Sharmaine POV:
"Oh my god!" Tili ko sa pagitan ng aking unan. Tumunghay ako at tumihaya ng higa. Nakatingin na ako ngayon sa ceiling ng kwarto ko, napahawak ako sa dibdib ko. "Why do I feel this?" Pinakiramdaman ko ang pag kakarera ng tibok ng puso ko.
Isang ingay ang biglang nakapag pabangon sakin sa pagkakahiga, agad akong napaupo sa gilid ng aking kama, inabot ko ang pepper spray na nasa side table ko. "Who's there?" Tapang tapangan kong sigaw pero sa loob loob ko, di ko alam ang gagawin kung iiispray ba itong pepper spray o ipambabato na lang. Pinakatitigan ko ang direksyon ng glass sliding door papunta sa aking veranda. "Sino sabing anjan!" Sigaw ko uli.
Meow!....
Meow!
Ingay ng pusa ang narinig ko at Maya maya pa gumalaw ang kurtina na nakatabing sa glass sliding door. Pumasok ang isang pusa na Kalahati ng katawan nya ay puti at Kalahati itim. Simula sa ulo nya hanggang bewang ang puti at itim Simula bewang hanggang dulo ng buntot.
"Tinakot mo ako mingming." Nilapitan ko ang pusa at umupo sa harap nya, umupo din sya sa harap ko at diniladilaan ang kamay nya. Hinawakan ko ang ulo nito, hinaplos haplos ko sya sa ulo, at biglang syang tumunong. Tumigil sya sa pag dila ng kanyang kamay at bigla na lang nya kinuskus sa kamay ko ang pisngi nya habang natunog sya ng kakaiba.
"Pano ka nakapasok sa kwarto ko?" Tanong ko dito kahit alam ko na di naman sya sasagot. Balbon syang pusa, habang kinukuskos nya ang pisngi nya sa kamay ko, may naramdaman akong malamig sa may bandang leeg nya. Inangat ko sya at nakita ko ang parang gold na collar sa leeg nya, tinaas ko pa sya para mapagmasdang mabuti ang collar. Comets?
"Aray!!" Napasigaw ako at naihagis ko bigla ang pusa sa pagkagulat. Kinalmot nya ko! Buti na lang sa ulo ko tumama ang kuko nya, pero masakit pa din. Hinipo hipo ko ang parteng nakalmot nya sa ulo ko. "Salbahe kang pusa ka!"akmang lalapitan ko sya ng tumakbo sya palabas sa may glass sliding door ko, at doon ko lang napansin na bukas pala ng bahagya Ito. Tuluyan along lumapit doon, hinawi ko ang makapal na kurtinang tumatabing sa sliding door. Madilim na ang langit, tanging liwanang ng buwan ang nagbibigay ilaw sa paligid. Maulap dahil kakaonting bituin lamang ang kumukutitap.
Nakasampa sa pasimano sa veranda ang pusa, palakad lakad ito na parang di mapakali at may tinitingnan sa kung saan. Ingaw ito ng ingaw, nilapitan ko ito ng kanonti tinanaw ko din ang tinitingnan nya, pinasingkit ko ang aking mga mata at pilot tinatanaw ang isang puno na nasa aming hardin.
Napaatras ako ng may makitang bulto sa may puno, agad akong tumakbo papasok ng kwarto, nilock ko ang glass door at binalik ang pagkakatabing ng kurtina. "Mom!!!" Sigaw ko, nagtatatakbo ako palabas ng kwarto at dumiretso sa kwarto nila mommy. "Mom, mom!!!" Sunod sunod ang naging katok ko. Bumukas naman agad ang pinto ng akmang kakatok akong muli.
"Why baby?" Halatang taranta si mommy sa pagbukas ng pinto dahil kahit ang robe nya ay di maayos na nakasuot sa kanya.
"Mom, may nakita akong tao sa garden." Mabilis at Kinakabahan ko pang sabi na di ko alam kung naintindihan ba nya.
"What?" Agad lumapit si mommy sa intercom na nasa kwarto nya. Humakbang ako papasok sa kwarto nila mommy. "Yes, can you check it?......... Ok, just tell me if there's really suspicious there." Binaba ni mommy ang telepono at humarap sakin. "Sila na daw bahala baby. Baka isa lang daw sa mga guard na nag iikot ang nakita mo."
---------
"What happen Maine? You look,...." Pinasadahan ni Terie ng tingin ang buong muka ko.
"Done checking me out?" Bagot kong sabi, napahikab pa ako. Kulang na kulang ako sa tulog matapos kasi ng nangyari kagabi di ako nakatulog ng maayos, I guest its 3am in the morning when I fell asleep, and my class is 7am.
BINABASA MO ANG
I'm His Mate
VampireThis is my life, this is how I live. I suck blood to fill my thirsts. I used to live alone. But everything change, when she wake me. My love story starts to begin AGAIN. I am STEPHAN COMETES SALVATOUR her VAMPIRE MATE.