17. KATOTOHANAN

126 7 0
                                    

17

Katotohanan

Pagpasok niya sa kusina at namataan niya si Jason na binabasa ang mga dokumentong inabot sa kanya ni Leo, napahinto siya sa pintuan at tinignan si Jason. Bakit hindi mo sinabi ang totoo sa akin? Paano mo nakilala si Jennifer? Jason, sino ka ba talaga?

Paglingon ni Jason ay nakita niyang nakatayo si Karen sa may pintuan, "Karen, andiyan ka na pala? Ano? Nakapili ka na ba ng ibibgay natin sa modista?"

"Am... hindi pa nga eh. Hindi pa naman kasi ako tapos tumingin."

"Ah sige."

"Jason?"

"Oh?"

"Naaalala mo pa ba yung mga bata pa tayo, tungkol sa mga pangarap natin, naaalala mo pa kung ano yung pangarap ko paglaki ko."

Napatigil si Jason, "Ano ba namang tanong yan? Ang tagal na kaya nun, as if maaalala ko pa. Ano ba yun? Pangarap mo bang maging doctor dati? Teacher kaya? Lawyer?"

"Hindi mo ba talaga naaalala o wala naman akong nasabi sayo, dahil hindi ikaw si Digoy."

"Karen ano ba yang pinagsasabi mo?"

"Iisa lang ang pangarap ko non Jason, ang makita naming at makasama ng kuya ko si nanay. Ngayon, Jason, sabihin mo sa akin, sino ka?"

Napapasok naman ng kusina ang ina ni Jason.

Yumakap agad si Jason kay Karen, "Im sorry Enyang. Hindi ko kasi kayang mawala ka, iniisip ko kasi na kapag nakita mo na si Digoy, mas piliin mo siya kesa sa akin at baka hindi mo pa ako patawarin kapag nalaman mo na ako ang batang kumuha non kay Jennifer noong namatay ang kuya mo."

Inilayo ni Karen ang sarili niya kay Jason at sinampal ito saka umalis ng kusina.

Napatakbo ang ina ni Jason sa loob ng kuwarto, Diyos ko po, bakit siya pa...

Kinuha niya agad ang telepono at tinawagan si Leo, "Hello, Leo, may kailangan kang malaman...."

Pagpasok ni Leo sa bahay nila Jason ay sinugod niya agad ang lalaki binigyan ito ng isang malakas ng suntok, "Hayop ka! Pinagkatiwalaan kita, Jason alam mo kung gaano kaimportante sa akin na makita si Enyang pero tinago mo siya sa akin."

Inawat naman ni Helga ang pamangkin, "Leo, tama na."

"Hindi ko sinsadya." Nagsimula ng umiyak si Jason, "Hindi ko talaga sinasadya. Kami na ng malaman ko na siya si Enyang, inakala niya na ako ikaw at di na ako nakapagsalita dahil inisip ko na baka kapag nalaman niya na ako ang dahilan kaya naaksidente ang kuya niya noon , baka iwanan niya na ako, Leo, di ko kayang mawala siya."

"At di ko na kayang pakawalan pa si Enyang, nakita ko na siya. Im so sorry. Alam mo naman di ba? Siya lang ang pinangarap ko." At lumabas na ng bahay si Leo.

Niyakap naman ni Helga ang kanyang anak, "Ma, hihiwalayan na ako ni Karen, ma, di ko na alam ang gagawin ko."

"Anak, magagawan natin ito ng paraan ha, wag kang mag-alala, maayos din natin ito."

Sa loob ng CR ni Karen ay napatingin siya sa salamin, Ito ba yung lagi kong pinagdarasal Sayo. Ang patawarin ko siya. pero bakit sa ganitong paraan, bakit sa paraan kailangan mo uli akong saktan.Napatingin siya sa hawak niyang pregnancy test at napaiyak siyang ng makitang positive ito.

Napatingin siya ng may kumakatok sa kanyang pintuan.

Paglabas niya ng CR ay binuksan niyang pintuan at nakatayo roon si Leo na agad siyang niyakap pagkakita sa kanya.

"Enyang, hindi mo alam kung gaano ko pinangarap at hiniling na makita ka."

"Pero hindi sa ganitong paraan, di ba?"

Tinignan ni Leo si Karen, "Importante pa ba kung anong paraan? Tutuparin ko na ang pangako ko sayo non, hindi na tayo maghihiwalay kailanman."

"Buntis ako."

Inalis ni Karen ang kamay ni Leo sa kanya, "Leo, kung hindi mo man matutupad yung pangako mo, naiintidihan kita, dahil hindi talaga itinadhana ng Diyos ng tuparin yun. At least ngayon alam ko, na talagang hinanap mo ako para sa pangakong yun. Pero im so sorry Leo, marami ng nangyari kahit gusto mong tuparin yun, hindi ko na siya kayang tanggapin pa. Mas mabuti pa siguro, na isipin mo na lang na yung Enyang na hinahanap mo ay matagal ng namatay, namatay siya dahil hindi niya kinaya ang pagkamatay ng kapatid niya, dahil ibinandona siya ng nanay niya."

"Enyang hindi."

"Hindi ako si Enyang." Kinuha ni Karen ang kuwintas niya at ibinigay iyon kay Leo, "Masaya na rin ako't ikaw si Digoy. Pero hindi na para sa akin, dahil kinalimutan ko na rin si Enyang."

"Bakit kailangan pa kasing mangyari ito sa atin?'

Umiling si Karen, "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit niyang hinayaang mahalin ko ng sobra-sobra ang taong matagal ko ng di mapatawad. Iwan mo na ako Leo, please." At agad niyang sinarado ang pintuan.

ENYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon