15. PUNTOD

135 6 0
                                    

15

Puntod

"Ha? Naiwan ko sa bahay eh, nakalimutan ko na kung asan ko na inilagay."

"Ha? Nawawala yung kuwintas, tol naman alam mong importante sa akin yun."

"Hindi, nasa bahay lang yun, wag kang mag-alala pagkalabas ko ibibigay ko yun sayo, akala mo naman aangkinin ko yung kuwintas na yun." Saka tumalikod siya kay Leo at natulog uli.

"Baka naman kasi kinulit mo kaya sinungitan ka." Sabi ni Vanny sa telepono habang nasa Tagaytay ito at kausap si Leo.

"Alam naman niya kasing importante sa akin yung kuwintas tapos minimisplace niya."

"Hay naku Leonardo para kang bata kasi kaya sinusingitan ka nun. Tapos itiniming mo pa na naka-confine siya sa hospital, baka iniisip nun, may sakit na nga siya iniintindi mo pa rin si Enyang." Paliwanag ni Vanny.

Pagkagaling sa hospital at pagkatapos magbed rest ay tumuloy agad si Jason kina Karen. Palabas na sana si Karen ng bahay para dalawin si Jason nang makita niyang nakatayo na sa pintuan si Jason.

"Hoy, mister, ang ginagawa mo rito? Magaling ka na ba ha?"

Tumuloy si Jason sa bahay ni Karen, "Di ba sabi ng doctor kaunting bed rest lang then okey na ako ulit."

"Naku siguraduhin mo yan Jason ayoko na uling umiyak ng umiyak sa chapel ng hospital."

Umupo si Jason sa sofa, "Wag kang mag-alala, okey lang ako. Na touch naman ako sa pag-aalala mo sa akin."

"Siyempre magwowoworry ako sayo noh, hindi pa nga kita asawa, biyubiyudahin mo na ako."

"Salamat Karen ha, salamat sa pag-aaalaga mo sa akin."

"Naku okey lang yun, ikaw di naman, di mo ako pinapabayaan kapag ako ang may sakit di ba."

Niyakap niya si Karen ng mahigpit, "Kahit na anong mangyari, kahit na hindi na ako ang lalaking mahal mo tandaan mo palagi na mahal na mahal pa rin kita."

"Jason? Ba't naman mawawala ang pagmamahal ko sayo?"

Binitawan ni Jason si Karen at saka iniba ang usapan, "Siyanga pala, nasaan na pala yung kuwintas?"

"Bakit kailangan mo?"

"Baka nakakalimutan akin yung isa yun, sinarili mo na yung dalawa."

"Ay oo nga pala. Nasa cabinet ko eh, pakikuha na lang."

Nagpunta si Jason sa kuwarto ni Karen at binuksan ang cabinet nakita niya sa loob ng cabinet si Jennifer na suot-suot ang dalawang pares ng kuwintas. Napapikit siya ng makita si Jennifer, Kuya si Jennifer.

Kinuha niya kay Jennifer ang isa sa kuwintas at lumabas ng kuwartong iyon.

"Ano nakita mo na?" tanong sa kanya ni Karen.

"Ay oo, nakasabit kay Jennifer."

Napatigil si Karen sa narinig, "Kilala mo si Jennifer? Jason parang di ko yata matandaan na ipinakilala ko sayo noon si Jennifer."

"Ha? Ano ka ba? Nakakalimutan mo na ba, minsan dinala mo si Jennifer noong naglalaro tayo."

Napag-isip si Karen, "Talaga? Parang di ko yata maalala."

"Matagal-tagal na rin kasi kaya di mo maalala."

"Hay, ewan ko, wala pa rin talaga akong maalala."

ENYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon