6. PANGALAN

156 5 0
                                    

6

Pangalan

Nang maglalapat na ang mga labi nila ay biglang na lang nagsusuka si Karen sa harap ni Jason.

"Oh my..." sabi ni Jason ng makitang puro suka ang damit niya.

Nawalan nang malay na napayakap na lang si Karen kay Jason.

Napailing siya sa bigat ng nararamdaman. Dahan-dahan niyang ibinuka ang mga mata niya at tinignan kung nasaan siya. nakita na lang niya ang kanyang sarili na nakahigang mag-isa sa kama niya. sa tabi niya ay isang tuwalya at maliit na planggana. Tinignan niya ang kanyang sarili, suot pa rin niya ang uniporme niya na may dumi pa pero malinis na ang kanyang braso, hindi na ito malagkit. Napahawak siya sa ulo niya dahil sa sakit nito. Dahan-dahan siyang tumayo sa kama at tinungo ang pintuan ng kuwarto. Sa labas ng kuwarto ay bumungad sa kanya ang sala at sa sofa ay nakahiga doon si Jason pero walang suot na pang-itaas dahil nakasampay iyon dahil sinukahan niya.

Napangiti siya ng makitang tulog na tulog ang lalaki at naghihilik pa. Kumuha siya ng malinis na kumot at kinumutan si Jason saka nagtungo ng banyo para makapaglinis na siya ng kanyang katawan.

Napainat siya sa pagkakahiga sa sofa, nagulat siya ng mapansin niyang may kumot na nakapatong sa kanya.

"Good Morning!" ang bati sa kaniya ni Karen.

"Ah.. good morning." Agad niyang binalot ang sarili ng kumot saka tumayo.

"Dito ka na mag-almusal, naghanda ako." Nagpunta sa kusina si Karen at sinundan siya ni Jason, "Nahihiya naman kasi ako sayo. Lasing na lasing ako kagabi, hindi ko na nga alam kung anong mga nangyari sa akin eh."

Nilapag ni Karen ang mga pagkain ni Jason sa dining table niya saka umupo si Jason para kumain.

"Nilabhan ko na rin pala yung T-shirt mo sinampay ko na siya para matuyo, tinapat ko pa nga sa electric fan para matuyo agad. Nahihiya na kasi ako sayo, sinukhan ko yung damit."

Kumuha ng pandesal si Jason at kinain ito, "Thanks ha."

"Jason ka di ba?"

Tumango si Jason habang ngumunguya ng tinapay.

"Jason, may gusto lang akong tanungin... may nangyari ba sa atin?"

Muntikan ng mabulunan si Jason kaya uminom agad ito ng tubig, "Wala ka ba talagang naaalala."

Umiling si Karen, "B-bakit? Meron ba?"

"Oo naman, hinalikan mo kaya ako, ayaw mo pa nga akong bitawan eh."

Namula si Karen, "Nagawa ko yun?"

Natawa si Jason sa pamumula ng pisngi, "Joke lang. Kinabahan ka agad. Wag kang mag-alala hindi ako pumapatol sa lasing."

"Jason, thank you talaga ha, nakakahiya tuloy, pati ikaw nadamay sa problema ko."

"Naiintindihan kita, kahit din naman ako may problema, pero graduate na ako sa ganyang mga paglalasing kapag may problema. Nakakasakit lang ng ulo yan eh."

Tumango si Karen, "Tama ka. At ayoko na rin siguro siyang pag-usapan. Kung ayaw niya sa akin, eh di wag, sumama siya kanong yun, di ba?"

Ngumiti si Jason at kumain ng tinapay.

Pagkatuyo ng damit ni Jason at agad itong nagbihis at nagpaalam na kay Karen, "Sige, uwi na ako. Salamat sa breakfast."

ENYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon