7
Bulaklak
Napatingin si Karen sa bintana niya nang marinig na may kumakatok ditto. Kaliligo lang niya para pumasok sa trabaho tapos may isang taong ang aga-aga pa lang ay dumadalaw na. Nagulat siya ng makitang si Jason ang nasa labas ng gate at may dala-dalang bulaklak. Hindi pa nakasuklay ang buhok ay lumabas siya at hinarap si Jason.
"Hoy ang aga mo namang dumaan ditto."
"Gusto ko kasi ako ang unang taong masisilayan mo sa umaga." Nakangiting sinabi ni Jason sa kanya.
"Oo nga noh, hindi pa ako nakakapagsuklay nagpapakita ka na sa akin."
Inabot sa kanya ni Jason ang bulaklak.
"Nag-abala ka pa." Kinuha ni Karen ang mga bulaklak, "Salamat ha. Pasensya na, paalis na rin kasi ako eh."
"Alam ko kaya nga ako nandito para ihatid kita."
"Ihahatid mo ako." May panghihinala sa mukha ni Karen.
"Don't tell me, nanghihinala ka pa sa akin, pagkatapos kita iuwi ng lasing kagabi na walang nangyari sa atin saka mo pa ako pag-iisipan ng ganyan."
"Ganon? Malay ko ba kung teknik mo yan para pagsamantalahan ako. Baka mamaya iligaw-ligaw mo ako sa daan."
"Hindi ko kayang gawin yun."
"Paano kung gawin mo? Sorry Jason ha, pero hindi pa kasi ganon kalubos yung tiwala ko sayo. Sana maintindihan mo."
Tumango si Jason, "Okey, bahala ka."
"Sige. Baka may lakad ka pa." Bumalik si Karen sa loob ng bahay niya.
Habang nakasakay sa dulo ng jeep si Karen papasok ng hotel ay namataan niya sa fron mirror ng jeep ang kotse ni Jason nag-overtake para sundan ang jeep na sinsakyan niya.
Napangiti siya nang makitang nakasunod sa kanya ang kotse, hindi niya alam kung bakit siya napangiti, pero yun ang nararamdaman niya.
Pagbaba ni Karen sa harapan ng hotel ay saka ring pagpark ni Jason sa sasakyan at bumaba siya upang lapitan si Karen.
"Hanep ka rin noh. Hanggang ditto sumusunod ka, aba, dinaig mo pa yata ang anino ka."
"Eh nagworry lang naman ako, baka kasi kung mapaano ka." Sagot ni Jason
"Ganon? Eh mukha ngang mas delikado ako sayo. Hindi kaya?"
"Hindi ko pa ba yan napatunayan sayo kagabi? Paano? Mamaya naman sunduin kita?" tanong ni Jason sa kanya.
Umiling si Karen, "Hindi pa rin." At pumasok sa hotel si Karen.
"Ang kulit din niyang manliligaw mo noh, araw-araw kayang di tinatantanan."
Napatingin si Karen sa labas ng hotel kung saan nakatingin sa kanya Jason habang nakasandal ito sa sasakyan niya.
"Oo nga eh, mukha na ngang tanga." Sabi ni Karen sa kasamahan.
Paglabas ni Karen sa hotel ay nagulat siya kung bakit di niya nakita ang sasakyan ni Jason. Hmp, napapagod din pala siya eh.
BINABASA MO ANG
ENYANG
RomanceTatlong katauhan na binigkis ng kanilang nakaraan. Ang isa ay may nais ituwid na pagkakamali, Isang may gustong balikan At ang isa ay pilit itong kinakalimutan. Paano nila haharapin ang kasalukyan kung nakagapos sila sa kanilang nakaraan? At… Paano...