8
Araw
Lumabas na ng gate si Jason at nagpaalam kay Karen.
"Thanks for the dinner, I really enjoyed it."
Ngumiti si Karen, "Nambola ka pa."
"Masarap ka kasing magluto, sana, sana buong buhay ko matitikman ko ang mga luto mo."
"Ang galing-galing mo talaga sa ganyang mga dialogue, ano?" sabi sa kanya ni Karen.
"Karen, ngayong nagkakuwentuhan na tayo at nakilala mo na ako ng lubusan, siguro naman ay papayag ka na ihatid sundo kita."
"Am... Jason, nakakahiya naman kasi sayo. Biro mo gigising ka ng maaga para ihatid mo ako tapos uuwi ng gabi na para sunduin ako."
"Ano ka ba? Okey lang yun. Please..."
"Bahala ka basta walang sisihan sa bandang huli kapag napagod ka."
Nagtaas ng kamay si Jason, "Promise, walang sisihan."
"Sige na, umuwi ka na nga." At pumasok na ng kanyang sasakyan si Jason at pinaandar ito.
Naglalakad sa kalye ng Berlin si Leo ng makasalubong niya si Vanny.
"Hey dude, how is my hopeless romantic friend huh?"
Napailing si Leo, "Hay naku Vanessa nang-asar ka na naman."
"Wala, natatawa lang kasi ako sa paniniwala mo sa mga chilhood-childhood sweethearts na yan."
"Hindi pa nga rin makita ni Jason si Enyang, makita pa kaya naming siya."
"Mahirap hanapin yang ganyan eh. Para kayong naghahanap sa di niyo alam. Pero malay natin di ba? Mahanap niyo rin siya sa paraang di niyo iniexpect."
Tumango si Leo, "Sana nga."
Napadungaw si Leo sa bintana at napatingin sa palubog na araw, naalala niya ang mga panahong pinagsamahan nila ni Enyang.
"Ang ganda-ganda ng sun!" sabi ng batang si Leo habang nakaupo ito sa buhangin at pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
"Di ba sabi ko sayo maganda rito."
"The earcth revolves around the sun kaya parang lumulubog ang araw, the cloud eats him."
Napatingin si Enyang sa kanya, "Ano?"
"Ang sabi ko, umiikot ang mundo sa araw kaya nagkakaroon ng gabi at umaga."
"Talaga?"
"Oo, hindi ba yun tinuturo sa science and helath niyo? Kinder pa lang ako sinabi na yun ng teacher ko."
Napakamot ng ulo si Enyang, "Nakalimutan ko na siguro."
"Yun yon kaya kapag umaga ditto, hapon o gabi sa ibang bansa."
Napatango si Karen.
Binabagkas nila Karen at Jason ang kahabaan ng Baywalk, napatingin siya sa bintana at pinagmasdan ang paglubog ng araw. "Alam mo ba noong bata ako, lagi kong pinagmamasdan ang paglubog ng araw."
"Talaga? Kaiiba ka rin pala."
"Ang ganda-ganda kasi. Anong oras na kaya sa Amerika ngayon?"
Napakunot ng noo si Jason, "Why are you asking?"
"Sinabi kasi sa akin ng kaibigan ko non kaya iba't iba ang oras ng mga bansa dahil sa revolution ng mundo sa araw. Hindi ko kasi alam yun non eh."
"Wow, maypagkascientist naman pala yung friend mo na yun. Nasaan na siya ngayon?" tanong sa kanya ni Jason.
"Nasa Amerika na siya."
"Oh I see, alam mo ako rin, may ituturo rin ako sayo."
"Ano yun?"
"Kapag palitaw na ang araw sa umaga pumikit at taimtim na magdasal."
Napakunot ng noo si Karen, "Ano namang dadasalin ko?"
"Kahit ano, like, making a wish."
"Matutupad ba yun?"
Nagkibit balikat si Jason, "Ewan ko. Basta ako ginagawa ko yun."
"Pambihira ka naman pala eh, kung anu-ano yang tinuturo mo sa akin hindi mo pa pala napapatunayan na totoo."
"Pero malay natin. Gusto mo bukas, punta tayo rito sa baywalk and then sabay nating abangan ang paglitaw ng araw."
"Sige ba. Basta ba maaga kang gigising."
"Oo naman, iseset ko na ng mas maaga ang alarm clock ko para magising ako." Sabi ni Jason sa kanya.
Kinabukasan ng madaling araw ay nagtungo sa baywalk ang dalawa para abangan ang sunrise. Madilim pa ang paligid kaya napahilig si Karen sa balikat ni Jason habang nakaupo sila sa bench.
"Oh natutulog ka na, hindi pa natin nakikita ang araw."
"Ang aga-aga mo akong pinulabog eh. Gisingin mo na lang ako kapag nakikita mo na siya."
Ilang sandali pa ay unti-unti ng namumula ang langit, binulungan ni Jason si Karen, "Ayan na siya."
Binuksan ni Karen ang mga mata niya at nakita niyang unti-unting lumilitaw ang araw, "Ang ganda."
Tuluyan ng nagpakita ang araw sa kanila, "And now you can make a wish."
Napapikit si Karen at bumulong sa sarili niya, "Lord, tulungan niyo akong patawarin siya."
BINABASA MO ANG
ENYANG
RomanceTatlong katauhan na binigkis ng kanilang nakaraan. Ang isa ay may nais ituwid na pagkakamali, Isang may gustong balikan At ang isa ay pilit itong kinakalimutan. Paano nila haharapin ang kasalukyan kung nakagapos sila sa kanilang nakaraan? At… Paano...