11
Litrato
Agad namang sinagot ni Jason ang email sa kanya ng pinasan,
Nabasa ko ung email mo, ano pa nga ba ang magagawa ko? In love ka nga talaga.buti naman at nakita mo na siya at sana nga panghabang buhay na yan. Para di ka nam amadepressed uli. Pards sandali na lang makakabalik na rin ako riyan at sa pagbalik ko ay ipakilala mo naman ako sa chick mo. Teka alam mo yang GF mo parang may kahawig, hindi ko na nga lang matandaan kung isno, baka isang artista before. Pero she's impressive. Maganda siya, bagay ko. Congratd repapips.
Nakaupo sa harap ng salamin si Karen nang pumasok sa loob ng kuwarto niya niyakap siya sa may likuran, "Tama na yang ayusan, hindi mo na kailangan niyan."
"Ano ka ba gusto ko lang naman kasing maging presentable sa harap bng nanay ko. Maganda ka talaga even without make up."
'Yan ang gusto ko sayo eh, minsan nauuto mo ako."
Kinuha ni Karen ang isang kamay ni Jason na nasa balikat niya at hinawakan ito.
"Ang lamig ng kamay mo, baby ah."
'Kinakabahan ako, baka kasi di nila ako magustuhan."
"Magugustuahan ka ng mga yun, just think positive okey?"
"Masungit ba ang mama mo?" tanong niya sa kasintahan.
"You din't have to worry about my her, mabait ang nanay ko."
"eh ang ate mo?"
"Yun ang medyo masungit, pero lilipas din yun." Hinawakan niya ang kamay ni Karen, "Wala naman akong pakialam kung magugustuhan ka nila o hinhdi, basta ako, ako na ang pinakamasayang tao dahil kasama kita." Hinalikan niya sa labi si Karen, "At walang makakapaghihiwalay sa atin, promise."
Nagpaluto ng Kare-kare at embutido si Helga para sa kanyang bisita.
Habang sumusubo ng pagkain si Karen ay naiilang siya sa titig sa kanya ng ina ng boyfriend niya, "Kaya pala gustong-gutso ka ng anak ko, napakaganda mo at mabait ka."
Ngumiti si Karen, "Salamat po."
"I told you ma, di ba tama ako." Sabi ni Jason sa kanyang ina.
"Taga-saan ka ba?" tanong ni Jana kay Karen.
"Dati po akong taga Ilocos, pero bata pa lang ako ay umalis na po ako ron. Actually, noong huling punta ko run nalaman kong ginawa na palang main road yung dating tinitirhan naming ron."
Napatigil sa pagkain si Jason, naalala niya na nagging main road na rin ang dating pinagtitrhan nila Enyang.
"Nasaan ang pamilya mo?" tanong muli ni Jana.
"Sa pagkakaalam ko po natuloy na sa Amerika ang nanay ko, hindi ko na rin po alam kung saan na nakatira ang mga kamag-anak ko."
"Wala kang pamilya, eh paano ka nakapag-aral?"
"Nanirahan po kasi ako noon sa DSWD, naging scholar po ako ng gobyerno." Paliwanag ni Karen sa kanila.
"Alam mo iha, weve bee in Ilocos din, malapit pa noon si Jason, pero ang pinsan niyang si Leo ang talagang taga roon at ngayon ay nasa Berlin na sila."
"Madalas nga pong maikuwento sa akin ni Jason ang tungkol sa pinsan niyang yun." Sabi ni Karen.
Pagkatapos kumain ni Karen ay palihim siyang kinausap ni Helga, "Natutuwa ako't napapaligaya mo ang anak ko."
"Mahal po kasi naming ang isa't isa."
"I'm starting to like you, iha."
'Naku maraming salamat naman po."
"May ipapakiusap lang sana ako sayo..."
Kinabahan si Karen, "Ano po yun?"
"Huwag mo sanang saktan ang anak ko."
"Po?"
"My son is so sensitive, ilang beses na nga siya naaaksidente dahil sa nasasawi siya. May tiwala ako sayo iha, dahil nararamdaman kong wala kang balak lokohin ang anak ko. Alagaan mo siya. Maasahan ko ba yun iha?"
Tumango si Karen, "Opo, maasahan niyo po."
"That's good iha, that's good."
Habang nakasakay sa kotse ay di umiimik si Karen, hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa siyang pagkatiwalaan ng ina ni Jason.
"Ba't ang tahi-tahimik mo? May problema ba?"
Umiling si Karen, "Hindi lang ako makapaniwalang na meet ko na ang pamilya mo."
"Talaga, wala ka bang kamag-anak man lang ito na pwedeng ipakilala sa akin."
'Wala talaga, noong bata kasi ako, ang tanging kamag-anak ko lang na nagmahal sa akin ay ang kuya ko."
Napatingin si Jason sa kanya, "Oh may kuya ka pala, nasaan na siya?"
"Bata pa lang kami ng namatay siya sa isang aksidente."
Biglang napapreno ng sasakyan si Jason.
"Oh bakit? Nasiraan ba tayo?" tanong sa kanya.
"Hi-hindi natapakan ko lang." At nirelease uli ni Jason ang preno, "Ang tragic pala ng nangyari sa kuya mo."
"Kaya nga ayoko ng maalala, gusto ko na itong makalimutan, kaya pasensya na kung magiging matipid ako tungkol sa mga nakaraan ko, tragic kasi. Napakasakit lang. Ang malas ko noh, namatayan ako ng kapatid, inabanduna pa ako ng nanay ko. Baby, ikaw na lang yata ang swerte sa buhay ko eh."
Kinuha ni Jason ang kamay ni Karen at hinalikan ito, "Wag kang mag-alala, pakukulayin ko ang black and white mong buhay."
"Yan ang gusto ko sayo, lagi mo na lang akong napapangiti, kaya mahal na mahal kita eh."
"Mahal na mahal na mahal din kita." Sagot ni Jason sa kanya.
Habang nasa opisina ay napasandal si Jason sa swivel chair napabalik muli sa isip niyang ang pagiging main road ng dating tinitirhan nila Karen at ang pagkamatay ng kuya ko. Karen, hindi kaya ikaw rin si Enyang. Napapikit si Jason, ayaw niyang mangyari yun. Kung magkataon masisira niya ang pinagako ni Leo kay Enyang. Ayaw na niyang mag-usisa pa kay Karen, natatakot kasi siya na baka totoo nga ang mga hinala niya sa babae. At kung ikaw nga si Enyang, mamahalin mo pa rin ba ako? Hindi Karen, hindi ikaw si Enyang, hindi ikaw si Enyang.
BINABASA MO ANG
ENYANG
RomanceTatlong katauhan na binigkis ng kanilang nakaraan. Ang isa ay may nais ituwid na pagkakamali, Isang may gustong balikan At ang isa ay pilit itong kinakalimutan. Paano nila haharapin ang kasalukyan kung nakagapos sila sa kanilang nakaraan? At… Paano...