10
Boyfriend
Sa sofa ay nakahiga si Jason sa lap ni Karen. "Dito na muna ako." Sabi ni Jason sa bago niyang kasintahan.
"Baka pagalitan ka ng nanay mo, at pagalitan ako baka mapahiwalay pa tayo agad niyan."
Hinawakan ni Jason ang kamay ni Karen at hinalikan ito, " Hindi kaya mangyayari yun. Hindi ako makakapayag. Hindi na lang talaga ako uuwi ng tuluyan kung paghihiwalayin din nila tayo."
"Ganon?" sabi ni Karen.
"Ayoko ng umuwi, ditto na lang ako."
Pinalo ni Karen si Jason, "Para kang bata."
Tumayo si Jason, kinuha ang celphone niya at dinial ito, "Hello ate, hindi ako makakauwi ngayon. May inaasikaso lang ako, pakisabi na lang kay mama ha, okey? Bye."
"Sira ka talaga."
"Sabi ko naman sayo di ba? Ayoko pang umuwi." At saka binuhat si Karen, "Dito muna ako yehey." Nang maibaba niya si Karen ay hinalikan niya ito, "Love you."
Hinawakan ni Karen ang mukha ni Jason, "I love you too."
"Talagang in love na in love yang pinsan mo ha. Hindi na daw ba umuuwi ng bahay." Sabi ni Vanny kay Leo.
'Hindi na nga rin madalas magon line, malamang andon sa babae."
"Hopefully happily ever after na sana yang pinsan mo. How about you? Hanggang kailan mo hihintayin ang prinsesa mong matagal ng nawawala."
"Hindi naman dapat minamadali ang pag-ibig. We should take time."
"Take time hanggang kailan? Hanggan sa matagpuan mo muli si Enyang?"
"Vanny, hayan na naman tayo eh, pagtatalunan na naman natin yang si Enyang. Pwede ba Vanny, hindi naman ikaw ang nahihirapan ditto eh, ako. Kaya kung di man maging successful ang paghahanap ko kay Enyang, problema ko yun at hindi mo problema."
Tinabihan ni Vanny ang kaibigan, "I'm just worried about you. Kung sana madaling hanapin yang Enyang na yan eh, pero hindi."
"Vanny, I'm hoping, kahit parang imposible na ang lahat, I'm still hoping, thanks sa pag-aaalala mo pero masaya akong umaasa sa pagkikita naming muli ni Enyang."
Hinatid na ni Jason ang kasintahan niya pauwi ng apartment nito. "Sige bukas na lang ha." Hinalikan niya, "Good night honey ko."
Kesa lumayo kay Jason ay niyakap ng mahigpit ni Karen si Jason, "Bakit anong problema?"
"Paano kung ako ang humiling sayo na ditto ka muna?"
"Teka, hindi kaya, mag-overseas call nito si Leo at pagalitan ako dahil napapabayaan ko na yung negosyo naming."
Maslalong napayakap sa kanya si Karen, "Mamimiss kasi kita eh. Hindi naman siguro magagalit sayo yun."
"Yan ba talaga ang gusto mo?"
"Hindi mo ba ako pagbibigyan. Minsan lang naman ako ng humiling ha."
"Sige na nga po, dito muna ako." At hinalikan nito ang kasintahan, "Sabi kasi ng baby ko." At bigla niyang binuhat si Karen na ikinagulat ng dalaga.
Pagkatapos ihatid si Karen ay tumuloy si Jason sa bahay nila. Sa pintuan pa lang ng bahay nila ay nakatayo na roon ang ate niya at inaabangan siya.
"Oh, ba't andito ka pa?" tanong niya sa kanyang ate.
"Sinadya ko talagang hindi pumasok para kausapin ka. Jason, ano ba ang akala mo sa bahay natin ha, shower room? Paliguan na lang. Ilang buwan ka na bang lagi doong nagpapalipas ng gabi sa bahay ng babaeng yun. Aba kulang na lang talaga mag-live in kayo ng tuluyan."
"Ate naman. Sinasamahan ko lang yung tao, mag-isa na lang kasi siya sa bahay nila."
Lumabas ng kuwarto ang kanilang ina ng marinig na pinapagalitan ni Jana si Jason, "Ano ba kayo?"
"Ma, I'm just talking with this guy, mukhang nakakalimutan na tayo dahil sa babaeng yun."
"Ano ka ba Jana, baka pwede mo naming kausapin ng mahinahon yang kapatid mo."
"Ate, bakit ayaw mo ba akong sumaya?" tanong sa kanya ni Jason.
"Masaya ba Jason? Sa tingin mo sinong sasaya tuwing mahohospital kita."
"Ate kung tungkol na naman ito sa huli kong aksidente, hindi ko sinadya yun, aksidente lang ang lahat."
"Aksidente?" kinuha ni Jana ang pulso ni Jason na may bakas ng hiwa ang pulso, "Eh ito hindi ba aksidente yan?"
"Okey, sige na, nag attempt din ako pero nung sa aksidente ko sa motorsiklo, hindi ko na sinasadya yun. Saka ibahin niyo si Karen sa mga nagging girlfriends ko. Ibang-iba siya at ngayon ko lang maramdaman ito."
"Iho we are just worried about you. Kung talaga mapapanatag ang loob naming sa babaeng yan, pwede bang dalhin mo siya rito sa amin."
Tumango si Jason, "Yes ma, ipakikilala ko siya sa inyo."
Binuksan ni Leo ang computer niya at nagcheck ng email, nakita niya sa kanyang inbox na may email sa kanyang ang kanyang pinsan na si Jason. Dahil sa wala na ring balita kay Jason ay agad niyang binuksan ang e-mail.
Pinsan, kamusta na ba ang repapips ko riyan? Pahingi naman ng kaunting lamig diyan, ang init kasi rito sa Pinas. Siyangapala ha, pasensya na kung di na ako nakakapagchat sayo. Busy na sa girlfriend eh. Pasensya na talaga he, pero don't worry hindi ko naman pinababayaan yung negosyo natin. Pagpasensyahan mo na rin si ate kung madalas siyang magsumbong sayo, akala niya kasi mapipigilan mo ako sa nararamdaman kong ito. Wala dude, wala na yatang makakapigil sa nararamdaman ko kay Karen, sobrang mahal na mahal ko siya. Siya ang babaeng gusto kong makasama ahabang buhay. Kung andito ka lang nakita mo na sana kung gaano ako kasaya ngayon. Ibang-iba si Karen sa ibang babaeng nakasama ko, ngayon ko lang naramdaman ang ganito kasaya, na parang wala ng katapusan at sana wala ng katapusan. Alam ko naiintindihan mo ako, pasesnsya na talaga.
By the way, attached here is our picture ng honey ko, tignan mo kung gaano kaganda ang babaeng pinagmamalaki ko sayo.
Tinignan ni Leo ang nakaattach na picture sa email ni Jason. Picture ito ni Jason kung saan nakaakbay siya kay Karen, sandaling napatigil si Leo pagkakita kay Karen, "Teka, parang may nakakahawig siya."
BINABASA MO ANG
ENYANG
RomanceTatlong katauhan na binigkis ng kanilang nakaraan. Ang isa ay may nais ituwid na pagkakamali, Isang may gustong balikan At ang isa ay pilit itong kinakalimutan. Paano nila haharapin ang kasalukyan kung nakagapos sila sa kanilang nakaraan? At… Paano...