Chapter 6

232 7 0
                                    

Sharmaine POV:

Beeep beeep!!!.....

Bumusina si Clark ng nasa tapat na kami ng bahay nila, bumukas din naman ang gate at dumiretso na ang sasakyan na sakay kami papasok sa loob.

Pag baba ko ng kotse "baby maine!" Tuwang tuwang mommy ni Clark ang sumalubong sakin. Niyakap agad ako nito ng makalapit ako nito at nagbeso.

"Hahahaha tita, I miss you too!" Humiwalay na sya sakin sa pag yakap at humarap kay Clark na kabababa lang ng kotse.

"Baby buti naman naisipan mong dalhin ulit dito si Maine, nakakatampo ka na. Lagi ko nirerequest sayo na dalhin mo sya dito pero lagi mo ko dinedeadma" humarap sakin si tita ng nakapout. "Ang bad na ng baby ko sakin Maine." Natawa ko Kay tita.

"Tita, medyo madami din po kasi kami ng ginagawa sa school kaya di po ako makabisita, wag nyo na pa sisihin si Clark"

"Anyway, tayo na sa loob nagbake ako ng cookies at cupcakes, I know you would like it." Inangkla ni tita ang braso nya sa braso ko at hinila na ko papasok.

"Mom! Be careful, Sharmaine might get hurt!" Sigaw ni Clark, nilingon ko sya at kakamot kamot sa ulong sumunod samin. Natatawa kong nagkibit balikat sakanya habang hila hila ako ni tita.

-----

Nakarating din kami sa kusina, nakaupo lang kami ni Clark habang kumakain, at ako tawa ng tawa sa mga kwento ni tita, samantalang si Clark ito wala man lang pake, Parang may sariling mundo habang nagse-cellphone.

"Ang laki talaga ng binago nyang baby ko Maine, alam mo bang nung umuwi yan galing sa pagbabantay sayo. Naging masungit na sya. He's so bad na to us Mai----"

"Good day people!! Maddy is back!!!" Sigaw ng isang babae ang pumutol sa sasabihin ni tita, natatawa panaman na ko sa pagiging OA ni tita naudlot pa. "Yuhuuuu!!! Tita??" Sigaw nya ulit. Parang familiar ang boses. Napalingon naman ako Kay tita ng bigla syang suminghap. Namilog pa ang buka ng kanyang labi at mukang kumislap ang kanyang mata ng marinig ang babae.

"Oh my!...." Bulong ni tita sabay tayo na parang excited na excited. "Maddy baby!!!" Nagmamadali si titang tumakbo palabas dito sa kusina para puntahan malamang ang Maddy baby nila. Napansin ko naman na parang walang imik lang si Clark dito sa tabi ko.

Bago pa makasagot si Clark naputol na ang atensyon namin sa isa't isa ng pumasok si tita kasama yung babae, nasamid pa ko sa sarili kong laway ng makilala ko sya.

"Maine, I want you to meet Madison my niece!" Ngiting ngiting pakilala ni tita.

"Huh?" Hindi ko maiwasan na magulat, magtaka at magulohan sa nangyayari I thought she's Clark... Yeah! I don't want to mention it.

"Wait do you know each other?" Nagtatakang tanong ni tita samin habang palipat lipat ang tingin nya samin.

"You!...." Namamanghang turo sakin ni Madison, "yeah! You!... Hahaha your Clarkie's future right like what your friend introduced you" alam Kong pinamulahan ako ng pisngi dahil sa nangyayari, napakagat labi ako at napayuko ng bahagya. Feeling ko naramdaman na ni Clark na awkward na ang sitwasyon ko kaya tumayo na sya at hinawakan ang kamay ko, naramdaman ko pang pinisil nya ito ng bahagya.

"Who the hell are you?" Diretso at walang pakundangang tanong ni Clark, nalaglag ang panga ni tita maging ako ay ganun din, at ng tingnan ko si Madison nakabukas ng bahagya ang kanyang bibig at halata sa mukha nya ang disbelief sa sinabi ni Clark.

Napabuga muna ng hangin si Madison nagsalita. "Look! Maybe you already forgot me, but! Hello? It's me! Maddy! Tsk! You jerk!" Masungit na pakilala ni Madison Sabay halukipkip at siningkitan ng mata si Clark. Nakita ko na nakakunot ang noo ni Clark at para bang inaalala si  Madison.

I'm His MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon