4. JENNIFER

150 6 0
                                    

4

Jennifer

Nakangiting nilapitan ni Jason ang nakayukong si Karen.

"Good Morning." Bati niya kay Karen.'

'Yes sir.." napatigil si Karen nang makita si Jason, "Ah.. what can I do for you?"

"Dito ka pala nagtatatrabaho ha."

"Sir may maitutulong po ba ako sa kanila?"

"Am, at least alam ko na kung saan kita pwedeng dalawin."

"Sir... nagtatrabaho po ako. Baka naman po pwedeng saka na lang po yang mga pangungulit niyo. As you see madami po kaming guests ngayon."

"Okey, okey. Anong oras bang uwian mo?"

"Hindi ko alam depende..."

'Anong depende lumalampas kayo ng eight hours sa pagtatrabaho, baka gusto ng management niyo na isumbong ko sila DOLE."

Kinuha ni Karen ang phone at dinial ito, "Hello security? Meron kasing isang lalaki rito na..."

Natakot si Jason sa narinig, "Oo na, sige na lalabas na ako." At mabilis na umalis si Jason.

Binaba ni Karen ang phone at napangiti, "Eh di napadispatsa rin kita."

Alas siyete ng gabi palaging umuuwi sa apartment niya si Karen kagaling sa trabaho, pagpasok niya sa kuwarto niya ay binuksan niya ang kanyang cabinet at nakaupo ron si Jennifer na puro tahi na.

Kinuha niya si Jennifer at niyakap ito.

Pagkagaling ng kanyang kuya sa bahay ay may dala na itong supot na may lamang manika.

"Happy Birthday Enyang!" bati ng kanyang kuya sa kanya saka ibinigay ang manika.

"wow ang ganda. Thank you kuya ha." Sabi ni Enyang.

"Alam ko kasi na gustong-gusto ng manika kaya binili kita."

"Eh saan ka kumuha ng pera?" tanong ni Enyang sa kanyang kuya.

"Eh di pinagtrabahuhan ko. Nagsideline ako ng paglilinis ng sapatos sa may simbahan."

Naiyak si Enyang sa sakripisyong ginawa ng kapatid kaya niyakap niya ito.

"Oh tama na ang iyak may manika ka na nga eh, ano palang ipapangalan mo sa kanya."

"Amm... Jennifer."

"Jennifer? Maganda yun parang yung sa TV. Alagaan mo si Jennifer ha."

At tumango si Enyang.

Tinignan ni Karen ng mabuti si Jennifer, "Namimiss mo na ba siya Jennifer. Pareho lang tayo, pero siguro masaya na siya sa langit baka nga siya ang guardian angel nating dalawa."

Humiga si Karen sa kanyang kama na yakap pa rin si Jennifer.

Papasok si Karen sa hotel nang makita niya si Jason na nakapark ang sasakyan sa tapat ng pintuan at patingin-tingin sa orasan niya. Napayuko si Karen at nagtago kay Jason, umiba siya ng daanan para hindi siya makita ng lalaki.

Pagdating sa reception ni Karen na pumasok sa ibang pintuan ay nagulat ang mga kasamahan nito, "Oh ba't sa likuran ka dumaan?"

'Am... may tinignan lang kasi ako sa likod." Sagot niya/

"May lalaking kanina pang naghahanap sayo ha, Jason daw."

"Jason? Sinong Jason?" pamaang-maangan ni Karen, "Wala yata ako kilalang Jason. Baka niloloko lang kayo non."

Nagkibit balikat ang kasama niya, "Naku siguro nga, uso pa naman ngayon yun."

At napangiti si Karen sa kanila.

Palabas na sa hotel si Karen nang bigla siyang sinalubong ni Jason.

"Hi, miss." Sabi ni Jason sa kanya, "Uuwi ka na? Gusto mo ihatid na kita? Taga-saan ka ba?"

Napahinto si Karen at hinarap si Jason, "Ano bang problema mo at ako ang pinagtritripan mo ng ganito? Tahimik ang buhay ko, okey? Nagtatatrabaho ako ng maayos, pwede ba wag mo na akong guluhin."

"Miss isa lang naman ang gusto ko eh, I just want to know you..."

"ENYANG!!!"

ENYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon