18. LUHOD

145 6 1
                                    

18

Luhod

Sa isang restaurant ay pumasok doon si Karen kung saan naghihintay sa kanya si Helga.

"Akala ko hindi mo na ako susuputin." Sabi ni Helga kay Karen.

"Hindi ko po kayang gawin yun, wala po kayong ginagawang masama sa akin." Sagot naman ni Karen.

"Nagulat ako nang malaman ko na ikaw pala ang batang yun. Hindi rin naming alam kung ano ang gagawin nun. Umuwi na lang non si Jason na umiiyak at di makahinga. Natakot ang papa ko non sa mga nangyari kaya agad niya kaming pinaluwas ng Maynila. Ilang araw ding naconfine si Jason sa hospital, na trauma siya sa mga pangyayari. Alam kong labis kang nasaktan sa pagkamatay ng kuya mo, pero Karen, hindi lang naman ikaw ang nasaktan, si Jason din. Hanggang ngayon tuwing naiisip niya ang mga pangyayari nahihirapan pa rin ang damdamin niya. Karen, pinagsisihan niya na ang lahat, bago pa kayo nagkakilala pinagsisisihan niya na ang mga nangyari."

"Noong namatay ang kapatid ko, daig ko pa ang nawalan ng buhay." Sabi ni Karen, "Nawalan ako ng taong magtatanggol sa akin, nawalan ng taong magpapangiti sa akin tuwing umiiyak ako, hindi lang kapatid ang nawala sa akin, nawalan ako ng kaibigan, ng karamay, ng kasama, nawala ang lahat sa akin. Sa tingin niyo ba ganon na lang kadaling kalimutan yun."

"Karen...nagmamakaawa ako sayo. Patawarin mo na ang anak ko. Natatakot lang naman sa kanya, baka kung ano na naman ang gawin niya sa sarili niya, minsan na siyang nag-attempt ng suicide ng dahil sa babae at ayoko ng mangyari ulit yun."

"Akala niyo ba kayo lang ang nahihirapan sa mga nangyari, hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako, hindi ko pa rin matanggap na ang taong minamahal ko ay siyang di ko kayang patawarin. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh, ma, buntis ako, at sa tingin mo ba magiging madali sa akin ang kalagayan kong ito ha, sa tingin mo ba?"

Pagdating niya sa kanyang bahay ay naabutan niya na nakaupo sa harapan ng pintuan niya si Jason at namamaga ang mga mata dahil sa kakaiiyak.

"Sabi ni mama, buntis ka raw."

Tumango si Karen.

"Karen, ituloy na natin ang kasal."

"Anong kasal? Hindi mo ba naiintindihan ang sitwasyon natin para pakasalan mo ako ha?"

Hinawakan niya ang isang kamay ni Karen at bigla siyang lumuhod sa harpan nito, "Sinabi ko non sa sarili ko, na kapag nahanap kita, hindi ako magdadalawang isip na lumuhod sa harapan mo at humingi ng tawad. I'm so sorry Enyang, I'm so sorry sa lahat-lahat. Sa lahat ng kasamaan na ginawa ko sayo noon, sa lahat ng kasinungalingan ko. Alam ko naman malaki ang nagawa kong kasalanan sayo noon, pero Karen, kasalanan ko ba kung mahalin kita ng ganito."

"Tumayo ka." Sabi ni Karen.

Umiling si Jason, "Ayoko."

"Hindi madali ang hinihingi mo Jason. Pero siguro, ito na rin ang tamang panahon, para patawarin kita, bilang batang si Enyang pero hindi si Karen na minamahal mo. Jason, msyado ng komplikado ang sitwasyon natin ngayon at hindi ko na alam kung maaatim ko pang makasama ka pa."

Tumayo si Jason at niyakap si Karen, "Pero mahal mo ako di ba?"

"Pero hindi na sapat ang mahal lang para sa ating dalawa." Inalis niya ang kamay ni Jason sa katawan niya, "Para rin to sayo, sa akin at sa magiging anak natin Makakaalis ka na." Saka pumasok agad sa kuwarto niya si Karen.

ENYANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon