2. ILOCOS

230 6 0
                                    

2

Ilocos

"Five days?" napahinga siya ng maluwag "Ganon na ba katagal yun?"

"Oo, you've been comatose for five days. Buti nga nagising ka na eh, we all thought na matutuluyan ka na. Napauwi tuloy kami rito sa Pilipinas ng wala sa oras." Kwento ni Leo sa kanya, "Pangatlong aksidente mo na ito sa pagmomotor, at ayaw ka pa kunin ni Lord, bad ka kasi." Pagbibiro ni Leo sa kanya.

"Siguro nga, marami pa kasi akong kasalanan sa mundong ito." Seryoso niyang sagot.

Pinalo ni Leo ay balikat niya, "Hoy joke lang yun, sineryoso mo agad."

"Tol, napanaginipan ko si Enyang, napanaginipan ko ang pagkamatay ng kuya niya." napaiyak siya, "Gusto kong humingi ng tawad sa kanya, kahit di ko alam kung mapapatawad pa niya ako."

'Anong balak mo?" tanong sa kanya ni Leo.

"Hahanapin ko siya, luluhod ako sa harapan niya at hihinga ng tawad."

Nilabas ni Leo sa bulsa niya ang isang kwintas na may kalahating puso na pendant, "Baka makatulong sa iyo ito. " ibinigay niya iyon sa pinsan, "Na kay Enyang ang kalahati niyan, hanapin mo rin siya sa akin, gusto ko rin siyang makita, gusto kong tuparin ang mga ipinangako ko sa kanya, sabihin mo sa kanya na namimiss ko na siya."

Tumango siya sa ipinagbilin ng kanyang pinsan sa kanya.

Pagkalabas niya sa hospital ay hinintay niya lang magkaroon siya ng lakas at nagpunta na agad siya sa Ilocos para hanapin si Enyang. Agad niyang pinuntahan ang lugar na pinagtitirhan nila Enyang noon, pero wala na siyang makitang bahay doon kundi isang maayos na kalsada. Ang sabi ng mga taga roon mahigit sampung taon na ang nakakaraan ng pinaalis ng gobyerno ang mga nakatira sa lugar na iyon. Hindi na nila alam kung saan na nakatira ang mga dating nandoon dahil ang pagkakaalam nila ay binigyan ang mga dating nakatira roon ng pera ng gobyerno para lisanin nila ang lugar. Pinagtanong-tanong din niya kung may kilala ang mga itong Enyang, merong ibang nakakakilala sa kanya dahil kinukuha ni Enyang ang mga kaning baboy nila noon pero wala na silang balita tungkol sa bata. Dumating na lang ang isang araw na wala ng kumukuha ng kanin baboy sa kanila.

Nagpunta siya sa Pagudpod, ang lugar na laging pinupuntahan nila Leo at Enyang noon, umaasa siya na baka doon ay makita niya si Enyang. Sa isang resort ay nakita niya ang isang babaeng waitress na mataba at maitim. Inisip niya na baka iyon si Enyang kaya nilapitan niya ang babae.

"Yes po?" tanong ng waitress sa kanya.

"Am... ikaw ba si..."

"Sino po?" tanong ng babae sa kanya.

Tinawag ng kasamahan niya ang waitress, "Hoy Lourdes hinahanap ka sa kusina."

"S-sige po." At nagbalik ng kusina ang waitress.

Nanatili muna siya sa dalampasigan upang pagmasdan ang dagat. Yun ang madalas gawin nila Enyang at Leo noon kaya rin siguro nagustuhan nila ang isa't isa.

Minsan nga kahit anong yaya niya noon kay Leo na makipaglaro sa kanila ay di pumapayag si Leo hangga't hindi nila sinasali si Enyang. Paboritong kalaro ni Leo si Enyang, kaya hindi talaga mapapantayan ang malalim na pagkakaibigan nila noon.

Matagal na rin siyang di nakakadalaw sa puntod na iyon, mahigit na labing limang taon na rin. Malaki na ang pinagbago niya mula ng huli siyang tumuntong sa lugar na iyon.

"Si Karen ito..." ang sabi niya sa puntod "Pasensya na ha, ang tagal ko ring di nakadalaw sayo. Sabi ko naman sayo di ba? Babalik lang ako rito kapag natupad ko na ang mga pangarap natin. Alam mo, nakagraduate na ako ng college at nagtatrabaho na ako sa isang malaking hotel sa Maynila. Ang ganda-ganda ng hotel na yun, kung nabubuhay ka lang sana bibilib ka rin siguro sa akin. Pero bakit ganon kahit gaano katagal na yun, ditto ko pa rin makalimutan ang sakit ng pagkawala mo. Siguro dahil hindi ko pa rin siya mapatawad. Ang hirap naman kasi niyang patawarin eh, pero sabi nila, gusto ng Diyos na magpatawad tayo na parang imposible naman sa akin. Kaya nga ang lagi kong ipinagdarasal sa kanya, kung talagang gusto niyang magpatawad ako, gawin niyang madali at bukal sa loob kong gawin yun. Siya na ang gumawa para makapagpatawad na ako." Pumatak ang luha sa mga mata ni Karen, "Naiiyak na tuloy ako, namimiss na kasi kita eh. Teka, naaalala mo pa ba si Jennifer, namimiss ka na rin kasi niya. wag kang mag-alala lagi ko siyang inaalagaan. Siyempre alam ko namang pinaghirapan mong bilhin yun para sa akin. Baka matagalan na uli bago ako makabalik kailangan ko kasing magtrabaho. Mahal na mahal kita, kuya."

Sa Berlin nag-aaral ng Master Degree si Leo, kasa-kasama niya roon ang kanyang pamilya mula ng umalis sila ng Pilipinas noong eight years old siya. habang nag-aaral siya sa kanyang kuwarto ay naalala niya si Enyang.

Naglalaro mag-isa noon si Leo sa garden nila sa Ilocos nang pumasok si Enyang sa gate nila. Nilapitan niya ang batang si Enyang at tinanong kung ano ang ginagawa nito.

"Kumukuha kami ng kaning baboy ng kuya ko." Sinilip ni Enyang ang maliit na playground sa may garden nila Leo, "Ang ganda-ganda."

"Gusto mong mag-laro." Niyaya ni Leo si Enyang sa swing.

Tuwang-tuwa si Enyang sa swing, hindi naman kasi siya madalas nagsiswing, "Ang sarap, parang lumilindol."

"Ano palang pangalan mo?" tanong kay Enyang.

"Enyang." Ang sagot nito.

"Enyang, ako pala Digoy."

"Digoy, ang laki-laki naman ng bahay niyo, bahay naming maliit lang eh. Saka walang swing, pero okey lang kasi malapit naman kami sa tabing dagat, masarap maglaro ron."

"Talaga?"

Tumango si Enyang, "Lagi nga kaming andoon ng kuya ko kapag lulubog na ang araw, ang ganda-ganda kasi."

"Sige, paglulubog ang araw pupunta ako sa beach... magkita tayo ron ha."

"Sige." Ilang sandali pa ay tinawag na si Enyang ng kuya niya kaya lumabas na sila sa mansion na iyon.

Napapangiti si Leo tuwing naaalala niya ang mga masasayang alaala nila ni Enyang. Lagi nga niyang iniisip kung kamusta na ito dahil alam niyang labis na nasaktan ito ng namatay ang kapatid niya at nagiguilty siya dahil wala siya sa tabi ni Enyang ng mga oras na iyon.

Napatingin siya sa bintana habang binabadbad ang daan paluwas ng Maynila, bigo siyang makita muli si Enyang at ang humingi ng tawad ditto. Napapikit siya at tahimik na nanalangin, Diyos ko po, kung ipagkakaloloob niyo pongmagkita kami muli ni Enyang at makahingi ng tawad sa kanya. Kayo na po ang gumawa ng paraan.

Lingid sa kanya ay nasa harapan niya si Karen na nakatingin rin sa bintana ng bus.

ENYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon