Chapter 14

165 4 0
                                    

Sharmaine POV:

Tulala akong nakatingin sa kisame, mejo masakit ang ulo ko pero agad akong napabangon ng may maalala ako.

"Mom! Mom!" Nagtatatakbo ako palabas ng kwarto. Binuksan ko ang kwarto ni mommy pero wala sya doon, agad akong bumaba ng hagdan para hanapin sya sa kusina panigurado kasing tumutulong sya sa pag peprepare ng breakfast.

"Bakit baby?" Lumapit sya agad sakin bago pa ko makalapit sa kusina.

"Si Clark mom! Nandito sya kagabi right?" Napahawak ako sa kamay ni mommy alam kong kitang kita na ang desperasyon sa mga mata ko. Nangunot ang noo ni mommy.

Hinawakan nya ang balikat ko, pinisil nya ako ng marahan doon. "Baby! Di pa nakakabalik si Clark. Wala pang balita sakanya." Malungkot na ngumiti sakin si mommy.

"No mom! Hinatid nya ko kagabi. I know! Sya yun." Umiling si mommy.

"May naghatid sayong lalaki kagabi Maine pero hindi yun si Clark. Sya pa nga ang nagdala sayo sa kwarto at parang alam na alam nya kung nasan ang kwarto mo. Pero kagabi ko lang sya na kita." May pagtataka sa mga mata ni mommy habang nakatingin sakin.

Bagsak ang balikat ko ng marinig ang mga sinabi ni mommy. "I thought, it's him!" Pahina ng pahina ang boses ko na para bang sarili ko na lang ang kausap ko.

"He said he's your friend." Nag angat ako ng tingin kay mommy. Nakakunot na ang aking noo.

"Sino daw po sya?"

"Stephan... Yeah! He said he's Stephan." Natigilan ako lalo sa narinig kay mommy. Panong si sir Stephan?

"Akyat lang po ako mommy!" Nahinto ako sa paglalakad ng tawagin ako ni mommy, pero nakatalikod pa din ako. Ayaw kong humarap kay mommy. Ayaw kong makita nyang umiiyak nanaman ako.

"Stop over thinking baby!" Mahina nyang sabi na parang ako lang ang nakarinig. Tumango lang ako at dumiretso na sa kwarto.

Umasa nanaman ako. Dumapa ako sa kama at doon umiyak ng umiyak.

"What are you doing?" Hindi ako lumingon sa kanya. Pinagpatuloy ko lang ang pag buburda.

"Secret!" Natatawa ko pang sabi.

"You're keeping something to me now huh!" Narinig kong palapit na sya kaya agad kong pinasok sa drawer ang ginagawa ko.

"It's my surprise for you!" Nakanguso akong humarap sakanya. Nakita kong napakagat labi sya parang pinipigil ang ngiti. Pero bakit di ko makita ang mukha nya. Alam kong nakakagat labi sya pero Hindi ko makita ang mukha nya.

"How sweet of you my love!" Nakangiti na sya pero wala pa din akong maaninag na muka. "Come here!" Ibinuka nya ang kanyang mga braso parang sinasabing lumapit ako sakanya upang mayakap sya. Di na ako nag dalawang isip pa at agad na lumapit sa kanya. Kinulong nya ako sa kanyang mga bisig. Umangat ako ng mayakap nya ako. Napapikit ako sa sarap ng pakiramdam sa kanyang mga yakap.

Naramdaman ko ang hangin na humahampas sa aking buhok, parang dumadaan kami sa hangin, alam Kong nagulo ang buhok ko. Dahil sa lakas ng hangin. Humiwalay sya sa pagkakayakap sakin. "Open your eye love!"

Marahan kong iminulat ang aking mata, mejo blurred ang paningin ko pero nakapag adjust din ng tumagal. Iginala ko ang aking paningin, nasa isang parang kami. Na maraming nagkalat na mga ligaw na bulaklak. Nakangiti akong lumingon sa kanya.

"Do you like here?" Nakangiti nya ring tanong. Agad akong tumango ng sunod sunod. Lumapit sya sakin, inayos nya ang magulo kong buhok.

"Where are we?" Tanong ko ng nakaupo kami sa ilalim ng puno. Nakatingin lang ako sa paligid.

"My safe haven!" Bigla syang humiga at umunan sa aking hita. "I love you Katrina!" Hinawakan nya ang aking pisngi. Napapikit ako sa pakiramdam ng kanyang mga palad. "Pls stay with me!"

"I love you more! I will, I promise." Sagot ko at hinawakan din ang kanyang kamay sa aking pisngi.

"I'm scared!" Inalis nya ang kamay sa pisngi ko at bigla syang bumangon, humarap sya sa parang malalim na nag iisip.

"Don't be! I know, he really love me. He won't force me." Humarap sya sakin. Nakatingala lang ako sakanya, ngumiti sya. Ngiting di mo kakikitaan ng saya. Ang mga berde nyang mata na punong puno ng kalungkutan.

Inabot ko ang aking kamay agad naman nya yung hinawakan at hinila ako patayo. Pinagpag ko ang palda ng magarbong gown na suot ko.

"Let's go?" Tumango lang sya sakin, agad nya kong kinarga, pumikit naman ako at pag mulat ng aking mata na kwarto na ako. Nasa tapat kami ng malaki kong salamin magulo ang buhok ko sya may mejo magulo din ang may kahabaan nyang buhok. Binaba nya ako mula sa pagkakakarga.

"Let's do it again next time?" Nakangiti kong tanong.

"Of course we will." Nagulat sya ng bigla kong gawaran ng munting halik ang kanyang labi pero agad ding nakabawi at ngumiti ng matamis. "You're so silly huh!"

Mahinhin akong napatawa. "Only with you!"

"I'll go now!" Tumango lang ako. At kumaway sa kanya. Isang katok ang nakapag palingon sakin sa pinto ng aking kwarto.

"Lady Katrina, Sir Sebastian want you to have a tea with him." Inayos ko ang sarili ko sa salamin.

"Tell him I'm coming." Magiliw kong tugon rito.

Nakita ko pa sa repleksyon mula sa salamin ang lalaking kasa kasama ko kanina na nakatingin din sakin. Unti unting nawala ang ngiti sa kanyang labi at malungkot na mga mata ang natatanaw ko mula rito. Nawala ang ngiti sa aking labi. Para bang naunawaan ko ang kalungkutan mula sa kanya.

Ngumiti ito bago tuluyang tumalikod at nawala ng mabilis saking paningin.

"Baby! Kakain na tayong lunch, labas ka naman na jan. Sabayan mo si mommy!" Boses at katok ni mommy ang narinig ko ng magmulat ako ng mata.

Bumangon ako sa pagkakahiga, lumapit ako sa salamin at pinakatitigan ko ang aking repleksyon. Dinama ko ng aking palad ang aking pisngi. "Katrina!" Bulong ko habang nakatingin sa aking repleksyon. Ako ba sya?

Baka naman reincarnation ko sya.

"Baby?!" Tawag muli ni mommy.

"Yes mom! Lalabas na po ako."

"Good! I'll wait for you downstairs." Masayang sagot ni mommy. I heave a deep sigh bago lumabas ng kwarto. Nababother na ako sa mga napapanaginipan ko.

I'm His MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon