni Dave at ng iba.

I'm His MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon