3
Hotel
"Miss I just want to ask why my heater in my room is not working?" sabi ng Italianong guests sa kanya.
"Okay sir, you don't have to worry, I will ask our technician to fix it." Sabi niya sa Italiano.
"Yes you should because I'm paying so much in this hotel."
Napayuko si Karen, "Yes sir we are very sorry for the inconvenience sir, we promise that we will fix your heater as soon as possible."
At umalis na ang Italianong guest. Napahawak sa ulo niya si Karen kaya nilapitan siya ng kasamahan niyang receprtionist, "Friend okey ka lang. Pagtiisan mo na lang yang impaktong Italianong yun, walang modo, dapat minumura natin yun eh kasi nasa teritoryo natin siya."
"Pero wala tayong magagawa kasi sa kanila nanggagaling ang ipinapasuweldo natin."
"Hmp ang malas naman natin." Sabi ng mga kasamahan niya.
Halos araw ay may mga guests silang nakakaharap na ganon ang ugali pero kailangin nilang tiisin ito dahil iyon ang trabaho nila.
"Hoy Karen, mamayang gabi pala nagyayang gumimik sila Dina, birthday daw niya kasi. Hoy wag kang corny ha, sumama ka naman, libre naman ni Dina eh. Ano sama ka na."
"Sige na nga." Sabi ni Karen.
Sa isang bar sa Malate ay tumayo ang isang lalaki na kasama sa mga lalaking nag-iinuman, "Guys, let's make a toast for a friend, Jason, dahil after he died on the fifth day he rose again!" nag toast ng mga baso ng alak ang mga lalaki.
Umupo na ang lalaki, "Tol, iba ka talaga, pang-ilang aksidente mo na ba ito."
"Pang lima dude, binenta na nga ng nanay ko yung motor ko eh, bawal na raw akong magmotor kasi sa next time daw na sasakay uli ako ay baka sa langit na ako bumiyahe."
Natawa ang isa niyang kasamahan, "As if tatanggapin ko run."
Napangiti siya, "Sira, alam ko namang bawal ang gago ron non. Kaya nga nabuhay uli ako."
"Which means, maghahagsik na muli ng lagim si Jason rito sa lupa." At nagtawanan ang mga kasamahan nito sa gitna ng malalakas nilang tawanan ay napatingin siya sa kabilang table kung saan may mga grupo ng babaeng nakauniporme at nag-iinuman.
Napatitig siya sa isang kasamahan ng mga babae na nakasalamin at tahimik lang habang ang mga kasama niya ay nag-iinuman at naninigarilyo. Dahil siguro sa pagkainip ay lumabas ng bar ang babae na siya naman sinundan ni Jason.
Halukipkip na tumayo si Karen sa labas ng bar hanggang sa lapitan siya ng dalawang nakainom na lalaki, "Hi, miss, ako ba ang hinihintay mo?"
Hindi niya pinansin ang dalawang lalaki.
Nang makita iyon ni Jason ay nilapitan niya ang dalawang lalaki, "Bosing, excuse lang, pero girlfriend ko yan."
"Ah?" natawa ang dalawa ang lalaki, "Pasensya na dude ha, ang ganda kasi ng girlfriend mo eh." At umalis ang dalawang lalaki
"Am miss, pasensya na ha, nasabi ko lang yun kasi baka bastusin ka ng mga lasing na yun eh. By the way, Im Jason."
Tinignan lang ni Karen ang kamay ni Jason na makikipagshake hands sana sa kanya at saka bumalik muli sa loob ng bar.
Nang bumalik si Karen sa bar ay ibinulsa na lamang ni Jason ang kamay niya.
BINABASA MO ANG
ENYANG
RomanceTatlong katauhan na binigkis ng kanilang nakaraan. Ang isa ay may nais ituwid na pagkakamali, Isang may gustong balikan At ang isa ay pilit itong kinakalimutan. Paano nila haharapin ang kasalukyan kung nakagapos sila sa kanilang nakaraan? At… Paano...