16
Kuya
Di mapakali si Jason sa nadiskubre ni Leo. Tuwing nakikita niya tuloy si Karen ay nahihirapan siya, habang yata tumatagal ay bumibigat na ang mga kasalanan ko sa kanya, baka hindi niya na ako patawarin.
"Karen?" tanong niya sa katabi habang nagmamaneho siya pauwi sa bahay ni Karen, "Kailan ka nga palang huling umuwi sa Ilocos?"
"Huling umuwi? Kailan lang yun eh, mga magteten months ago, dinalaw ko yung puntod ng kuya ko. Matagal na din kasi akong di umuuwi non, mga ten years na rin, sabi ko kasi noon kay kuya, babalik lang ako ng Ilocos kapag may maipagmamalaki na ako sa kanya. Alam mo Jason, namimiss ko na si kuya, mula kasi ng baby ako at iniwan kami ng nanay naming, siya na ang nag-alaga sa akin, siya ang nag-aawat kay tiyong kapag pinapalo ako nito, tapos lagi pa niya akong binibili ng pagkain kapag nagugutom ako. Tapos si Jennifer, niregalo niya sa akin yun noong birthday ko. Nagtrabaho siya ng maige para mabili niya si Jennifer, alam niya kasing gustong-gusto ko yun. Kaya nga lang.... Kinabukasan non, iniwan niya na ako. Jason, hindi ko alam kung paano ko mapapatawad ang naging dahilan ng pagkamatay ng kuya ko." Naipreno bigla ni Jason ang sasakyan niya.
Napatigil siya sa pagmamaneho ng makita niyang umiiyak si Karen, "Dahil para na rin niyang inalis sa akin ang nag-iisang karamay sa buhay ko. Ang nag-iisang kakampi ko. Nong namatay siya, ni wala akong makapitan, nabuhay ako ng mag-isa ng di ko alam ang gagawin. Ang laking kawalan ng pagkawala ni kuya, Jason, parang nawalan ako ng buhay."
Napayuko si Jason, "I'm so sorry. I'm really sorry, Enyang, hindi ko ginustong mangyari yun."
Umiiyak pa rin na yumakap si Karen kay Jason.
Sa bahay ay magkatabi sa sofa sina Jason at Karen, kahit kapiling niya na si Karen ay di pa rin mawala ang kanyang takot na iiwan siya nito.
"Karen?" sabi niya sa kasintahan, "Will you marry me?"
Napatingin si Karen sa kanya, "Ha? Sigurado ka pa riyan?"
"Di ba sabi ko naman sa iyo noon, pakakasalan kita, ngayon gusto kong tuparin na ang mga sinabi ko sayo noon."
"Bakit?" tanong sa kanya ni Karen.
"Anong bakit? Mahal kita."
"Sige, I will marry you."
At niyakap siya ng mahigpit ni Jason.
"In love ka talaga. Seryoso dude, ikakasal ka na?" tanong ni Leo sa kanya.
"Oo nga sabi eh. Ayoko na ring pakawalan si Karen, dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala siya. siya ang buhay ko."
"Wow, pare ingat lang ha, bago sobrang masaya ka, masama yan sa puso mo."
"Sira ka talaga." Sumandal si Jason sa kanyang swivel chair at humilig, "Leo, paano kung yung taong mahal mo, mahal ng isang taong malapit sayo, magpapaubaya ka ba?"
"Kung siya ang mas mahal ng babae, at kung nakikita kong masaya yung babae sa kanya eh di magpapaubaya ako." Sagot ni Leo.
"Alam mo Leo, kung may isang bagay lang na magpapaligaya sa akin ng sobra-sobra, si Karen yun."
Nagtataka na si Leo sa mga sinasabi ng pinsan niya, "Ano ka ba tol? Alam ko naman yun eh. Obvious na obvious nga sayo."
"Pero hindi ko alam kung mapapatawad pa niya ako."
Napahinto si Leo, "May ginawa kang masama? Repapips nambabae ka ba?"
Umiling si Jason, "I'm sorry guys, I'm sorry sa inyong lahat." Tumayo si Jason sa kinauupuan niya at lumabas ng opisinang iyon.
BINABASA MO ANG
ENYANG
RomanceTatlong katauhan na binigkis ng kanilang nakaraan. Ang isa ay may nais ituwid na pagkakamali, Isang may gustong balikan At ang isa ay pilit itong kinakalimutan. Paano nila haharapin ang kasalukyan kung nakagapos sila sa kanilang nakaraan? At… Paano...