9
Wish
Nang marinig ang bulong na iyon ay natingin si Jason sa katabing nakapikit pa rin, "Patawarin?"
Hindi na nagbukas ng mata si Karen, naramdaman ni Jason na tuluyan na itong nakatulog sa balikat niya, napangiti siya at hinawakan ang ulo ni Karen.
"Wow ang sarap talaga kapag libre." Sabi ni Karen ng nilibre siya ni Jason ng almusal sa isang fastfood.
Sumubo siya ng hotcake nang mapahinto siya sa pagkain.
"Oh bakit?" tanong ni Jason sa kanya.
"Wala ka bang nilalagay ditto?"
"Bakit may lasa ba?"
"Wala naman, naisip ko lang, baka nilagyan mo ng pampahilo ito o di kaya gayuma."
"Ikaw talaga, hanggang ngayon iniisip mong masama akong tao."
"Aba? Malay ko, baka mamaya eching mo lang yang pagiging mabait mo pero yun pala may binabalak ka na pa lang masama sa akin."
"Ganon na ba akong kamukhang goon para pag-isipan mo ako ng ganyan?" tanong sa kanya ni Jason.
Ngumiti si Karen at kinurot sa pisngi si Jason, "Ang cute-cute mong goon."
Pinagpatuloy muli ni Karen ang kanyang pagkain at saka napahawak si Jason sa pisngi niya.
"I/m worried about him Leo." Sabi ni Jana kay Leo sa phone, "Yung last accident niya it happened because of a girl."
"Ate Jana, sabi ni Jason, aksidente lang talaga yun at hindi dahil sa ex niya. nagkakarera lang sila ng mga kabarkada niya kaya siya naaksidente." Paliwanag sa kanya ni Leo, "I think Karen will make him happy. Hayaan natin siya maging masaya."
"Nag-aalala lang naman ako, highschool pa lang siya he's having depression with girls. Di ba nga muntikan na yang maglislis ng pulso ng nakipagquit sa kanya ang first girlfriend niya. Tapos yung isa naman noong college siya, sumakit ang dibdib niya sa sama ng loob sa babae."
"Ate, ate, according to the studies nakakapagpahealthy sa puso kapag masaya ang isang tao."
"At paano kung akala niya na magiging masaya siya, paano kapag nasaktan siya ulit? Leo, magpapahospital na naman ba kami ulit? " Reklamo ng kanyang pinsan.
"Ate, let him do what he want, baka kasi kung pagpipilitan niyo pa yang mga gusto niya ay baka kayo pa ang maging dahilan kung aatakahin uli siya. mas gusto niyo ba yun?"
At hindi na nakasagot pa si Jana.
Nagdadrive ng sasakyan si Jason pero di pa rin mawala sa isip niya ang ni-wish ni Karen,hindi niya alam kung bakit tila nahihiwagaan siya sa ipinagdasal ni Karen.
"Karen?"
"Bakit?"
"Anong ni wish mo kanina?"
"Bakit mo tinatanong?"
"Curious lang ako."
"Ayoko ngang sabihin yun sayo, secret ko yun noh. Baka kapag sinabi ko sayo hindi matupad."
BINABASA MO ANG
ENYANG
RomanceTatlong katauhan na binigkis ng kanilang nakaraan. Ang isa ay may nais ituwid na pagkakamali, Isang may gustong balikan At ang isa ay pilit itong kinakalimutan. Paano nila haharapin ang kasalukyan kung nakagapos sila sa kanilang nakaraan? At… Paano...