Sharmaine POV:
Huminga ng malalim ang lalaki, binitawan nya ng dahan dahan ang katawan ng babae, pagkatapos nun ang unti unting pagpihit ng ulo ng lalaki paharap sa likod nya, sa direksyon ko. Bago pa tuluyang makaharap ang lalaki biglang nabuwal ang inaapakan ko. "AAAHHHHHHHHH!!!!" nahulog ako. Nahuhulog ako sa isang madilim na lugar wala akong makita, sigaw ko lang ang naririnig ko. Pagbagsak ko napapikit ako dahil sa sakit, ang sakit ng balakang ko.
Pagdilat ng aking mga mata, nasa isang lugar na ako. Agad akang napatayo, parang kweba, hindi ko alam pero parang kakaiba ang pakiramdam ko. Meron sa akin na nasasabik, pero meron ding nangangamba. Panaginip pa ba to? Kinurot ko ang aking sariling pisngi. "Aahh!! Shit!" Parang totoo na. Bakit ako napunta dito? Nilibot ko ang aking paningin may mga stalactites at stalagmites sa paligid, mukang matanda na ang kwebang ito.
Nag sleep walk ba ako kaya ko napunta dito? Pero san ako dumaan? Humanap ako ng lugar na pwede kong pagdaanan pero wala naman maliban sa butas sa taas. Ano yun! Nalaglag ako dun?
Naglakad ako ng naglakad nagbabakasakaling may makita akong pwede kong labasan, buti nasa bulsa ko ang celphone ko pero walang signal. Binuksan ko ang flashlight nito at ginamit ko sa aking paglalakad, may nakita akong parang kweba, maliit lang ang daanan parang kasya ang dalawang tao para makadaan. Pumunta ako sa direksyon ng lagusan na iyon, baka andun ang daan palabas.
Habang nag lalakad ako, may nakita akong mga makakapal kadena na parang kulay silver, nakabaon sa lupa ang mga kabilang dulo nito. Sinundan ko kung san matatapos ang kadena at isang malaking pader ang sumalubong sakin sa dulo. Sa gitna ng pader may itim na malaking kahon na parang ibinaon doon, at ang mga kadena ay nakapulupot sa kahon. Para bang may itinago dun na sobrang importante kaya ganun na lang ang pag kakatago dito. Lumapit pa ako para mas makita ng maayos ang kahon, parang may kakaiba sa kahon na syang nagpatibok ng sobra sa puso ko habang papalapit ako ng papalapit, parang may something talaga sa loob nito. At dahil sa mas naku curious ako, mas lumapit pa ako sa kahon.
Ng abot kamay ko na ang kahon, napansin ko na puro alikabok ito kaya hinipan ko, nag liparan naman ang mga alikabok, cough! Cough! Cough!. Inaninag kong maigi ang kahon, hindi ito gawa sa kahoy parang gawa ito sa marmol. Napansin ko na may nakaukit dito, dahil sa hindi pa masyadong naaalis ang mga alikabok, hinawi ko ito ng aking kamay. "Aray!" Nasugatan ako sa aking kamay tatlong mahabang sugat sa aking kamay, hindi ko naman alam na may matatalim palang part ang kahong ito, hindi kasi kita kasi maliliit. Winisik wisik ko ang aking kamay dahil sa pag hapdi, tumutulo na ang dugo.
Nawala ang atensyon ko sa aking kamay ng may marinig akong tunog, tumingin ako sa kahon, para bang lumuluwag ang pagkakaikot ng kadena dito, napansin ko din na yung mantsa ng aking dugo sa kahon ay para bang sinisipsip nito pataas, sinundan ko kung san pupunta ang dugo. Nahinto ito sa gitna ng kahon kung saan parang may kulay pulang ruby na nakalubog dito, nawalawa ang mga alikabok at parang kumintab ang itim na kahon, doon ko nakita ng malinaw ang mga nakaukit dito. όπως μου μετανόησε για την αμαρτία μοu Θέλω να φυλακίσει για πάντα τον εαυτό μου όπως μου μετανόησε για την αμαρτία μου Εγώ ο Stephan Cometes Salvatour δεν θέλουν να στερηθούν την αγαπημένη μου. *ßtátø šçråńtîmun büéñætērä* ha? Ano ito? Alibata ba to? O ano? Wala kong maintindihan.
(Translation: As a repent for my sin, i want to imprison forever. I Stephan Cometes Salvatour don't want to live without my beloved. *forbidden spell*[a/n: gawa gawa ko lang po yung forbidden spell di ko din alam meaning nyan hahaha, but i made my own meaning of that so wait for it ^_^])
Nagliwanag ng mapunta sa ruby ang dugo. Nakikita kong unti unting nagkakalamat ang ruby hanggang sa mabasag na ito ng tuluyan. May narinig akong lumagitnit para bang nagbubukas na pinto, at habang nakatingin ako sa kahon nakita ko na may lumalabas na usok sa gilid nito. Habang nakatitig ako sa kahon at hinihintay ang susunod na mangyayari. Parang unti unting lumalabo ang paningin ko, kinusot kusot ko ang aking mata pero ganun pa din. Nahihilo na din ako at parang nanlalambot ako. Napakapit ako sa kahon ng muntik na akong matumba, may naramdaman akong parang tumibok pero di ko na inintindi iyon dahil sa nararamdaman ko sa aking sarili at hanggang sa tuluyan na akong bumagsak kasunod ng pagdilim ng aking paligid.
BINABASA MO ANG
I'm His Mate
VampirgeschichtenThis is my life, this is how I live. I suck blood to fill my thirsts. I used to live alone. But everything change, when she wake me. My love story starts to begin AGAIN. I am STEPHAN COMETES SALVATOUR her VAMPIRE MATE.