Chapter 17

227 3 2
                                    

Sharmaine POV:

Dumaan ang isang linggo, hindi na nagtangkang lumapit sakin si sir Stephan. Sumusulyap sya at yun ang madalas Kong mahuling ginagawa nya, minsan ay natatawa ako dahil sa pag nahuhuli ko syang nakatingin biglaan din ang pag paling ng kanyang ulo sa ibang direksyon.

Uwian na, humiwalay muna ako kila Terie para dumaan sa 7/11 na mejo malapit sa school. Tinatamad pa ko umuwi kaya gusto ko muna tumambay, napapabuntong hininga na lang ako habang naglalakad. Ng malapit na ako sa 7/11 huminto ako.

"What do you need?" Tanong ko na hindi man lang hinanap ang kausap ko.

"You're used to my presence, aren't you?" Sa pagkakataon na iyo na ako humarap sakanya. Napaatras naman ako dahil sobrang lapit pala nya saakin.

"Hindi ko pa din maintindihan sir." Bulong ko habang napapayuko, naramdaman ko ang paghawak nya sa balikat ko, nag angat ako ng tingin at sumalubong sakin ang kulay berde nyang mga mata.

"Just trust me, I won't do anything that might harm you...... Just let me, Katrina." May kirot akong naramdaman ng tawagin nya ko sa ibang pangalan, di ko alam pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Tama ba ito?

"I'm not her." Malumanay kong bigkas habang nakatingin sakanyang mga mata.

"I know you are her!" Umiling ako at ngumiti ng bahagya.

"Maybe, yes maybe I'm look like her, but I know to myself that I'm not her..... Because if I am her, there's no doubt here in my heart."

"You will forget him, I will help you don't worry." Pangungumbinsi nya sakin na kinainit ng ulo ko.

"No! I won't forget him! I'll still wait for him." Agad agad ko syang tinalikuran. Pero sa bawat hakbang na ginagawa ko papalayo sa kanya parang nasasaktan din ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko parang gusto ko syang lingunin, subalit alam ko na sa oras na lingunin ko sya, kabalikat nito ang pagalikod ko sa paniniwala ko at pinaniniwalaan ko.

Iyon ang ayaw ko pang isugal sa ngayon, ayaw kong kalimutan sya. Alam Kong mahal ko sya........ Mahal pa kita Clark!

--------

"Babe!" Bulong ko ng tingalain ko ang langit na punong puno ng mga bituin mula dito sa balcony ng kwarto ko. Hawak hawak ko ang pusang si Cometes, Ewan ko na nasanay na ko sakanya dito sa kwarto ko. Lagi syang napasok ng walang paalam at Hindi ko alam kung paano sya nakakapasok.

Pumasok ako sa kwarto karga si cometes, ibinaba ko lang sya sa higaan ko. Nagpagulong gulong lang ang pusa sa kama, pinagmamasdan ko lang sya isa syang Persian cut kaya ang cute at floppy nya. Humiga na ako sa kama tumitig sa kisame ng kwarto ko habang hawak sa kanang kamay ko si cometes.

"It's been a long time babe!..... Babalik ka pa ba?" Bulong ko kasabay ng pag patak ng isang butil ng luha ko. "I know to myself that I still love you Clark."

"Babe! Look here!" Pangungulit ni Clark habang nag rereview kami sa library. Nasa harap ko lang sya, sa katunayan ako lang ang nagrereview wala syang ibang ginawa kundi mag cellphone.

"Stop it babe!" Bulong ko habang sumisenyas na tumahimik sya, mahirap na baka mapagalitan kami ni miss Leila ang school librarian.

I'm His MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon