19
Kotse
Lumalaki na rin ang ulbok sa tiyan ni Karen, buwan-buwan ay nagpapacheck up siya. nang minsang lumabas siya ng clinic ay nakatayo ron si Leo at hinihintay siya.
"Hi! Sabi kasi ng mga kasamahan mo, andito ka raw." Sabi ni Leo, "Pwede ba tayong mag-usap."
At sumama si Karen sa kanya.
"Bakit mo naisipang lumipat ng bahay? Ilang beses kitang pinuntahan sa apartment mo non, akala ko wala ka lang yun pala hindi ka na pala ron nakatira."
"Gusto ko ng magsimula ng bagong buhay, para sa magiging anak ko." Sagot ni Karen.
"Kaya ba nagresign ka na rin sa hotel?"
"Balak ko sanang bumalik na sa Ilocos, kasama ang mga alaala ng kuya ko. Nakakatawa nga, dati ayokong umuwi ron dahil gusto kong makalimutan ang masasamang alaala ko ron, tapos heto ako ngayon, bumabalik don. Pagkapanganak ko siguro, lilipat na ako ron."
"Sana Karen, matanggap mo ako, bilang kaibigan."
"Leo, tanggap naman kita bilang kaibigan, at tanggap din kita bilang Digoy."
"Si Jason, napatawad mo na ba siya?"
Di nakapagsalita si Karen, "Alam niyang napatawad ko na siya."
"Alam mo ba, nagbago na siya, nawala na yung saya sa mukha niya, napakatahimik na niya ngayon, siguro dahil yun sa pag-aaalala niya sayo. Karen, ba't di niyo na lang kalimutan ang lahat at magbalikan kayo, para sa magiging anak niya."
Napatingin si Karen sa bintana, dumadaan sila sa kahabaan ng Baywalk kung saan niya nakikitang palubog na ang araw.
"Naaalala mo ba Digoy, nong mga bata pa tayo, di ba sa iyo ko unang nalaman na kaya lumulubog at lumilitaw ang araw dahil umiikot ang mundo sa kanya."
Napangiti si Leo, "Naaalala mo pa pala yun."
"May nakapagsabi sa akin, na hinatayin mo raw lumitaw ang araw, at kapag nakikita mo na siya pumikit at magwish at matutupad ang mga niwish mo."
"Talaga? Ginawa mo na ba yun? Nagkatotoo ba yung wish mo?"
"Dati, akala ko, imposible ng mangyari yun, pero possible pala. Dati rati hindi ko maintindihan ang lahat, pero ngayon naiintindihan ko na kung bakit niya ginawa yun, para matupad ang wish ko." Sabi ni Karen.
"Okey yan, sige, minsan gagawin ko yan." Sagot ni Leo.
Huminto si Leo sa isang grocery store, "Karen, may bibilin lang ako ha, ditto ka muna."
At tumango si Karen.
Lumabas si Leo ng sasakyan at pumasok sa supermarket.
Napapikit si Karen ng maramdaman niyang kumikirot ang tiyan, binuksan niya ang pintuan ng kotse at lumabas. Pupuntahan na sana niya si Leo sa lob ng supermarkat ng biglang nagkagulo sa paligid niya dahil may naghahabulang pulis at magnanakaw, nabunggo siya ng magnanakaw kaya napahiga na lang siya, "L-leo..."
Naalala niya ang mga habilin ng doctor sa kanya, Magiging delikado para sayo ang pagbubuntis mo, baka hindi kayanin ng puso mo
Paglabas ni Leo sa supermarket, ay napasugod siya nang makitang dinudugo na si Karen, "K-karen." Agad niyang binuhat si Karen sa loob ng kotse para dalhin ito sa hospital.
Sa emergency room ay agad isinugod si Karen papuntang ER, hirap ito sa paghinga kaya nag-alala si Leo, "Karen relax lang ha."
"Leo, maraming salamat sa lahat. Pa-pakisabi na lang kay Jason na matagal ko na siyang pinatawad." At bago pa man makapasok sa ER ay napapikit na si Karen.
Pinapatawad na kita... napadilat si Jason ng parang narinig niya ang boses ni Karen, "Karen?"
Nagulat siya ng tumunog ang celphone niya at nasa linya nito si Leo, "Jason." May pangllulumo sa boses ni Leo, pakiwari ni Jason ay umiiyak ito, "Nanganak na si Karen, it's a boy."
Napangiti si Jason, "T-talaga? S-si Karen, kamusta na siya?"
Tuluyan ng umiyak si Leo, "Pinapasabi niya na matagal ka na niyang pinatawad... Jason, wala na si Karen."
Wala sa sarili niya na nabitawan ni Jason ang celphone niya.
Hindi pa rin mapigilan ni Jason ang pag-iyak habang nagdadrive siya papuntang hospital. Napahawak siya sa dibdib niya, naramdaman niyang sumisikip na parang di siya makahinga. Unti-unting lumalabo ang paningin niya nang di niya namalayan na may pasalubong na truck sa kanya, pipreno na sana siya pero tila huli na ang lahat para sa kanya.
"Papa, anong ginagawa mo?" mula sa pagkapikit ay napadilat ng mata si Leo nang makita niya ang isang three years old na batang lalaki. Nakatayo ito sa buhanginan sa Pagudpod habang sabay nilang sinasalubong ang sunrise.
Kinurot ni Leo ang pisngi ng bata, "Nagwiwish. May nakapagsabi kasi sa akin noon na kapag nagsisimula ng lumabas ang araw, pumikit ka raw saka taimtim na magwish at matutupad daw yun."
Napakunot ng noo ang bata, "Totoo ba yun, papa?"
"Siguro, kasi yung sa kaibigan ko, nagkatotoo."
"Talaga, ano bang ni wish niya?" tanong muli ng bata
Napangiti si Leo at kinurot muli nito ang pisngi ng bata, "Hay Jason, may pinagmanahan ka talaga sa kakulitan."
"Ako ba, papa, pwede akong magwish?"
"Siguro, bukas na lang, bumalik na lang uli tayo rito, mataas na kasi ang araw eh. Pumunta na lang tayo sa mama at papa mo ha."
Tumango ang batang si Jason.
Hinawakan ni Leo ang dalawang pendant ng magical necklace na nakasabit sa kwintas ng bata, "Sayang di mo sila nakita."
"Pero nakikita naman nila ako di ba, papa?" tanong muli ng bata sa kanya.
"Oo naman, nakikita nila kung gaano kakulit at kacute ang anak nila."
Sa di kalayuan ay tinawag sila ni Vanny, "Jason, Leo, halika na, may pupuntahan pa tayo."
"Niyaya na tayo ni mama, papa."
"Oo nga, sumisigaw na eh." Kinilik ni Leo ang batang si Jason saka lumapit kay Vanny at inakbayan ito.
-END-
BINABASA MO ANG
ENYANG
RomanceTatlong katauhan na binigkis ng kanilang nakaraan. Ang isa ay may nais ituwid na pagkakamali, Isang may gustong balikan At ang isa ay pilit itong kinakalimutan. Paano nila haharapin ang kasalukyan kung nakagapos sila sa kanilang nakaraan? At… Paano...