5. CLUB

147 5 0
                                    

5

Club

Sabay silang napatingin sa pinanggalingan ng sigaw na yun. Parehong bumilis ang tibok ng kanilang dibdib pagkarinig ng sigaw na iyon.

"Enyang, ano ba? Ang bagal-bagal mo." Sabi ng isang may edad na babae sa kasama niyang mukhang teenager na alalay.

Napahinga ng maluwag si Karen at napatingin kay Jason.

"Grabe naman yang babaeng yan, sinisigaw-sigawan ang alalay niya at gusto pa niya yun ipakita sa mga tao. Ang antipatika naman niya." sabi ni Jason napangiti si Jason ng mapansing nakatingin sa kanya si Karen, "Ba't mo ako tinititigan?"

'Ang kapal namang ng mukha mo, hindi ka naman masyadong kaguwapuhan sa sinabi mong yan." Paalis na sana si Karen pero pinigilan siya ni Jason.

"Uuwi ka na ba, ihahatid na kita."

"Hindi, hindi pa ako uuwi saka ayokong maghatid, anong akala mo sa akin ha? Bale? Magpapahatid ako sayo." Pipigilan pa sana ni Jason si Karen pero bigla itong nagpapara ng taxi at sumakay.

Pagkasakay naman ni Karen ay agad pumasok si Jason sa kotse niya at sinundan ang taxi.

Napangiti si Jason ng natatanaw niya na ang taxi na sinakyan ni Karen. Nagulat nga lang siya nang dumaan ito ng Quezon Avenue at biglang huminto sa isa sa mga club na nakatayo roon.

Nakita niyang lumabas ng sasakyan si Karen at pumasok sa isa sa mga club. Napasandal si Jason sa kinauupuan niya, "Shet... sayang..."

Fifteen minutes siyang nag-abang sa labas ng club, hinihintay na lumabas si Karen. Nang hindi pa ito lumalabas ay siya na ang lumabas sa sasakyan niya at nagpunta sa club.

Papasok na sana siya sa club nang lumabas si Karen at hila-hila siya ng isang mukhang mamas an ng club na iyon.

"Ano ka bang babae ka? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag ka ng magpapakita rito." Pagalit na sabi sa kanya ng babae.

"Nay, tigilan niyo na po kasi ito. Sumama na lang po kayo sa akin may disenteng trabaho naman po ako eh." Paiyak na sabi ni Karen sa ina.

"Yang trabaho mo bang yan kaya akong papuntahin ng Amerika?" tanong sa kanya ng ina, "Hindi. May nakilala akong Amerkano at dadalhin niya raw ako sa Amerika."

Bigla niyang niyakap ang kanyang ina, "Nay, wag niyo po akong iwan, kayo na lang po ang makakasama ko."

Itinulak siya ng ina, "Ano ka ba? Kaya nga iniwan ko kayo non eh, dahil ayokong masanay kayo na kasama ako." At pumasok na sa loob ng club ang ina ni Karen at iniwan si Karen na umiiyak.

Agad inalalayan ni Jason si Karen, "Miss, sorry ha, sinundan kita."

"Umiinom ka ba?"

Nagulat si Jason sa tinanong sa kaniya ni Karen, "An bakit?"

"Di ba gusto mo akong ihatid? Samahan mo ako."

"Toast!!!"

Agad naman nakipagtoast ng bote ng beer si Jason kay Karen, "Miss, sobra na yata ang nainom"

"No problem, ihahatid mo naman ako di ba?" at uminom ng beer si Karen, "Tiyong ano bang trabaho ng nanay mo?"

"Am.... Fashion consultant."

'Wow, bigatin pala ang nanay mo. Ang yaman mo pala tiyong eh, sabagay consultant din naman ang nanay, consultant ng mga GRO. Ang bongga noh." Tumayo si Karen at itinaas ang kamay, "Mahal na mahal ko ang nanay ko!"

Tumayo si Jason at ibinaba si Karen, "Alam mo, di mo na alam ang ginagawa mo eh. Ihahatid na kita."

"Hindi, okey pa ako, okey pa ako." Pero agad itong nabuwal at sinapo ni Jason.

Pinagdrive ni Jason si Karen pauwi sa apartment nito, hilong-hilo pa na tinurturo ni Karen ang padaan ng bahay niya. pagkatapat ng sasakyan ni Jason sa apartment nila ay agad niya inalalayan ang dalaga.

"My home sweet home! Oh di ba sabi ko sayo hilo lang ako pero kabisado ko yung daan papuntang bahay ko, ang galing ko rin noh."

"Oo na, oo na. Nasaan na ba yung susi ng bahay mo ha?"

Kinuha ni Karen ang bag niya at ibinigay ang susi kay Jason. Agad namang binuksan ni Jason ang pintuan.

"Alam mo kailangan mo ng magpahinga." Sabi ni Jason habang dinadala ito sa sofa.

"Aba eh ba't naman ako magpapahinga? May bisita ako, kailangan di ba entertainin kita, ano bang gusto mong gawin ko, kumanta, sumayaw o tumula? Ako po'y may alaga asong mataba mahal niya ako mahal ko rin siya..."

"Tumigil ka nga, nasaan na ba rito yung kuwarto mo?"

"Ikaw ha? May binabalak ka ha, sabagay okey lang naman yun sa akin." Kinapit niya ang dalawa niyang braso sa leeg ni Jason, "Di ba ito naman talaga ang gusto mo, ano? Gawin na natin, mag-isa lang naman ako rito sa bahay." Unti-unting nilapit ni Karen ang labi niya sa labi ni Jason.

ENYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon