1. MOTORSIKLO

374 6 0
                                    

1

Motorsiklo

Ala-una ng madaling araw, madilim ang kalsada, ang tanging ilaw na lumiliwanag ditto ay ang mga ilaw sa poste at mga makukulay sa mga nakahelerang establisamento. Kaunti na lang ang bumabiyaheng sasakyan kaya sa mga oras na iyon kaya Malaya siyang magpatakbo ng bilis sa gitna ng kalye.

Nakakabingi ang ingay ng motorsiklo kapag mabilis ang takbo nito, pero hindi lingid sa kanya ang kaingayan dahil ang importante sa kanya ay ang makapagpatakbo ng mabilis. Nagulat siya ng may isang lalaking nagover take sa kanya. Tumawa ng tumawa dahil nauunahan na siya nito. Pero hindi siya nagpatalo rito, pinihit niya ng mabuti ang kanyang motorsiklo at saka nagpaandar nng napakamabilis, mas mabilis pa sa inaakala nilang kayang gawin. Hanggang sa hindi niya na macontrol ang kabilisan nito at hindi niya napansin na may isang malaking truck na pala ang hahara sa dadaan niya. Tumilapon siya kasama ang kanyang motorsiklo at ang mga sumunod non ay hindi niya na alam

Seventeen years ago...

Sakay ng kanyang bike ay pinagmamasdan niyang isang batang lalaki at batang babae na naglalaro sa may dalampasigan. Pinaandar niya ang kanyang bike at lumapit sa mga batang naglalaro.

"Leo, halika na, pupunta daw tayo sa office ni lolo." Tawag niya sa batang lalaki.

"Sabihin mo sa kanila kayo na lang. Naglalaro pa kasi kami ni Enyang."

Si Enyang, isang maitim at matabang batang babae na laging kalaro ng pinsan niyang si Leo. Mula ng makilala ng kanyang pinsan si Enyang ay hindi na sila palaging naglalaro. Bakasyonista lamang sila sa lugar na iyon at naiinis siya na sa isang buwang pananatili niya sa Ilocos ay hindi sila makakapaglaro ng paborito niyang pinsan. Hindi niya alam kung anong meron sa maitim at matabang bata na iyon na tinatawag niyang porkchop at gustong-gusto siyang kalaro ni Leo.

Umalis na lang siya sa lugar na iyon dahil sa sama ng loob sa pinsan at sa batang kalaro nito.

Kinabukasan non ay nagba-bike siya sa village nila ng makita niyang muli si Enyang dala ang kanyang kariton ng puro kaning baboy at kanyang manika. Nakahinto siya sa isang bahay sa village. Naisip niyang asarin ang bata kaya mabilis niyang pinatakbo ang kanyang bike palapit ditto, "Hoy Porkchop!" tawag niya sa bata.

Napalingon si Enyang sa kanyang sabay niyang inisnatch ang manikang hawak nito. Nagsimulang mag-iiyak si Enyang at tinawag ang kuya niya na nasa loob ng bahay.

"Kuya si Jennifer.."

Mabilis siyang hinabol ng kapatid nito na sa tingin niya ay sampung taong gulang lang, tumawid siya ng kalsada kaya tumawid din ang batang lalaki pero di nila napansin na may mabilis pala na sasakyan ang paparating at nabannga nito ang kapatid ni Enyang.

Napasigaw si Enyang nang makita nahandusay sa kalsada ang duguan niyang kapatid, lumapit ito agad sa kuya niya at nag-iiyak. Napahinto siya nang makita ang duguang bata, hindi niya alam ang gagawin kaya inihagis niya ang manika ni Enyang sa mabilis na umalis sa lugar na iyon.

Bigla niyang naumulat ang kanyang mga mata pagkatapos mapanaginipan ang mga panyayaring iyon. Sa pagmumulat niya ay nakita niyang nakatayo sa tabi niya ang kanyang pinsan na si Leo.

"At last nagising ka na, alam mo bang five days ka ng tulog?"

ENYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon