Chapter 10

185 5 0
                                    

Sharmaine POV:

Hihikab hikab akong naglalakad sa hallway kasama si Terie na walang katapusan sa pagkukwento ng kung ano anong mga bagay na di ko na maintindihan.

Pagkatapat namin sa aming room, walang pagdadalawang isip Kong ipinihit ang seradura, biglang tamahimik ang paligid ng tuluyan Kong mabuksan ang pinto, nagtataka akong napatingin sa aking mga kaklase. Alanganin akong napakamot sa aking sintido.

"Good morning sir!" Magalak na bati ni Terie sa aking likuran na syang naging dahilan para mapansin ko ang aming lalaking guro sa unahan. Natigilan ako ng magtama ang aming paningin, hindi ko alam kung guni guni ko lang o naging pula talaga ang mata ni sir. Kinusot kusot ko pa ang aking mata at ng pagtingin ko kulay berdeng mata ng lalaking guro na NASA harapan ang aking nakita, napailing na lang ako sa aking imahinasyon.

"Good morning" nakangiting bati ng guro na bago lang para sa aking paningin.

"I told you! Our new instructor is oozing hot!" Humahagikhik pa si Terie at may pag pisil pa sa aking tagiliran na naging dhilan ng bahagya Kong pagliyad.

Tumikhim muna ako bago bumati sa aking guro at humingi ng pasensya dahil sa pagiging late namin sa kanyang klase. Pinaupo naman kami agad sa aming upuan at nagpatuloy sya sa pag roroll call sa klase.

"What's your last name miss?" Tanong nya ng nakatingin sa bandang direksyon ko, napalingon ako sa likod ko at balik sa kanya baka Hindi ako ang tinatawag magpaka feeling pa ko. "You miss, the late comer" agad akong napayuko dahil sa hiya at kabang di ko alam kung bakit nararamdaman ko. Kanina pa ito parang ang bigat ng pakiramdam ko simula ng papalapit na kami sa classroom.

Agad akong tumayo, tumikhim muna ako bago sumagot. "Lascanio sir! I'm Sharmaine Lascanio Sir" nahihiya ko pang sagot, ipinaling ko agad ang aking paningin sa ibang direksyon pero nakita ko sa peripheral vision ko ang bahagyang pagkurba ng kanyang labi sensyales na sya'y ngumiti.

"You may have your sit miss Lascanio" umupo naman ako pagkasabi ni sir, nagpatuloy sya sa lesson nahindi daw nila natapos last meeting which was absent ako. Buong klase akong nakayuko lang sa upuan ko, kelan pa napalitan ang instructor namin sa litterateur na si sir Villar. Tanong ko sa isip ko habang nagkaklase ang bago naming guro.

Kinuha ko na lang ang notebook ko para naman may mailecture ako kahit wala ko maintindihan sa dinidiscuss, sinusulat ko lang lahat ng sinusulat ni sir sa white board habang nagsasalita naman sya titig na titig ako sa kanyang mukha, mukang nasa early 20 pa si sir mga 23 or 24 yata, matikas ang pangangatawan, mukang may lahi dahil sa physical features nya na may pagka European, mataas din siyang lalaki halos makapantay na nya ang white board sa room, siguro nasa 6'3 o higit pa ang taas nya. Biglang akong napaiwas ng tingin ng magtama ang aming mga mata, hindi ko alam pero may hatid na kiliti sa puso ko ang presenya nya lalo na ang kanyang mga titig. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa pag susulat nao-awkwardan na ako kay sir, hanggang sa biglang nagring ang bell senyales na tapos na ang isang subject.

"So, let's end this for today, good bye everyone." Paalam ng aming guro. Nahuli ko pa ang pagsulyap nyang muli sakin, hindi na ako umiwas kaya't nginitian ko sya ng bahagya. Tumango naman sya. Ipinagpatuloy nya ang pag aayos ng kanyang gamit sa teachers table.

"Sir, sana kayo na lang professor namin sa lahat ng subject ang galing nyo mag turo at nakakainspire din pag kayo ang instructor" naghagikhikan ang grupo nila Gwen sa unahan, nagpapacute pa sa bago naming professor.

Natawa ng saglit ang aming guro bago binalingan sila Gwen. "That's too much miss Alvarez, what will happen to the other professor if I'll handle all the subject" sakay naman ng guro kila Gwen, nakangiti pa ito. "And beside, I can't handle it all especially the number of student here in your school. 4th yr's are too many to handle,.... I'll go now, enjoy your vacant." Nakangiti pang paalam ni sir. Paglabas ng aming guro agad namang nag ayos ng gamit sila Gwen, nakalabas na pala ang iba naming mga kaklase iilan na lang kami dito sa room.

"Hey! Starstruck??" Tatawa tawang pangungulit ni Terie, nakalapit na pala sakin kanina pa. Pinag mamasdan nya lang ang kilos ko o mas tamang sabihing pinagmamasdan nya lang ang pag subaybay ko sa galaw ng aming guro. "Sir Stephan is so hot, right?" Napailing na lang ako sa kakulitan nya. "Admit it! Hahaha, he's a Greek god! He's a fallen angel. He's so gwapo and so yummy! Gush!!" Kinikilig pa nyang pagpapantasya Kay sir.

"So, he's sir Stephan? Kelan pa sya pumalit Kay sir Villar?"

"Last week? Ahm, I think Thursday! Your absent that day because your so busy with your little anniversary celebration, wait! Where did you celebrate that?" Namewang pa sya sa harapan ko, actually di naman ako nag celebrate, I just made myself waisted. I want to forget for a while my agony. Iniwas ko ang paningin ko at nag lakad na ng dirediretso. Hinabol ako ni Terie at basta na lang nya ko hinila sa braso. "Wait!"

"What's happening?" Napaangat ang paningin ko sa nagsalita sa unahan ko. Biglaan pa akong napahawak sa aking dibdib dahil sa di ko maipaliwanag na pagtibok ng aking puso. Napahugot ako ng malalim na hininga. Nakatingin lang ako sa kanyang mukha, sa mga labi pataas sa ilong hanggang sa magtapat ang aming mata. Hindi ko alam kung bakit pero may lungkot akong nakita doon.

"Gush! Girl, it's good that I grabbed you, or else you'll bump sir Stephan" bulong ni Terie na nakapagpalingon sakin sakanya. Bumalik ang tingin ko Kay sir at parang noon pa lang nag sink in sakin, dali dali akong napayuko at humingi ng paumanhin Kay sir.

"It's ok, next time watch your way, ok?" Naramdaman ko ang pagpatong ng palad ni sir sa ulo ko, tinap nya ako doon. Nag angat ako ng paningin at nakangiti nyang muka ang sumalubong sakin, uunti unting napalis ang kanyang ngiti, ang kamay nyang nasa tuktok ng aking ulo ay marahang dumudulas pababa hanggang sa bigla nyang inipit ang ilang hibla ng aking buhok sa aking tainga. Nagulat ako kaya napaatras ako ng kaunti palayo sakanya, mukang nabigla din sya sa naging galaw ko kaya parang napaso ang kamay nyang inilayo sakin.

May tumikhim sa tabihan ko saka ko lang naalala si Terie na nasa tabi ko. "Ahmm sir....." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko kasi di ko naman alam ang sasabihin ko. Parang nawiwirduhan ako sa sarili ko.

"I'll go ahead!" Dali dali nyang sabi at binagtas ang kasalungat na direksyong dinadaanan namin ni Terie. Hinabol na lang namin sya ng tingin ni Terie.

"Wow!....." Namamanghang komento nya. "What was that? What's with the tucking of hair?..... Do you know each other Maine?" Naguguluhan pa nyang tanong, umiling lang ako. At inaya na syang pumunta sa canteen.

I'm His MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon