13. KUWINTAS

121 5 0
                                    

13

Kuwintas

Bago umuwi ay dumaan muna sina Jason at Karen sa baywalk para abangan ang paglitaw ng araw.

"Oh ayan na siya." napapikit si Jason at nagwish.

Tinitigan lang siya ni Karen, "Ayoko munang magwish Jason, dahil isa na yata ito sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Kung kong magpasalamat ng sobra-sobra sa Kanya dahil hindi pa rin Niya ako pinababayaan."

"Dahil pa ito sa akin?"

"Higit pa ron." Sagot ni Karen, "Meron ka pang di nalalaman tungkol sa akin, Jason. Alam kong naging madamot ako sayo na ibahagi sa iyo ang kabataan ko, pero may ikukuwento ako sayo. Kahit puro sakit ang nararamdaman ko noong bata ako ay minsan din naman akong naging masaya. Ito ay yung nakakilala ako ng isang batang lalaki, naging kalaro ko siya at kasa-kasama sa pagtingin sa palubog ng araw."

Kinalibutan si Jason sa mga sinabi ni Karen.

"Pero umalis din siya, pero bago pa man siya umalis nag-iwan muna siya sa akin ng isang remembrance." At inilabas ni Karen ang kuwintas, "Ito, ang magic necklace, sabi niya, ito ang magiging identification namin para makilala namin ang isa't isa ."

"Ang ibig mong sabihin, Enyang...'

"Oo, Digoy, ako nga ito, ako si Enyang. At hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng malaman kong ikaw ang batang nagpapasaya sa akin nun." At agad siyang napayakap kay Jason.

Napaiyak naman si Jason sa nalaman niya, Karen, bakit ikaw pa si Enyang? Bakit ikaw pa?

Napansin ni Karen na umiiyak si Jason, "Oh baby ko, ba't ka umiiyak? Siguro hindi ka rin makapaniwala noh. Ako nga rin, pero napakasaya ko. Kaya pala ganito na lang ang pagkahulog ko sayo, dahil mga bata pa lang tayo, soulmates na tayo." At hinalikan niya si Jason.

Sa sasakyan ay habang nagdadrive si Jason ay napansin niyang nakatulog na si Karen sa biyahe, Karen, ayokong mangyari ito. Pero wala na akong magagawa, ikaw si Enyang. Alam mo ba kung gaano ako nahihirapan sa sitwasyon ko ngayon, ni di ko nga alam kung kaya ko pang sabihin sayo ang totoo, ni di ko rin alam kung kaya ko pang harapin si Leo ngayon at alam mo ba Karen kung ano ang niwish ko kanina, nasa dumating ang araw na mapatawad mo na rin ako.

Nakatingin sa bintana, hawak-hawak ni Leo ang diploma niya, Enyang, pagbalik ko sa Pilipinas hindi ako titigil sa paghahanap sayo.

'All thing are set, Leo." Sabi ni Vanny sa kanya.

"Bukas ng umaga ang flight natin papuntang Pilipinas."

"Naiexcite ako na sa pagbabalik natin."

"Dahil paguwi natin ang una-unang mong gagawin ay hanapin yang si Enyang."

"Hindi na rin siguro maasiakaso ni Jason ang paghahanap kay Enyang kasi busy na siya kay Karen."

"Leo." Hinawakan ni Vanny ang kamay ng kaibigan niya, 'Lagi mong tatandaan, makita mo man siya o hindi o kung mabibigo ka lang sa matutuklasan mo tungkol sa kanya, tandaan mo palagi na andirito pa rin ako."

Niyakap ni Leo si Vanny, "Wag ka ng magkunwari Vanny, alam kong mahal mo ako at pag dumating ang panahon na matukalasan kong hindi pala para kami sa isa't isa alam kong maghihintay ka."

Napaiyak si Vanny sa sinasabi ni Leo, "At kung kayo nga ni Enyang para sa isa't isa, tatanggapin ko na hanggang bestfriend mo lang ako."

"Thanks for understanding me, Vanny."

"Lagi kitang maiinitindihan, kahit medyo weird ka." At niyakap muli ni Leo si Vanny.

Pagkagaling kina Karen ay bumalik agad si Jason sa baywalk at naupo sa gitna ng dagat, hindi niya mapigilan ang pag-iyak tuwing naalala niya ang mga ginawa niya nook sa batang si Enyang.

Karen, bakit ikaw pa si Enyang. Bakit ikaw pa? Baka tuluyan ka ng mawala sa akin once na malaman mo ang totoo kong pagkatao.

Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib, hanggang sa mapahiga na lang siya sa sakit nito.

ENYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon