12
Check In
"Good Evening sir, welcome to..." napangiti si Karen nang makitang si Jason ang nasa harapan niya.
"J-jason, ang aga mo naman, may trabaho pa ako."
"Alam ko, magchecheck in ako."
"Hindi nga?"
"Totoo, nagpareserve na ng ako ng isang kuwarto rito."
"Pero bakit?"
"Anong bakit? Sa gusto kong magcheck in ditto eh, I-accommodate mo naman ako. Baka naman gusto mong ibigay na sa akin yung susi ng kuwarto, at gusto ko na munang magpahinga."
"Sandali nga lang, hay naku nakakatawa ka talaga. Pinasok niya sa computer ang pagchecheck in ni Jason at saka ibinigay ang susi ng kuwarto."
"Ayun akala ko di mo ibibgay eh. Hihintayin kita ron ha."
Napangiti si Karen, 'Hay sira ka talaga."
Kinurot niya ang pisngi ng kasintahan at kinindatan ito.
Pumipito-pitong lumabas ng shower room si Jason tapi ng tuwaly ang may kumatok sa pintuan niya. Mabilis siyang nagpabango at tumungo sa pintuan at binuksan ito.
Pagbukas ng pintuan ay andoon na si Karen, "Wow, ang bango mo naman."
Agad siyang binuhat ni Jason at inihiga sa kama.
"Alam mo mister, high class hotel po ito at hindi motel."
"Pangako ko sa sarili ko noon ay sa napakagandang hotel ko dadalhin ang babaeng pakakasalan ko" sabi ni Jason sa kanya.
"Teka, pakakasalan?"
"Karen, gusto kitang pakasalan. Ikaw ba, gusto mo din ba yun?"
"Gustong-gusto ko ng sobra."
At pinaghahalikan niya si Karen.
Napangiti si Karen nang makitang mahimbing pa rin ang tulog ng kanyang katabi. Kinuha niya ang tuwalyang nasa side table at itinapi iyon sa katawan niya.
Dinampot niya ang mga damit niyang nasa sahig at saka nagtungo ng banyo.
Sa banyo ay nakita niya rong nakasabit ang pantaloon ni Jason, itinabi niya upang isabit din ang kanyang damit ng may malaglag mula sa bulsa ng pantaloon.
Pagkakita niya sa sahig ay nagulat siya ng Makita niya ang kuwintas na bigay sa kanya ni Digoy.
"kahit saan tayo magpunta itong dalawang puso lang na ito ang magmamatch." Idinugtong ni Leo ang dalawang pendant.
Kinuha agad ni Karen ang kuwintas sa bulsa ng uniporme niya at pinagdikit ang dalawang puso, namangha ng makita niyang nagmatch ito
"Kapag lumaki na tayo ito ang magiging identification natin para makilala natin ang isa't isa."
"Ah... tapos anong mangyayari kapag nagkita na tayo paglaki natin."
"Eh... di hindi na tayo maghihiwalay forever!" sagot ni Leo.
"Promise?"
"Promise!"
Hunalikan ni Karen ang dalawang kwintas, "Jason, hindi ako makapaniwalang ikaw si Digoy."
BINABASA MO ANG
ENYANG
RomanceTatlong katauhan na binigkis ng kanilang nakaraan. Ang isa ay may nais ituwid na pagkakamali, Isang may gustong balikan At ang isa ay pilit itong kinakalimutan. Paano nila haharapin ang kasalukyan kung nakagapos sila sa kanilang nakaraan? At… Paano...