Chapter 4

321 11 0
                                    

Sharmaine POV:

Nagising ako na para bang may nakatingin sakin ng mataimtim. Pagdilat ng aking mata, agad akong nasilaw sa liwanag kaya napatakip ako ng mata gamit ang aking mga kamay. "I'm glad you're already awake!" Ang boses na 'yun. Kinakabahan ako habang unti unti kong binababa ang kamay na ginamit ko para ipangtakip sa aking mata. Kinakabahan ako sa isiping baka panaginip lang ito.

"C-Clark!" Hindi ko maayos na nabigkas ang kanyang pangalan dahil sa pagkatuyo ng aking lalamunan, agad lumandas ang luha sa aking mata ng ngumiti sya sakin. Bigla kong nakita ang lungkot sa kanyang mata ng tawagin ko sya, pero nawala din ito at napalitan ng saya. Ang mga mata nya, kitang kita mo ang emosyon. Pangungulila, saya at pagmamahal yan ang mga emosyong nakita ko sa mata nya. Hindi ko alam pero parang kakaiba. Pinahid nya ang luha sa aking pisngi. "T--tubig." Bigkas ko dahil di talaga ko makapagsalita ng maayos. Agad naman syang tumayo at kumuha ng tubig pagkatapos ay inalalayan akong uminom.

Bumalik si Clark sa upuan sa tabi ng aking kama. Inabot ko ang mukha nya gamit ang aking kamay, gusto kong malaman kung totoo ito, kung buhay sya. Kinuha nya ang aking kamay at sya mismo ang naglagay ng aking kamay sa kanyang pisngi, pumikit sya habang inaalalayan ang kamay kong haplusin ang pisngi nya. "I am real!" Sa mga katagang yun agad nag sunod sunod ang pagpatak ng aking luha, bumangon ako sa higaan at agad ko syang yinakap. Hikbi ko lang ang maririnig sa buong kwarto at wala akong pakialam. "Sshhhhh!!!" Pagpapatahan nya sakin habang hinahagod hagod ang aking likod. "Stop crying now--- babe, everything's going to be fine!" Bulong nya saakin. Yinakap ko lang sya ng mas mahigpit pa hindi ko inintindi ang mga sinasabi nya ang importante sakin ngayon ay nasa tabi ko sya.

"I thought, I--I'm going t--to lose you!" Hikbi ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

"Never! I will never leave you,.... and pls don't leave me too" sagot nya sakin, di ko naintindihan ang huli nyang sinabi dahil mas mahina ito. "I love you!" Bulong nya pa at yinakap ako ng mas mahigpit.

"B-babe! I-i ca--can't breathe!" Tinapik ko ang braso nya, sobrang higpit na ng yakap nya na parang bang madudurog na ko.

"I'm sorry!" Agad naman syang napakalas sakanyang pagkakayakap sakin at napatungo ng nakakagat labi sabay suklay nya ng kanyang kamay sa kanyang buhok pataas. I find it hot! Kailan pa sya natuto ng ganyan. "Sorry! I was just carried away!" Bulong nya at di pa rin sya makatingin sakin.

"Hahahaha, you're cute!" Hindi ko na talaga napigilang mapatawa sa kanya. Ang cute ng boyfriend ko, napatingin naman sya sakin at agad napangiti ng makitang tumatawa ko. Na awkward naman ako sa kanya kaya napahinto ako sa pagtawa. "Ehem! Ehem! Anyway, bakit mukang miss na miss mo ko ha, ilang oras na ba akong tulog?" Tanong ko ng may seryosong mukha. Akmang sasagot na sya ng biglang bumukas ang pinto, nakita ko na nagliwanag ang muka ni Terie ng makita ako.

"Good you're already awake! My god Maine! You know we're so worried about you. You're sleeping in two days! What happened to you?" Sunod sunod ang naging pagsasalita ni Terie. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to. Nangunot ang noo ni Clark habang nakatingin sa kung saan ng magsalita si Terie, mukang nainis dahil kay Terie. "I should tell them that you're already awake!" Sabi nya habang nagtatype sa cellphone nya. Hindi na nya ko hinintay magsalita, iba talaga tong si Terie.

"You had the answer now, tsk!" Pagmamaktol ni Clark sa tabi ko, agad kong kinurot ang pisngi nya. Hindi ko alam pero cute na cute ako ngayon kay Clark. "Ouch!" Angil nya.

"Wag ka nga bumusangot jan, ok lang yun! Nag aalala lang din sila sakin." Inistretch ko ang pisngi nya pilit kong pinapangiti ang kanyang muka. "Smile babe! Didn't you miss me?" Tanong ko ng nakapout.

"I missh syou, hop corshe (i miss you, of course!)" salita nya habang batak batak ko pa din ang mag kabila nyang pisngi. Hinawakan nya ang mga kamay ko at dahan dahan inalis sa kanyang mukha. Kinulong nya sa kanyang mga palad ang dalawa kong kamay, tiningnan nya 'to bago tumingin saking muka. Nakatitig sakin ang kanyang mga mata. "I miss you! I miss you so much!" Sinsero nyang sabi. Napangiti ako dahil dun at ganun din sya. "I love you!" Sabi nya sabay taas saming kamay at halik sa aking mga kamay. Tiningnan nya ko habang nasa kamay ko pa ang mga labi nya. "I love you very much. And I can do anything for you" dagdag pa nya.

I'm His MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon